Special Chapter - Before Hong Kong

28 1 0
                                    

Sumulong sa napaka lakas na ulan si Agathon. Hindi niya alam kung tama ang desisyong pinili niya, pero isa lang tanging resulta na gusto niyang makamit niya.

Ang makasama si Aine at hindi na malayo pa sa dalaga. Panghabang-buhay.

Kung susunod siya sa kaniyang magulang at uuwi sa States, tiyak na hindi na sila magkikita pa ni Aine... kahit kailan. Magiging isa na lamang siyang alaala sa nakaraan ng binata, at laging tanong sa kaniyang isipan: "Paano kung siya ang pinili ko?"

Walang kahit anong bitbit si Agathon, tanging ang lakas ng tibok ng kaniyang puso lang at isang tanong sa dalaga. Kailangan niya lang makasigurado, at alam niyang makukuntento na siya dito.

Sa lakas ng buhos ng ulan, nilamon na nito ang ingay ng cuidad, ngunit rinig pa rin ni Agathon ang bawat pintig ng kumakalabog niyang puso. Hindi niya kayang iwan si Aine. Iyon ang bahay na ikinasisigurado niya.

Tumigil ang binata sa tapat ng isang malaking waiting shed sa San Juan University. Doon sila laging nagkikita ng dalaga matapos ang klase noong sila ay nag-aaral pa. Itinukod niya ang dalawang kamay sa dalawang tuhod at saka hinabol ang kaniyang hininga.

Walang ibang tumatakbo sa isip ni Agathon kung hindi ang makaabot. Tanging makaabot lang. Marami na siyang maling desisyon na nagawa sa buhay, at hindi siya makapapayag na magkamali ulit kay Aine.

"Aga. What happened to you?" tumayo si Aine mula sa pinaka gilid na bench.

Nakasuot pa si Aine ng corporate attire. Naalala ni Agathon na nag-apply ito sa Benjamin & Saint Firm noong nakaraang linggo para maging abogado.

Bitbit ang bag at isang hawi sa naglaglagang buhok dahil sa biglaang pagkakatayo, ay lumapit agad si Aine sa kaniyang nobyo.

"Okay ka lang, Love?"

Humugot muli ng hininga si Aga bago tumayo ng tuwid at saka sinalubong rin si Aine.

"Do you trust me?"

Nangunot ang noo ni Aine. This is not the usual Agathon. Unang-una sa lahat, kung makikipagkita ito, at least may dalang motor, or in case the situation is like this, [pouring rain], he'll bring his car. And the first thing he would say is always, "Kain tayo, Love?" especially kung gabi sila nagkita.

Bumuntong-hininga si Aine at saka tumango, "Of course. What's the matter?" she answered hesitantly and somewhat disappointed.

He did not even ask if she already get the job. Iniisip niya sana na baka magse-celebrate sila. Maybe, Agathon heard the news from Kitten. She thought it would be nice to be a surprise for Agathon, sasabihin niya kapag nagkita sila so he would ruffle her hair and kiss her tenderly, saying "Of course, you got it. I had no single doubt that you wouldn't, you're the best girl—my girl."

Hinawakan ni Agathon ang magkabilang pisngi ni Aine. He was looking at her so intently, that even her forgot about getting the job. It was not spoiled or something, it's just that Agathon can make everything blurry with just his gaze. He's not controlling and manipulative... that's not the issue.

It's just that Aine's deeply in love, and Agathon could be too passionate in love too.

Agathon broke a small smile before looking down. Alam niyang malaki ang hihingin niya kay Aine at hindi siya sigurado kung oo ang isasagot nito. Ang susunod na minuto ng kaniyang buhay ang maaaring magdikta kung magiging katapusan na ba nilang dalawa... o, magpapatuloy pa sila.

Nanakit ang dibdib niya. Parang hindi niya kayang ilabas sa bibig ang mga kataga. Natatakot siyang kapag nagtanong siya, tuluyan nang mawala si Aine sa kaniya.

"Aga?" mahinang bulong ni Aine sa nobyo bago inabot ang baba nito at saka iniangat upang magtama ang mga tingin nila. "What is it? What happened—"

"Will you go with me anywhere, even to the depths of the earth?" asked Agathon.

Nangunot ang noo ni Aine sa narinig. Unti siyang napaiwas nang tingin at saka ipinokus ang mga mata sa kumakapal na buhos ng ulan. Ni hindi na makita ang mga sasakyan sa kalsada at isang blur na lamang ang ilaw ng mga kotse. Gusto niyang ipaulit kay Agathon ang tanong. Gusto niyang malaman kung namali lang siya ng rinig.

Kahit kung tama ang dinig niya... Alam na niya ang ibig sabihin noon.

Agathon has a lot of issues growing up. Alam ni Aine iyon dahil magkaibigan sila bago nagka-ibigan. Kabisado na niya ang una hanggang dulong pag-iisip ng binata. Alam niyang isang 'escape' na naman ang susunod.

"Love, did you hear me?" tanong ni Agathon nang hindi nakakuha ng sagot sa nobya. Nilingon siyang muli ni Aine at saka binigyan ng ngiti.

'Ang lalaki na natin Aga... Why don't you learn to fix your issues and not run away even for once?' she wanted to say that badly. Baka sakaling matauhan, mahal niya e.

Pero walang kahit isang titik ang lumabas sa kaniyang bibig. At once again, she chickened out. Hindi niya lang kayang pangunahan si Agathon. Hindi niya lang kayang magdesisyon para sa kaniya.

Aminado si Aine na isa siyang pushover, gora at go-with-the-flow lang. Ang kaso lang, hanggan relasyon ganoon ang asta niya kaya siya nahihirapan.

"What do you want to do?" she asked instead.

Napabuntong-hininga muli si Agathon. Muli niyang hinaplos nang sabay ang pisngi ng dalaga at ipinadaan ang kaniyang hinlalato sa labi ng dalaga. Alam na ni Aine na hindi madali ang sasabihin ng binata.

She remembered how he did that once when he confessed to her about his feelings as well, and once more when he told her he'll be spending the whole summer in States.

Agathon never loved goodbyes. He couldn't stand it. Para siyang pinapatay dahil iba ang ‘attachment’ kay Agathon. Kung magbigay siya ay buo, kaya nahihirapan siyang mag-adjust kapag may nabago.

Once, when it was Aine's turn to spend Christmas in Mindanao for a family gathering and relief operation dahil sa nagdaang bagyo, sinundan siya ni Agathon doon. Hindi dahil sa wala siyang tiwala, hindi niya lang kaya na hindi makita ang dalaga. He spent five days going back to the same venue para makita si Aine, nahuli lang siya ng dalaga noong huling araw matapos ang gabi ng bagong taon at pasakay na sila sa van upang umuwi.

Nasa likod lang ng puno si Agathon noon at may sarili niyang paputok na nabili sa kalye. Habang nakatanaw kila Aine at sa buong pamilya nitong nagdidiwang ng bagong taon.

Alam niyang magagalit si Aine kapag nahuli siya nito, but it was worth it when she finally caught him. She didn't get angry though, because it was New Year's Day and she couldn't wait to go home and see him. Him being there even became like a surprise gift for Aine in return.

"Do you want to run away... with me?"

Kumalabog ang puso ni Aine sa halu-halong takot, kaba, at hindi makilalang excitement. Hati ang isip niya. Ang isa ay willing sumama, pero ang isa ay takot sa kinabukasan.

"Where?" she asked, her voice so small.

"Anywhere. Umalis lang tayo sa syudad na 'to."

And there she confirmed it's another one of those Aga's escape plans. It was a chance for Aine to speak what's really on her mind. Baka sakali... matauhan si Agathon.

But she did not bother. Instead, she smiled and nodded.

"Alright." She mouthed before she could even change her mind.

• • •

AINE


I guess, I would always wonder what could have happened if I told him that piece of my mind. Would it change the disaster that will come afterwards?

For Your Eyes OnlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon