Epilogue - Felomino

614 17 9
                                        

Epilogue (Part 3) Felomino, Agathon, Aine

UMUWI sa kanilang malawak na vineyard sa Felomino si Aine upang bumisita sa kaniyang mga magulang na doon pa rin naka-reside.

Originally, sa Felomino talaga lumaki si Aine. Laking vineyard siya at talagang expert sa mga alak. Kaya naman ganoon na lamang ang ganda ng paghandle niya sa alcohol na kinaiinggitan ni Jael sa kaniya, lalo na’t isa siyang babae.

Lumipat lamang siya sa Ignacio, sa poder ng mga Gagarin kasama si Yani para sa kaniyang pag-aaral sa St. Anne Institute noon. Magkaibigan kasi ang ina ni Yani na si Tita Maxelle, at ang ina niyang si Gianna De Leon-Nepomuceno.

But, unlike the tight friendship of their mothers, Yani and her didn’t have an actual bond with each other. Magkaiba kasi sila ng hilig, lalo pa’t napaka girly nito at mas bata sa kaniya ng isang taon. Honestly, her whole existence irritates Aine, kung kaya’t siya na rin ang umiiwas. She was actually shock that time, nang magtapat si Pietro kay Yani. Hindi niya lamang lubos akalaing ang mga tipo pala ni Yani ang gusto ni Pietro, but of course, he can’t judge him, dahil itong kagaya nga ni Agathon ay natipuhan siya.

“Ate!” hindi makapaniwala si Aria nang makita ang ate niya pagbukas nito sa malaking pinto, “You’re here!”

Nasa sala ang kaniyang ama at may hawak na matabang tobacco pipe. Humithit muna ito bago tumayo, “Clementine, anak.” he greeted, “You didn’t inform us na uuwi ka. How’s our bride-to-be?”

Papá, namiss ko rin ho kayo. Lo siento (Sorry), I didn’t call.” sambit naman ni Aine at agad na yumakap sa kaniyang ama. Ginulo nito ang kaniyang buhok.

“I wasn’t angry.” he laughed his barbaric laugh. “Ikakasal ka na ba talaga?”

Umikot ang mga mata ni Aine sa hangin, “Hindi pa rin po ba tapos ang issue na ito sa inyo? Hablo en serio cuando digo que me voy a casar (I’m serious when I say I’m getting married).” madiin sa espanyol nitong punto ay sinambit.

Tumango ang ama ng ilang ulit na tila ba nagsisi sa kaniyang itinanong. “Calm down. I’m only asking.”

Hindi na siya pinansin ng nawala na sa wisyong anak. Humarap ito kay Aria.

“Where’s Mamá?” she asked her little sister.

“She’s in the study.” sagot naman ng kaniyang ama at saka nginuso ang daan patungo doon sa kabilang direksiyon. Hindi sumagot si Aine sa kaniya, pero agad na itong nagsimulang lumiko patungo sa study.

“Ate, nga pala…” Aria started. Agad lumingon si Aine sa kapatid at nag-angat ng kilay, “Ano?” she asked when she looked back at her.

Agad itong siniko ng ama. “Aww, Papá, masakit, ha!” suway naman agad ni Aria sa ama at saka sinimangutan ito.

“Go on.” sagot naman ng ama kay Aine at itinuro na ang study na tila ba pinagmamadali na siya. Umikot ulit ang mga mata niya sa hangin at nagtungo na ng tuluyan sa study.

Hindi naman tutol ang kaniyang ama sa kung sino ang pakakasalan niya. He was only bothered why she’s getting married too fast, ni hindi pa gaanong nakikilala ang lalaki. And her groom’s partly Chinese, na kinababahala rin ng inang partly Spanish. If given a chance, na magkaayos sila ni Agathon at ikasal agad ngayon, iyon ay mas matatanggap pa yata ng ama, kaysa sa kasal na offer ni Lloyd Lauchengco.

Isa pa’t, maganda rin kasi ang samahan nito at ni Agathon. Noon pa man, whenever Agathon visits, magdamagan sila sa winery, nag-iinuman at kung anu-ano pa. Halos naituro na nga yata nito ang buong proseso at mga sikreto sa vineyard kay Agathon, thinking ito ang makakatuluyan ng anak.

For Your Eyes OnlyStories to obsess over. Discover now