Epilogue - San Juan

513 13 1
                                        

Epilogue (Part 2) San Juan, Aine, Joie, Jael, Gene

AINE stared at Joie's succeeding newly renovated establishment. It was painted to lavander on the inside wall, tapos ay nagpalit na rin ng mga glass walls sa surface ng store. Even the single door is changed to a revolving one.

Aine was holding a three paper neatly placed on a scented gold envelop. Kanina pa siya nakatayo sa labas ng store at nakamasid na busy na tindahan. Maraming tao sa loob. Nandoon si Joie as expected. What Aine didn't anticipate was Jael's presence. He was wearing a long sleeved white polo shirt, folded up to his elbows, slacks sa baba.

Aine's eyebrows pulled together when she noticed he's also wearing a half-body apron like he's also an employee.

Napakatagal na kasi magmula noong masira ang GC nila, at wala nang paramdam muli ang lahat. Kung kaya't wala na siyang bali-balita sa kanila. Tila ba matapos ang February't March, bumalik sila sa dati nilang mga buhay at nawalan na muli ng koneksyon gaya noong nagdaang limang taon.

Si Kitten lamang ang natira sa kaniya, at tila ba naging isang mahabang panaginip lamang ang nagdaang magulong dalawang buwan ng buhay niya noon.

Matapos umalis ng isang grupo sa flower shop ay lumuwag na sa loob. She saw Jael walk up to Joie who's writing something on the log book, habang ang iba ay tumitingin ng flowers at inaasikaso ng dalawa pang workers ni Joie.

Jael kissed Joie's cheek, and then the other, tapos ay nagtawanan na sila at nagpokus na muli si Joie sa sinusulat.

Napangiti si Aine sa nakita. Kung gayon ay nagkatuluyan rin pala ang dalawa, just like Kitten and Zed.

Bumuntong-hininga siya at saka ay nagsimula nang maglakad patungo sa store. Napakalakas ng tibok ng kaniyang puso. Hindi niya kasi alam kung tama bang bigla na lang siyang sumipot doon para magbigay ng invitation sa nalalapit niyang kasal.

"Aine?"

Napalingon si Aine nang may tumawag sa kaniyang likod na isang pamilyar na boses.

"Gene." bati niya sa kaibigan nang makita ito. Nakasuot ng turtle neck si Gene at slack na malamang ay partner ng kaniyang chef uniform. "Balak ko sanang puntahan ka sa resto mo mamaya."

Gene slightly smiled at her, "Congrats. I heard about the wedding." ani Gene at saka ay dumukwang palapit sa kaniya upang yumakap.

"Thanks." sagot ni Gene at saka nginuso ang dalawang taong pakay ko na nasa loob ng shop. "Itong dalawa, malapit na rin mag-announce." aniya sabay kindat sa kaniya.

Gene linked arms with her at sabay silang pumasok ng store, na para bang hindi sila nagkasamaan ng mga loob noong nagdaang mga buwan.

"Hey." sambit ni Joie nang mag-angat siya ng tingin mula sa ginagawa sa kaniyang counter dahil sa pagtunog ng chime. Agad niyang binitawan ang ballpen at saka ay nagmadaling umalis ng kaniyang lugar para salubungin ang dalawang kaibigan.

"Aine..." bati niya dito at saka ito hinila para sa isang yakap, "Congrats..."

"Thank you." aniya at saka tinapik ito sa likod nang kaniyang yakapin pabalik.

"Aine." sumunod si Jael at saka ngumiti sa kaibigang matagal ding hindi nakita, "What brought you here?" he asked smiling whole-heartedly bago hinila si Joie patungo sa kaniya upang yakapin.

Gene smiled looking at the couple.

"Ah, right." tila ay biglang naalala ni Aine ang kaniyang pakay at agad na nagtungo sa kaniyang handbag upang kuhain ang envelops. Ibinigay niya ito sa tatlong kaibigan. "I'm getting married."

Kumunot ang noo ni Jael, "Too fast." kumento niya, "Do'n ba sa kolokoy? Lauchengco, huh. Family of models." nakangisi nitong sambit.

Napailing na lang si Joie, "H'wag ka ngang nangingialam diyan. Sa lagay gusto nang maikasal ni Aine, e."

Biglang nawala ang mga ngiti ni Aine sa kaniyang mga mata, but the curve in her lips weren't off.

First month pa lang ng relationship nila ni Lloyd ay niyaya na agad siya nitong magpakasal. At dahil wala naman na siyang hinihintay sa buhay, she said yes, and just as immediately, hinanda na agad ang kasal.

At ngayong December, she's going around the city giving her wedding invitation sa mga taong gusto niyang maging present sa kasal. She felt like a corpse walking around San Juan City, giving golden envelops. Wala man lang siyang maramdamang saya sa kaniyang dibdib, and yet, she's still doing it na para bang automatic na ang lahat. All the preparation was of Lloyd's taste.

Lahat kasi ng itanong nito, ang lagi niyang sagot, "I'd go with what you'd like the most." and so, Lloyd will choose and then it's settled.

She's passive all throughout na parang bang wala na siyang pakialam sa lahat ng nangyayari sa kaniya after that night that she talked with Olivia. It was the first time she saw her. She's beautiful, so beautiful. And it was just so right to be insecure.

Of course, a girl as prim as her ang pipiliin ni Agathon. Of course, they would get along so well dahil magkakasundo talaga sila. They are somehow alike. Hindi na siya magtatakang magkalive-in na ang dalawa. Kasi siya, na naging ka-live in ni Agathon noon sa Hong Kong ay hindi nagwork.

She's a nagger, negative, at kung tutuusin ay mas babae pa sa kaniya si Zed noon. Hindi lang talaga siya fit for Agathon, at matagal na niyang natanggap 'yon. Even before, noong mga high school pa sila, alam niyang sa kanilang dalawa, siya ang mas nakakapit, siya ang mas umiibig, kasi siya ang kayang may gawin para sa lalaki. They just don't fit together.

That was maybe the reason why noong una pa lang na magtapat ang isang Lloyd Launchengco sa kaniya ay napa-oo na siya agad. Lloyd is also a catch. At nakikita niya kay Lloyd ang sarili niya noong kabataan niya. Iyong ganoong pagmamahal at pagtitiyaga sa isang tao. She knew it so well, na hindi na niya nagawa pang umatras.

All the memories of March 21 came crashing back to her. How they talked on the video call, her seeing Agathon on the background of a dim lit room. Sleeping in his usual white long sleeved polo shirt. Olivia crying, asking her nicely to back off. She was the one who read her messages on Facebook. She's holding his account. That's how tight they were. Doon siya nagsisi sa ginawa niya at saka ay siya nang lumayo.

"Aine?" Gene snapped a finger in her face that made her blink several times.

"Yes?" she asked distraught.

"I said, let's hang out? Joie can leave the shop na sa employees niya. Tagal ka rin naming 'di nakita 'e."

"Sure." Aine nodded.

"Where's Kitten pala? Why are you not with her?" asked Joie. Hindi naman na ito mukhang galit pa rin kay Kitten with her tone. More like curious and concern, na baka may sama pa rin ng loob ang kaibigan sa kaniya.

Aine shrugged, "Nasa New York with Zed."

"Wow, huh." Gene commented smiling, "Relationship goals rin nga pala ang dalawang iyon." Joie nodded as well, na parang alam rin ang balita.

"Mga tsismosa as ever." sambit ni Aine at saka bahagyang napatawa, "Kami walang bali-balita sa inyo after what happened, tas kayo, full-info pa rin."

Natawa si Jael, "Girls." aniya habang napapailing na tila hindi makapaniwala. "Let's go." aya nito sabay tanggal sa knot ng tali ng suot na apron.

"You work here?" Aine asked.

Tipid na umiling si Jael, "No. Just helping out my girlfriend." sambit nito sabay nakaw muli ng halik sa pisngi ni Joie na siyang nagtatanggal rin ng apron.

Gene scrunched up her nose. Napatawa si Aine.

"Ikaw ba, wala pa?" she asked her friend.

Gene shrugged, "Still waiting." sagot lamang nito at bahagyang nangiti sa kaibigan.

For Your Eyes OnlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon