𖡎
Chapter 30
#wrewp
Martin Luther King Jr, a civil rights leader and philosopher, mentioned that love is the only force capable of transforming an enemy into a friend; and that love has the power to overcome hate. Iyon ang nangyari sa aming dalawa ni Grant. I hated him from the very beginning. And that hate turned into something . . . unexpected. Kasi akalain mo 'yon? Kapag papasok pa lang siya ng pintuan ng classroom namin, salubong na agad ang kilay ko. Kapag mag-re-recite siya para i-refute ang arguments ko, nagngingitngit na agad ang ngipin ko sa inis.
E, ngayon? Boyfriend ko na.
Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala. Lalo na ngayon.
"Pretty baby . . ."
I felt Grant's hands slowly wrapping around my waist from behind. Tutok ang mata ko sa reviewer ko kaya hindi ko siya nilingon. When he noticed that I was intentionally ignoring him, I heard his low groan in my ear. I squinted my eyes a bit and focused on what I was reading.
"Puro basa, ayaw ako pansinin," bulong niya.
"Grantholm," pagbabanta ko.
"Hmm?" he whispered softly.
"Doon ka nga. Huwag kang magulo."
He groaned again, burrying his face on the side of my neck. Ramdam ko ang init ng hangin na nanggagaling sa ilong niya.
Kung hindi niya lang talaga 'to kwarto, kanina ko pa siya pinalabas. Tss. Kitang nag-aaral. Paano ako makaka-focus nito kung ilang minuto pa lang kaming nag-aaral, may braso na agad sa katawan ko?
Ang usapan naming dalawa, mag-aaral ako at hahayaan niya lang 'yon. Hindi niya ako guguluhin. Kaya kahit may pagdududa ako, pumayag pa rin ako. Pero ngayon, ni-hindi pa nga ako nakakalahati, may nagpapapansin na agad.
"Let's talk for a while, Matienne," aniya. "I missed you."
Salubong ang kilay ko siyang nilingon. "Ano? Magkasama tayo kahapon ah? Anong miss?"
He chuckled, biting his lip while his teeth showed. Pinagmasdan niya ang mukha ko gamit ang malamlam niyang mga mata, parang kinakabisado ang bawat ukit ng reaksyon sa mukha ko. Pinilit kong magmatigas at hindi bumigay. Tang ina. Kung hindi ko kailangan mag-review, kanina ko pa yan kayakap. E, kailangan ko talaga magsunog ng kilay dahil mahalaga 'to.
"I miss my pretty boy in every second that passes," he uttered, eyes sparkling.
Umawang ang labi ko at kalaunan ay napasinghap. Mabilis akong nag-iwas ng tingin at pinagpatuloy ang pagre-review.
Matienne, tibayan mo ang loob mo. Huwag kang bibigay. Pagsubok lang 'yan sa 'yo. Kaya mo 'yan. Huwag kang papatibag sa malanding 'yan.
Nakahinga ako nang maluwag nang bumitaw siya at lumayo. Sinubukan ko siyang silipin sa gilid ng mata ko. Naroon siya, lumalapit kay Spooky na inosenteng dinidikit ang katawan sa kaniya. He petted the cat's body, making the latter pur loudly.
"Spooky," aniya. "Ayaw ako pansinin."
"Meow."
"Yeah, I know. Your father's really like that. Natitiis ako," pagsusumbong nito sa pusa. "Hindi niya naman na kailangan mag-review. I know that he'll ace the entrace exam. He's that good. He's the salutatorian of our batch. My salutatorian."
Pumikit ako nang mariin at tumingala. I tried my best to stifle my smile but fuck, I couldn't. Puminta ang pinipigilan kong ngiti at hindi ko na rin napigilan ang mahina kong tawa. Agad niya 'yong nakita kaya tumayo siya. He spread his arms open, urging me to hug him while there was a playful smile on his lips. Pambihira.