Special Chapter - Hong Kong (Part 1)

35 1 0
                                    

AINE

Tinitigan ko ang maya't mayang pagtulo ng tubig sa gripo. Tila ba alam nito ang bigat na nararamdaman ko, at siya nang umiiyak para sa akin. Naninikip ang sikmura ko. Hindi ko alam kung dahil sa gutom o dahil sa bagay na alam kong mangyayari at mangyayari kahit na iwasan ko pa.

Nasa kabilang kuwarto si Agathon, pero hindi ko magawang tumayo at magpakunswelo sa kaniya. HIndi ko alam ang gagawin sa bigat na nararamdaman ko. Kinakailangan kong mapag-isa. Ipinikit ko ang aking mga mata at saka sinundan ng dinig ang bawat pgtulo ng tubig sa gripo ng banyo at ang pantay na paghinga ni Aga sa kabila. Hating gabi na rin ito sa Hong Kong.

Pinakawalan ko ang mabigat kong paghinga, ngunit hindi pa rin napawi ang bigat ng aking nadarama.

We were in our very own cold war. Agathon and I. Hindi ko man itanong, hindi ko man pansinin, pero umiiwas siya sa akin. Pagod na siguro siyang marinig ang mga hinaing ko. Pagod na rin akong isigaw ang mga problema kong hindi naman naririnig. Pagod na akong ipaalala ang pangakong tiyak kinalimutan na niya. He no longer looks at me the same way he does when we first fell in love. I could say the same thing with me. I no longer feel secured here... I no longer feel the breezy comfort of his love. We were fighting alone, separately in our own battle.

Why are we even here? Why did I even give up everything in Manila? We suddenly changed. We began distancing ourselves with one another... Such irony. The fact that we eloped and hid in Hong Kong to be together made us break the remaining reason why we're linked and choosing to keep together.

The tears that I didn't know I was holding at bay came crashing down. May iiiyak pa rin pala ako. Akala ko ay nilamon na ng Hong Kong ang buong kaluluwa kong nagdurusa, naghihintay sa pagbabalik ng Agathon na minahal ko. Patuloy ang tahimik kong pag-iyak. Nanginig ang batok ko sa bawat patulo ng mga luha ko. Hindi ko maaaring ipakita sa kaniya na apektado pa rin ako hanggang ngayon.

Nakatulog ako sa banyo.

Dumilat ang mga mata ko dahil sa sikat ng araw na tumama sa aking mga mata kinaumagahan. Tila ako pinapaso, tinutuyo ang ebidensiya ng kirot ng puso ko kaninang madaling araw. Tumayo ako at saka nagbuhos ng tubig sa toilet bowl, kahit na hindi naman ako umihi. Just to announce that I'm already awake. In case he's trying to look for me... if he even care enough.

Binuksan ko ang pinto at hinanda ang sarili ko sa malamig na silid kung saan ko ihihimlay ang naghihingalo ko nang kaluluwa. Inihahanda sa malamig niyang presensiya.

Agathon...

Nakaupo siya sa sofa malapit sa pintuan. May dalawang baso ng mainit na kape sa coffee table. Ang isa ay nakatapat sa kaniya, habang ang isa ay nakatapat sa espasyo sa kaniyang tabi. Hindi umangat ang tingin niya nang lumabas ako sa banyo. Hinawakan niya lang ang baso niya at saka tahimik na sumimsim sa kaniyang kape.

Wala na akong nagawa kundi ang tumungo sa kaniyang tabi at saka naupo. Nag-iwan ako ng katiting na espasyo sa pagitan namin upang hindi ako mawala sa tamang pag-iisip.

Maliit na espasyo para sa ikatatahimik ko.

Maliit na espasyo upang hindi niya mapansin.

Maliit na espasyo para sa ikatatahimik niya rin.

"Malapit ka na palang magbirthday." panimula niya at saka nag-angat ng tingin sa akin. "Mayo na."

For Your Eyes OnlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon