Primrose Pov
TAHIMIK lang akong nakaupo sa likod ng driver na upuan. Ako talaga ang kinakabahan dahil hindi yata byaheng field trip ang pupuntahan namin kundi byaheng langit.
Wala talaga akong tiwala kay uncle Death dahil alam ko naman na hindi siya marunong magmaneho. Kating-kati na ang dila ko na tanungin siya kung bakit siya nandito. Hindi lang siya nandito kundi siya pa talaga ang driver.
Dapat talaga mag girlfriend na si uncle eh.. kung ano-ano na lang ang naiisipan niyang gawin. Kapag talaga gusto niya ay talagang gagawin niya.
Napasandal ako sa likod ng upuan habang naka busangot. Akala ko kasi hindi ko makikita ang mukha niya. Dapat rest day ko ngayong araw na makita ang mukha niyang napaka sungit, tapos ganito lang pala ang mangyayari. Panay pa naman ang sulyap niya sa malaking rear view mirror ng bus at alam ko ako yung tinitignan niya.
Nahuli ko na naman siyang tumingin sa rear view mirror kaya inilapit ko ang katawan ko sa upuan niya. "Uncle.. mag focus ka sa daan. Baka mabangga tayo." Saad ko sa mahinang boses na alam ko na siya lang ang makakarinig. Inaalala ko kasi yung mga kasama kong mga estudyante na kasakay ko din. Kaya dapat talaga siya mag focus.
"Wala ka bang tiwala sa 'kin?" Tanong pa niya sa seryosong boses.
"Wala po eh," sagot ko agad kaya lumingon siya sa ‘kin at pinukol ako ng masamang tingin. Sungit talaga! Nagsasabi lang naman ako ng totoo.
"Kailan ka po naging bus driver, uncle? Sa Pagkakaalam ko po kasi mga mamahaling sasakyan lang po ang minamaneho mo. At sa tanda ko din ay ang propesyon mo ay business." Saad ko habang pinagmamasdan ang kamay niya na nasa manibela. Napadako kasi ang tingin ko sa mga daliri ni uncle. Ang haba at maugat, hindi yung maugat na dahil sa kakatrabaho. Yung sakanya kasi ang sexy tignan. Ang puti din niya kaya kitang- kita.
"Nag apply ako kanina," tipid niyang sagot.
Nanlaki naman ang mata ko sa sagot niya. "Nag apply ka po? Bilang bus driver?" Gulat na gulat kong tanong.
"Yeah," tipid na naman niyang sagot.
Magsasalita pa sana ako ng biglang may kumalabit sa balikat ko. Agad naman akong lumingon do’n at nakita ang katapat kong upuan. Nakita ko si sir Jerome kaya umayos ako ng upo.
Nagpa cute agad ako at nagpaka binibini dahil crush ko kasi si sir. Ang gwapo kasi talaga niya. Binata din at sa tingin ko nasa 27 lang ang edad niya.
Hindi lang naman ako ang may crush sakanya, halos kaming lahat ng girls may crush sakanya.
Gulat nga ako kanina dahil siya pala ang teacher na kasama namin sa bus. Kilig na kilig tuloy ako dahil magkatapat kami ng upuan. Si Erika kasi ang nasa bintana at ang katabi naman ni sir Jerome ay isang estudyante na lalaki na nakaupo din sa may tabi ng bintana.
Napa isip tuloy ako na moment na yata namin ‘to ni sir Jerome kaya talagang naglagay ako ng liptint kanina para naman maganda ako.
Tumikhim ako saka ngumiti ng napakatamis. "Ano po yun, sir Jerome?" Tanong ko pa sakanya.
"Gusto mo ba ng sandwich?'' Tanong niya saka ngumiti sa 'kin. Yung mata niya ay parang bituin na kumikislap. Gusto ko sanang tumili sa kilig na nararamdaman ko pero naalala ko ang masungit kong uncle. Baka paluin niya ako pag uwi sa bahay.
Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko dahil kilig na kilig talaga ako. Pakiramdam ko nga ay namumula ang pisngi ko. "Ahm.. yes po, sir.'' Sagot ko. Bahala na kung makapal ang mukha ko.
Ngumiti naman siya saka inabot
sa 'kin ang sandwich. Akmang tatanggapin ko na sana yun ng biglang malakas na pumreno si uncle Death. Napsubsub tuloy ang ulo ko sa likod ng upuan habang si sir Jerome naman ay nabitawan ang hawak niyang sandwich na para sa 'kin sana."Anong nangyari po, manong?" Tanong ni sir Jerome kay uncle Death. Natawa ako dahil sa tinawag ni sir kay uncle.
"Pasensya na. May pusang itim na dumaan." Sabi ni uncle sa malamig na boses.
Hinihimas ko tuloy ang nauntog kong noo. Sabi ko na eh, hindi talaga siya marunong magmaneho. Tumingin ako sa rear view mirror at nagkasalubong ang tingin namin ni uncle Death.
Napalunok ako ng ilang beses dahil sa uri ng titig niya. Para bang sinasabi niya na mag behave ako kundi bibitayin niya ako mamaya sa bahay. Walanjo naman talaga ‘to si uncle. Panira talaga ng moment.
Lumipas ang isang oras na pag be-behave ko ay nakarating na kami sa destinasyon namin. Inihinto na ni uncle Death ang bus at ipinark yun katabi din ng dalawang bus na naunang dumating samin.
Excited na akong bumaba at gusto ko sanang sumunod agad kay sir Jerome na unang bumaba at ang iba pang mga estudyante. Ngunit ang magaling kong uncle ay pinigilan ako dahil may sasabihin daw siya sa ‘kin. Pinauna ko na din pinababa si Erika dahil baka mahaba ang sasabihin ni uncle.
Nang makababa na lahat ng estudyante ay kami nalang dalawa ni uncle Death ang nasa loob ng bus. Umalis siya sa kinauupuan niya at halos matawa ako dahil nakasuot pa talaga siya ng uniform ng pang bus.
"Why are you laughing?" Tanong niya habang masamang naka tingin.
Umiling ako habang nagpipigil ng tawa. "Ahm.. wala po. Ano po ba sasabihin mo, uncle?" Pag iiba ko sa usapan.
"Yung teacher na yun.. may gusto ba sa’yo yun?" Seryoso niyang tanong. Nanlaki naman ang mata ko dahil sa tanong niya. Ano kaya yun? Nag-usap lang may gusto na agad si sir Jerome sa 'kin. Pero sana nga din eh, pero hindi naman. Ako yung may crush kay sir. Mali-mali naman ‘to si uncle eh.
"Wala po, uncle. Bakit mo naman po natanong?" Tanong ko sakanya. Hindi naman siya naka sagot. Hinintay ko pa ng ilang minutes at baka may sasabihin pa siya pero wala naman na.
Agad akong lumapit sa may pintuan ng bus at hindi ko siya pinapansin. Lumingon ako kay uncle at nakitang nakatitig lang siya sa 'kin. "Ahm.. wala pong gusto si sir Jerome sa 'kin, uncle.. dahil.. ako po yung may gusto sakanya." Saad ko at agad na bumaba ng bus ng makita ko ang galit niyang mukha.
Tinatawag pa niya ang pangalan ko na halatang galit sa 'kin pero hindi ko siya nilingon at tumakbo ako papunta sa mga estudyante. Natatawa ako dahil kitang-kita ko talaga ang galit niyang mukha. Binadtrip kasi niya ako ngayong araw kaya sisirain ko din ang araw niya. Nasa rules kasi niya na bawal akong mag boyfriend or magka crush man lang. Ano yun.. robot lang at walang nararamdaman. Kaya tawang-tawa ako sa itsura niya.
Bahala na mamaya kung mapagalitan man ako. Tatanggapin ko nalang basta masira ko lang ang araw niya.
BINABASA MO ANG
Wild Addiction Series 2: Death Velasco (DREAME ONLY!)
Romance|🔞R-18| ⚠️Matured Content| ONGOING DREAME ONLY❗