Chapter 7

3.5K 52 0
                                    

Primrose Pov

TATLONG destinasyon ang pinuntahan namin at talagang nag enjoy ako. Tuwang-tuwa kami ni Erika at hindi ko na muna iniisip ang galit ni uncle Death mamaya. 

Kung nakakamatay lang talaga ang titig niya ay kanina pa sana ako namatay. Nakakatakot talaga ang titig niya kaya panay ang tago ko kay Erika. Napapadasal na lang talaga ako sa diyos na sana ay iligtas niya ako kay uncle Death. Pakiramdam ko kasi huling gala ko na talaga ‘to. 

Panay din ang tanong sa 'kin ni sir Jerome kaya kilig na kilig talaga ako. Lubos-lubusin ko na talaga dahil minsan lang naman ‘to sa buhay ko. 

Nasa bus na naman kami at pabalik na ng school. Nakiusap ako kay Erika na kung pwede ay palit kami ng upuan. Pumayag naman siya kaya nasa tabi na ako ng bintana. Panay kasi ang tingin ni uncle sa 'kin at natatakot talaga ako. 

Magsisimula na akong magdasal dahil malapit na kaming makarating sa school. Pagkatapos nito ay malamang uwian na. Kabado baynte na talaga ako at hindi na ako mapakali sa kinauupuan ko. Nagsisisi na tuloy ako na inasar ko si uncle Death kanina. 

Napansin yata ni Erika na hindi ako okay kaya kinalabit niya ako. ''Ayos ka lang?" Tanong niya sa 'kin. 

Umiling talaga ako. “Hindi. Ipagdasal mo na lang ako ha!” Sabi ko pa kaya kumunot ang noo niya. 

Mas lalo pa akong kinabahan ng ilang sandali lang ay nakarating na kami sa harap ng eskwelahan. Iginilid ulit ni uncle Death ang minamaneho niyang bus sa harap ng gate ng school kaya tumayo na si sir Jerome at kinausap kaming mga estudyante. Hindi ko na nga alam ang sinasabi niya dahil yung kabog ng puso ko ang naririnig ko. 

Nagsimula ng bumaba ang mga estudyante kaya sumabay ako sakanila. Hindi ko talaga nilingon si uncle at baka makita ko na naman ang masungit niyang mukha. 

Nang makababa ako ng bus ay do’n lang ako nakahinga ng maluwag. Pumasok ako sa loob ng eskwelahan at baka may announcement pa na sasabihin ang mga teacher. Lumapit ako sa kaibigan kong kaya inakbayan ako ni Erika kaya ngumiti ako sa kanya. "Ano gala tayo?" Aya niya
sa 'kin kahit alam naman niya ang magiging sagot ko.

Inirapan ko naman siya. "Para kang tanga! Alam mo naman na nandyan ang uncle ko. Malamang hindi ako makakasama." Sagot ko sa kaibigan ko. 

"Ay oo nga pala. Napapansin ko sa uncle mo na kanina pa siya nakasimangot. Ganun ba talaga siya?" Tanong pa ni Erika. 

Napabuga ako ng hangin tuloy sa sinabi niya. "Ganun talaga yun. Pinaglihi yun sa sama ng loob eh," nakangiwi kong sagot. Natawa naman si Erika. Akala niya siguro nagbibiro ako. 

"Pero infairness ha! Ang pogi talaga ng uncle Death mo. Si sir Jerome kanina na crush ng mga estudyante ay natalo ni uncle mo. Ang dami kayang tumitili sa uncle mo kanina." Sabi ni Erika. Di lang nila alam ang kasungitan ng uncle ko. Baka maiyak lang sila. 

Hindi na ako sumagot kay Erika dahil nakita ko si sir Jerome. Napansin ko kasi na parang may iniinda siya. Kumunot ang noo ko dahil hinahaplos niya ang kanyang balikat. Napansin din yata yun ni Erika kaya kami ng dalawa ang nakatitig kay sir Jerome na naglalakad papunta sa gawi namin. 

"Ayos ka lang po ba, sir Jerome?" Tanong ni Erika ng makalapit samin ang gwapong teacher.

Napangiwi naman siya at hinihimas ang isang niyang balikat. "Ayos lang. May bumangga lang sa balikat ko kanina paglabas ko sa banyo. Ang lakas ng pagkakabangga niya sa balikat ko." Sabi ni sir Jerome kaya nag-alala naman kami ni Erika. Sino ba namang babaeng hindi mag-aalala sa crush kapag nalaman niya ang nangyari.

"Sinadya po ba, sir?" Tanong ulit ni Erika. 

"I don’t know. Hindi ko din kasi nakita yung bumangga sa balikat ko dahil naka suot siya ng hoodie jacket. Siguro nagmamadali na siya pumasok ng banyo kaya na bangga niya ako." Sabi ni sir Jerome. 

Natahimik ako ng marinig ko ang sinabi niyang naka hoodie jacket. Naalala ko kasi na yun ang suot ni uncle Death kanina. Agad akong lumingon sa kaibigan ko at ngumiti ako ng pilit sa kanya. "Mauna na ako, Erika. Baka kanina pa ako hinihintay ng uncle ko sa labas ng gate.

Hindi ko na hinintay ang sagot ni Erika at agad akong naglakad palabas ng gate. Nakaharang pa ang mga bus na sinakyan naming mga estudyante kaya hindi ko agad nakita ang kotse ni uncle. 

Naglakad pa akong muli hanggang sa nakita ko na ng tutuyan ang kotse niya. Kahit natatakot ako ay wala naman akong choice kundi ang lumapit sa sasakyan niya. Hindi ko mapipigilan ang galit niya kaya haharapin ko nalang at hindi sasagot. 

Nang makarating ako sa harap ng kotse niya ay agad akong umikot papunta sa passenger seat. Binuksan ko ang pintuan ng kotse at bumungad sa 'kin ang angry bird kong uncle. Tama nga ang hinala ko na siya ang bumangga kay sir Jerome. 

Huminga naman ako ng malalim at hinanda na ang sarili ko. Pumasok ako sa loob ng kotse niya saka ko isinara ang pinto ng kotse. 

Pinapakiramdaman ko lang siya na hindi nagsasalita habang binubuhay ang makina ng kotse. Pinausad niya ang sasakyan kaya napaayos ako ng upo. 

"Ililipat na kita ng school simula sa monday." Pambabasag niya sa katahimikan. Lumingon ako sakanya na gulat na gulat sa sinabi niya. 

"Po? Bakit naman po, uncle?" Tanong ko pa sa kanya habang problemado. Alam ko kasing gagawin niya ang sinasabi niya. Ayaw ko! Ayaw kong lumipat. 

"Para hindi mo na makita ang crush mo." Sagot niya. Para siyang tanga. Kahit saan man niya ako ilipat ay may mga boys naman. Useless lang ang gagawin niya at magsasayang lang siya ng oras niya para ilipat ako. 

"Wag na po, uncle! Joke ko lang naman po yun. At isa pa, ano po bang problema kung magkaroon man ako ng crush. Tao lang po ako, uncle. Nagkakagusto din pero hanggang crush lang naman po. Parang inspiration lang po ba. Palibhasa po kasi wala kang kilig sa katawan mo eh, tapos idadamay mo ako ngayon." Nakasimangot kong sabi saka inirapan siya. Hindi naman niya makikita dahil naka focus naman siya sa daan.

"Wag mo akong iirapan, Primrose. Hindi mo magugustuhan kapag nagalit ako." Sabi niya na halatang binabantaan ako. Akala ko pa naman hindi niya nakita ang ginawa kong pag irap. Matanglawin talaga mata niya. 

"Ikaw naman po kasi uncle eh.. Sige na po kasi.. Wag mo na po akong ilipat ng ibang school.  Ang hirap po kaya mag adjust, uncle." Pagmamakaawa ko pa sakanya.

"Yung teacher mong yun.. May hawak ba siyang subject niyo?" Tanong ni uncle. Hindi ko siya maintindihan kung bakit siya ganyan. Lagi niyang tinatanong ang tungkol kay sir Jerome. Hindi maka move on sa sinabi ko na crush ko ang lalaki. 

"Ahm opo.. Pero dati po yun. Pinalitan kasi siya ng isa po na teacher kaya hindi po siya ang naging teacher namin." Sagot ko. First day lang yata namin naging teacher si sir Jerome at may pumalit sakanya dahil parang inaayos yata no’n ang mga schedule pa. Nalungkot nga ako no’n eh kasi akala ko siya na ang magiging sir namin sa isang subject. 

Hindi na naman nagsalita si uncle kaya hindi na din ako nagsalita. Tahimik nalang ako na nagdarasal na sana sapian siya ng angel para luminaw ang isipan niya at hindi na niya ko ilipat ng ibang eskwelahan. 

Gusto ko sanang itanong sakanya kung bakit niya binangga ang balikat ni sir Jerome pero wag nalang at baka ako naman ang banggain niya. Mananahimik nalang ako at hindi magkukulit at baka ilipat talaga niya ako ng school. Sana talaga hindi. Lalayas talaga ako sa bahay niya kapag ginawa niya yun. 

Wild Addiction Series 2: Death Velasco (DREAME ONLY!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon