Special Chapter - Moneva

664 12 1
                                        

Special Chapter —Moneva, Jael, Aine, Agathon.

Read at your own risk.

MASAMANG tinignan ni Jael si Aine nang kumuha pa itong muli ng isang bote sng alak sa case na kalalabas lang ni Mang Lito, isa sa mga trabahador sa rancho ng mga Garduce-Dalton.

"Tama na nga 'yan, Aine!" reklamo nito. "Oo na, panalo ka na! Hindi ko na kaya!"

Silang dalawa na lamang ang nag-iinumang nakaupo sa marbled table sa likod ng mansyon. Nandoon pa rin si Pietro, ngunit nagpipipindot ito sa kaniyang selpon at hindi naman umiinom. Nakaupo lang at lumalantak ng mga pulutan.

Aine wiped the side of her lips, "Wala ka pala, Ja." aniya sa mapang-asar na tonong nginiwian ni Jael.

Tumayo si Aine. Hindi pa gumi-gewang ang katawan. Nakakatayo pa ito nang diretso. Wala na sila Kitten at Zed. Pagdating na pagdating kasi ni Kit ay inuwi na niya si Zed. At dahil wala pang tama si Aine noon, halos apat na oras na magmula nang makaalis ang dalawa, ay sinabi ng dalaga na huwag na siyang hintayin pa. Malamang ay nakauwi na ang mga iyon sa San Juan.

"Oo na." asiwang sambit na papikit-pikit na ang mga matang si Jael, at saka ay tumayo na rin.

"Manang," tumayo si Pietro at bahagyang nginuso ang dalawang kaibigang kanina pa niya binabantayan, "Kunin niyo na ho si Aine, ako na bahala kay Jael." aniya sabay tipid na ngiti sa matanda.

Umisang tango si Hera, ang kanilang kasambahay at saka ay inalalayan na si Aine papasok sa mansyon, mula sa likod kung saan sila nakatambay. Kanina pa wala sa set-up si Agathon. Lasing na kasi ito bago pa man makatungo si Aine doon at nagpaalam na iihi lang, pero hindi na bumalik.

"There's a spare room across my room, Manang." anang Pietro sa matanda, "Do'n na lang si Aine, tapos si Jael, sa tabi ng kuwarto ni Kuya Dante ko ilalagay."

Tumango muli si Hera at tuluyan nang ipinasok sa loob ng mansyon ang dalaga.

"Ha." bulong ng lasing na ngang si Aine.

Bumagsak ang ulo nito sa balikat ni Hera habang inaalalayan siya nitong maglakad padaan sa kusina, at paakyat sa grand staircase.

"Ibang-iba ka sa nanay mo." natatawang kumento ni Hera sa bata. "Kayang-kaya ng Ma'am Gigi ang alcohol. Hindi yata nalalasing 'yon." dagdag pa nito na tinawanan ni Aine.

"Eh?" sagot niya na tila nananaginip at saka ay humagikhik. "Kaya ko din naman, ah."

Ipinikit niya sandali ang mga mata habang umaakyat sila sa staircase. Lumayo siya kay Hera nang makatungtong na sila sa isang palapag. She exaggeratedly shook her head.

"Hindi." aniya sa matanda at saka inangat ang nakaturong daliri sabay habang umiiling sa matanda, "Hindi. Hindi po ako maliligo, Mommy." aniya sabay tumawa nang malakas bago naglakad na nang kusa.

Aalalayan dapat siya ni Hera, pero tumigil ito nang makita ang diretsong paglakad ng dalaga. Sandali siyang napailing. Mukhang may pinagmanahan rin pala sa kaniyang inang si Gigi. Parehos hindi hinihila ng alak sa kahinaan, kahit kababakasan na ng pagkalunod dito.

Binuksan niya ang spare room at tinawag si Aine na naglalakad pa rin sa hallway.

"Ma'am Aine," tawag niya, "Dito ho kayo."

Kumurap-kurap si Aine nang lumingon siya, "Okay." tipid niyang sabi at saka ay bumalik.

Binuksan ni Hera para sa kaniya ang pinto at hinintay siyang makapasok. Ngunit bago pa man makasunod si Hera sa kaniya sa loob para asikasuhin siya ay isinara na niya ang pinto sa mukha nito at saka ini-lock.

"Hindi ako maliligo, Mommy!" sigaw niya sa likod ng pinto at saka muling humagikgik.

"Diyos ko, bata ka." nasambit na lamang ng matanda at hindi na namilit pa. Umalis na ito nang kusa.

For Your Eyes OnlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon