Chapter 3

3.7K 62 0
                                    

Primrose Pov

SABADO NGAYON kaya wala akong pasok. May pupuntahan  kasi ako ngayong araw dahil may group project kami. 

Kanina pa ako kinakabahan dahil magpapaalam ako sa uncle Death ko. Sana lang talaga ay payagan niya akong lumabas ngayon. 

Nakarating ako sa kusina at agad kong nakita si uncle Death sa kusina. Nakaupo siya at seryosong nakatitig sa 'kin habang humihigop ng kape. 

Tumayo yata lahat ng balahibo ko sa katawan dahil sa seryoso niyang mukha. Mukha pa lang niya halatang hindi na ako papayagan lumabas. 

"Where are you going?" Tanong niya sa baritonong boses.

Napalunok ako ng ilang beses at parang nakalimutan ko yata ang sasabihin ko. Nag practice kasi ako kanina ng sasabihin ko para naman hindi ako utal-utal sa pagsasalita. 

"Wala ka namang klase ngayon. Kaya  saan ka pupunta?" Tanong niya ulit kaya napakagat ako sa ibabang labi ko. 

"Don’t bite your lips." Sabi  niya saka nag iwas ng tingin. Ako naman ay tinigilan ang pagkagat sa ibabang labi ko. 

"Ahm.. pwede po ba akong umalis ngayon, uncle Death? May gagawin po kasi kaming school project. Kapag hindi po ako pumunta ay baka hindi po nila ako ilista." Sabi ko sa mahinang boses. 

Tumingin naman siya ulit sa 'kin. Nagkasalubong ang tingin namin dalawa kaya napalunok ako ng laway. Ihahanda ko na talaga ang sarili ko kapag binugahan niya ako ng apoy. 

"Saan kayo gagawa ng project?" Tanong niya sa 'kin saka humigop ulit ng kape. 

"Sa bahay po ng classmate ko, uncle. Dapat po kasi ay dito po sa bahay mo kami gagawa. Pero naisip ko na baka pagalitan mo ko dahil ayaw mo pa naman ng maingay." Sabi ko habang nahihiya. 

Plano kasi sana namin na dito nalang dahil malaki ang bahay. Pero agad akong tumutol dahil iniisip ko siya. Baka kasi magulat siya at mapagalitan niya ako. 

"Papuntahin mo nalang dito ang mga classmate mo. Dito niyo nalang gawin ang school project niyo." Sabi niya
sa 'kin kaya nanlaki ang mata ko dahil hindi ako makapaniwala. 

"Totoo po? Papayag ka po na dito kami gagawa ng project?" Gulat na gulat kong tanong. 

Tumango lang siya at ibinalik na niya ang kanyang tingin sa iniinom niyang kape. Alam ko hindi na siya magsasalita kaya umalis na ako sa harap niya. 

Dali-dali kong tinawagan ang mga classmate ko para ipaalam sakanila na dito nalang namin gawin ang mga project. Agad naman pumayag ang mga ‘to at halatang excited na pumunta. Hindi ko alam kung saan sila excited. Kung sa bahay ba o sa uncle Death ko.

Nakikita kasi nila na may naghahatid sundo sa 'kin sa school. Kaya siguro excited sila na makita si uncle Death. 

Nang matawagan ko ang mga classmate ko ay agad akong pumunta muna sa kwarto ko para magpalit ng damit. Nag suot nalang ako ng short at malaking tshirt para komportable akong gumalaw. 

Pagkatapos kong magbihis ay lumabas ako ng kwarto ko. Papunta pa lang sana ako sa hagdan ng makasalubong ko si uncle Death. 

Tinitigan niya ang suot ko at parang hindi niya nagustuhan ang short. "Magpalit ka! Wear your pajama instead." Sabi niya sa 'kin kaya napakamot ako sa likod ng ulo ko.

Wala na akong magawa kundi sundin siya at baka magalit na naman siya at ma badtrip. Papunta pa naman mga classmate ko. Ayaw kong maabutan nila ang uncle ko na galit na galit. 

Bumalik ako sa kwarto ko at nakangusong kumuha ng pajama. Parang tanga tuloy ang outfit ko dahil malaking tshirt na nga ang suot ko tapos naka pajama pa. Sigurado din ako kapag pinalitan ko ang suot kong tshirt ay mapapagalitan na naman niya ako. 

Wild Addiction Series 2: Death Velasco (DREAME ONLY!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon