Chapter 8

3.8K 48 0
                                    

Primrose Pov

LINGGO ngayon at nandito lang ako loob ng kwarto ko. Yung uncle tinopak na naman at ayaw na naman akong palabasin ng bahay. Kaya ayon.. sinabayan ko din ang topak niya kaya hindi din ako lumabas ng kwarto. 

Nagbabalak na tuloy akong lumayas sa bahay niya. Hindi na talaga ako masaya sa palagi niyang higpit
sa 'kin. 

Naalala ko tuloy ang ginawa niya kay sir Jerome. Nalaman ko kasi na namaga daw ang balikat ni sir kaya isang araw daw na hindi naka pasok sa school. 

Napahilamos nalang ako sa mukha ko gamit ang palad ko. Nakakainis naman kasi talaga ‘to si uncle Death. Hindi ko alam kung anong dahilan niya para higpitan ako ng ganito. Si mama naman dati hindi naman ganito sa 'kin. Lahat pa nga ng gusto ko ay binibigay lalo na kapag nag request ako na gagala ako kasama mga classmate ko. Pero siya.. dinaig pa yata ang mga lolo sa sobrang higpit. Akala naman niya hindi na uuwi. 

Napapaisip nga ako kung paano kaya kung lumayas ako dito sa bahay niya. Madali ko lang naman magagawa yun dahil lagi naman siyang nagkukulong sa kanyang kwarto. Hindi ako mahihirapan. 

May pera naman ako at kaya ko ng kumuha ng sarili kong apartment kahit maliit lang. Sa laki ba naman ng baon ko araw-araw ay talagang makakapag ipon ako ng bongga. 

Kailangan ko lang talaga ng perfect time para makatakas ako. Pero kung pag pla-planuhan ko pa lang, may chance na hindi matuloy. Siguro dapat gawin ko nalang agad mamayang gabi. 

Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa kama at agad itinali ang mahaba kong buhok habang naglalakad ako papunta sa bintana. Sumilip ako at tinitigan ng mabuti ang gate. Iniisip ko kasi kung kaya ko ba talagang akyatin yun at tumalon pagkatapos. Baka kasi magkamali ako at bumagsak ako. Eh di tinawanan pa ako ni uncle.

Pinag-aaralan ko ang gate habang titig na titig ako. “Easy. Kayang-kaya kong akyatin ang gate.” Bulong kong sabi saka ako ngumiti.

Napagdesisyonan ko na lumabas ng kwarto at magpapakabait kay uncle. Last naman na ‘to dahil mamaya ay iiwan ko na siya. Dapat matagal ko na ‘tong ginawa dahil sobrang boring ng bahay. Hindi na sana ako nagtiis pa sa poder niya. 

Nang makalabas ako ng kwarto ay agad kong nakita ang masungit na uncle ko. Bumaba parin ako ng hagdan kahit nakikita ko siyang nag mo-mop ng hagdan. 

Habang ginagawa ko yun ay tumigil siya sa kanyang ginagawa at nag-angat ng tinging sa ‘kin. 

"Careful, baka madulas ka." Saad niya sa baritonong boses. 

Tumango lang ako at dahan-dahan na bumaba ng hagdan hanggang sa tuluyan akong nakababa ng hagdan. 

Tinungo ko ang kusina at agad nakita ang mga nakahandang pagkain. Umupo nalang ako sa upuan at nagsimula na din akong kumain. Ganito lang talaga ginagawa ko sa bahay ni uncle Death. Kakain na lang talaga ko dahil lahat naka handa na.

Yung uncle ko naman ay naglilinis parin kaya hinayaan ko nalang. Pinasukan na naman yata ng lamok ang utak kaya naglilinis.

Ilang sandali pa ay umupo din siya sa katapat kong upuan kaya tumingin ako sakanya. Napansin kong pawis na pawis si uncle dahil sa paglilinis niya. Wala akong ganang makipag usap sakanya kaya tumahimik nalang ako. 

Tahimik siyang kumakain ng hanggang sa biglang umubo si uncle Death. Nataranta naman ako kaya dali-dali akong naglagay ng tubig sa baso at inabot sakanya. 

Nabilaukan pa talaga ‘to si uncle Death, hotdog na nga lang yung kinakain nabilaukan pa. Dapat kasi mga malalambot na ang kinakain niya eh. Pwede na siguro yung lugaw. Para hindi masakit sa ngipin. 

Tinanggap naman ni uncle ang baso at agad na ininom yun. Bumalik na naman ako sa pagkain at hinayaan lang si uncle. 

Ilang sandali pa ay natapos na akong kumain kaya tumayo na ako agad. 

"Aalis ako ngayon. Saglit lang ako kaya wag kang magkakamaling lumabas ng bahay." Saad niya na may halong pangbabanta. 

"Opo," sagot ko na lamang at hindi na nakipag sagutan pa sakanya. Kailangan kong hindi magpahalata na may binabalak akong masama. 

Bumalik ako sa kwarto at hinihintay lang na umalis si uncle. Pinapakinggan ko lang na may tumunog na sasakyan saka ako lalabas ng kwarto. 

May naisip kasi ako. Maghahalukay ako ng pagkain sa ref ni uncle saka ko ilalagay yun sa loob ng bag ko. Ako lang talaga ang lalayas na mag babaon ng pagkain.

Ilang sandali pa ay narinig ko ang kotse ni uncle Death. Agad akong tumayo at tumakbo papunta sa bintana. Sumilip ako at nakita ang kotse ni uncle na lumabas na ng gate. Automatic naman ang gate kaya hindi na kailangan pang may magbukas para sakanya. 

Dali-dali kog kinuha ang isa ko pang backpack at lumabas ng kwarto. Bumaba agad ako ng hagdan at tinungo ang kusina. 

Naghanap agad ako ng tinapay o biscuit man lang na isasama ko sa paglayas sa bahay ni uncle. Pinaglalagay ko lang ang medyo magagaan na dadalhin para hindi ako mahirapan sa pag akyat mamaya. Kumuha na din ako ng dalawang bottled juice at inilagay yun sa bag ko. 

Isinara ko na ang ref at dali-dali akong umakyat ng hagdan para bumalik ng kwarto ko. Para akong salisi gang na nagmamadali ang kilos at baka mahuli ako ng may-ari ng bahay. 

Nang makapasok na ako sa kwarto ko ay itinago ko muna ang bag sa loob ng lagayan ng damit ko. Mahirap na baka biglang pumasok si uncle Death sa kwarto ko. Mas mabuti na yung laging handa. 

Niready ko na din ang su-suotin ko na komportable ako mamaya. Hindi ako pwedeng pumalpak at kailangan ay makatakas talaga ako kay uncle Death. 

Kinuha ko na din ang mga gamit ko sa eskwelahan at napamura ako dahil bumigat yung bag ko. Napadami yata ako ng nakaw ng pagkain kaya hindi na magkasya sa bag ko kung pipilitin ko pa. 

Inilabas ko ulit ang mga kinuha kong pagkain at inayos ng mabuti ang bag ko. Yung mga hindi na kasya na tinapay ay kakainin ko nalang mamaya para busog ako bago ako umalis sa bahay ni uncle.

Sana talaga magawa ko ng maayos ang pinaplano kong pagtakas. Mamayang gabi ako aalis dahil sabi niya saglit lang daw siya. Baka kasi kung ngayon ako lumabas ay makasalubog ko siya sa kalsada. Baka pektusan lang niya ako. 

Mamayang gabi kasi ay pagtapos ng hapunan ay diretso na siya agad sa kwarto niya kaya tama lang na mamayang gabi ko gagawin. 

Lumabas ako ng kwarto ko para pag-aralan ang gate para mamaya. Hindi ako pwedeng pumalpak dahil baka hindi na ako makatakas. Sigurado kasi ako na magiging mahigpit lalo si uncle Death sa 'kin kapag nahuli niya ako. 

Nang makarating ako sa labas ng bahay ay agad kong sinipat-sipat ang gate. Kung saan ko ipapatong ang mga paa ko kapag tumakas na ako. 

Kayang- kaya ko talaga to. Hindi naman siguro masyadong masakit kapag bumagsak ako mamaya. Bahala na talaga ‘to. 

Bumalik na ako sa loob ng bahay at pa chill-chill lang na naglalakad papuntang kwarto. Nasa hagdan palang ako ay narinig ko ng bumukas ang gate. Bumalik na ang devil kong uncle kaya kailangan ko ng bumalik sa kwarto at kunwaring gumagawa ng assignment. Maghihintay na lang ako na sumapit ang gabi para gawin ang plano ko. 

Wild Addiction Series 2: Death Velasco (DREAME ONLY!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon