Chapter 5

3.6K 57 2
                                    

Primrose Pov

NANDITO lang ako sa kwarto ko at hindi ako lumalabas. Kanina pa din panay ang katok ni uncle Death sa pinto ng kwarto ko ngunit hindi ko siya pinagbubuksan. Bahala siya sa buhay niya. 

Nakakainis kasi siya. Ang higpit-higpit. Ayaw pa pumayag sa field trip eh dito lang naman sana yun sa parte ng Manila. Hindi naman sana lalagpas sa Philippine area of responsibility.

Kaya heto ako ngayon.. hindi lumalabas ng kwarto. Makikipag matigasan ako sakanya para pumayag siya sa gusto ko. 

"Primrose, open this damn door or else.. wawasakin ko ‘to.” Galit niyang sigaw sa labas.

Napabuga ako ng hangin at dali-dali akong bumangon sa kama. Pagbubuksan ko nalang siya kaysa naman lumipad ang pinto ng kwarto ko.

Pinagbuksan ko ng pintuan ang uncle kong timang na natigil pa sa pagkatok at naiwan ang naka kuyom niyang palad sa ere. "Bakit ayaw mong kumain? Kanina pa kita tinatawag." Galit niyang sabi. 

"Bakit? Sinabi ko po ba na tawagin mo po ako? Hindi naman ahh.." depensa ko din kaya pinukol niya ako ng masamang tingin. 

“Kakain tayo ng sabay sa ayaw at sa gusto mo, Primrose. Wag mong hintayin buhatin kita.” Banta niya
sa 'kin. Hindi na ako nagmatigas pa at nauna akong maglakad sakanya papuntang hagdan. Baka buhatin niya ako at ibalibag. 

Nakakainis talaga siya! Lahat ng gusto niya nasusunod. Ako naman ay hindi makapalag lalo na’t nakikitira lang naman ako sa bahay niya. Kung pwede lang palayasin si uncle.. este ako pala dapat ang lumayas dahil bahay niya ‘to.  

Nang makababa na ako sa hagdan ay agad kong tinungo ang kusina. Nakita ko agad ang mga niluto ni uncle Death na halatang masasarap. Kumulo tuloy ang tiyan ko ng makita ko yun. 

Agad kong hinila ang upuan at hindi pinansin ang matalim na tingin ni uncle Death. Yung mata niya parang matanglawin. 

Umupo na din siya sa katapat kong upuan saka niya nilagyan ng pagkain ang plato ko. Nakasunod lang ang tingin ko hanggang sa matapos niyang lagyan yun. 

"Eat," sabi niya kaya tumango ako at nagsimulang kumain. Ang sarap ng ulam dahil beefsteak. Masarap din naman kasi magluto si uncle Death. Hindi ko nga akalain na marunong siya. Wala kasi sa itsura niya. Akala ko joke-joke lang ang luto-luto niya n’ong una pero nang matikman ko ay talagang masasabi ko na masarap. 

Tahimik kaming kumakain ni uncle Death hanggang sa naisipan ko ulit ang field trip. Hindi talaga ako maka move on dahil hindi niya ako pinayagan. 

"Uncle.. payagan mo na ako, please.. promise, uuwi po ako agad pagkatapos ng field trip. Kung gusto mo po ivideo call po kita para makita mo ko." Sabi ko pa habang sinusubukan mag puppy eyes at baka umepek.

Napabuga naman siya ng hangin habang nakatitig sa 'kin. "Fine," tipid niyang sagot kaya nanlaki ang mata ko. 

"For real? Papayagan mo po talaga ako, uncle?" Gulat na gulat kong tanong kaya tumango siya. 

"Kumain ka ng mabuti." Sagot niya kaya napatayo ako sa sobrang tuwa ko at lumapit ako kay uncle at niyakap siya. Naramdaman ko naman na natulos siya 

sa ginawa ko. Agad naman akong humiwalay sakanya at bumalik sa upuan. 

Umupo ako habang nakangiti parin dahil sa wakas pinayagan niya ako. Excited na tuloy akong pumunta sa field trip namin. Inisiip ko na tuloy kung anong dadalhin kong merienda. 

Sa sobrang excited ko ay hindi ko na magawang sumubo ng pagkain. Pero pinilit ako ni uncle Death na kumain kaya kumain nalang ako. 

"Uncle Death.. permahan mo po yung parents permit ko po ha!" Sabi ko pa. Hindi naman siya sumagot at tahimik na kumakain. 

Wild Addiction Series 2: Death Velasco (DREAME ONLY!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon