PERFECT#9:LAST

169 10 0
                                    

Carmela's POV

"Please Carmela! Makinig ka sa akin! Hindi ko sinasadya!Gusto ko lang naman magkaayos tayo at--"

"TUMIGIL KA NA!" sabay duro sa kanya

"Hindi na tayo magkakaayos pa allan.Hindi na!" sabi ko at tumakbo sa higaan at dumapa saka ko tinakpan ng unan ang ulo ko

Gusto kong kainin na ako ng lupa ngayon at dalhin niya ako kay mama at papa.Gusto kong maramdaman na ipagtanggol nila ako ulit.Gusto kong sabihin nila ulit sa akin na ayos lang.

Hindi ko na alam ang gagawin ko.Hindi ko alam kung paano ko lulusutan to.

"Carmela..Makinig ka please." sabi niya

Humahagulgul ako habang nakadapa at siya ay nakaupo sa sahig sa tabi ng kama ko.

"Carmela Sorry..Sorry talaga.Sorry." sabi niya

Natigilan ako.Umayos ako ng upo.

Tinignan ko siya habang tumutulo ang luha ko.

"Sorry?Is that all you can say? Allan nasaktan mo ko.Nakipagrelasyon ka sa akin kahit alam mong hindi na pwede.Bakit allan? Bakit?!" sabi ko ng mahinahon pero halong sakit at galit pa rin

Hindi siya umaalis sa pwesto niya.Naisusuklay niya ang sarili niyang kamay sa buhok niya habang nakayuko.

"I'm sorry.Mahal lang talaga kita.Mahal na mahal.Kahit alam ko na hindi pwede ginawa ko.Kahit alam kong masasaktan ka ginawa ko.Alam ko kasalanan ko pero nasasaktan din ako.Nasasaktan din ako na makita kang galit sa akin.Nasasaktan ako na walang magawa kapag nasasaktan ka.Kaya ginusto ko na maging tayo kasi gusto kong sumaya naman.Pasensya ka na Carmela.Pero please...Iiwan ko ang lahat carmela tayo na lang ulit." sabi niya

Tumayo ako at binigyan siya ng isang napakalakas na sampal

"IWAN!? Narirnig mo ba yang sinasabi mo?!Hindi mo sila Iiwan Allan! Hindi! Alam mo kung ano ang pakiramdam maging isang illigitimate child.Mahirap allan.Alam mo yan.Kapag iniwan mo sila tapos nag-asawa ka maging anak sa labas na lang ang anak mo Allan.Gusto mo bang maranasan din niya ang pang-aapi ng ibang tao allan? Gusto mo bang maransan niya ang naranasan mo na hindi mo man lang matawag na 'Papa' ang ama mo kasi may image siya na pinoprotektahan? Ha! Allan! Naiintindihan mo ba?!" sabi ko at napaluhod sa harap niya

"Allan alam ko na masakit.Masakit din para sa akin.Kasi alam ko na mahal na mahal kita.Pero hindi ko maipagmalaki kasi may anak ka na.May fiancé ka na.Siguro nga hanggang dito na lang tayong dalawa allan.Siguro heto na talaga ang tadhana natin.Walang talagang perpekto na tao allan." sabi ko

Hinarap niya ako at niyakap.

"Mahal na mahal kita Carmela.Please.Mahal na mahal kita." sabi niya

"Mahal din kita Allan pero hindi pwede.Hindi na pwede." sabi ko at tumayo

Ngunit paglingon ko sa may pintuan.Nakatayo siya.Umiiyak at nakatingin sa amin dalawa.

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman niya pero may magagawa ako para maibsan ang sakit na nararamdaman niya.

Ang malaman na hindi ka mahal ng taong mahal mo ay masakit na iyon sa part mo.

Ang masaksihan pa kaya na umiiyak ang mahal mo sa harap mo habang kausap niya ang taong mahal niya.

Mas masakit yun dahil mahal mo siya.

Perfect Girl...Be My Girl(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon