Chapter 9

3.7K 56 8
                                    

Primrose Pov

TAPOS na kaming mag hapunan ni uncle Death at agad akong nagpaalam na matutulog na. Pumayag naman siya na pumunta ako ng kwarto ko. 

Narinig ko na din ang pagpasok ni uncle Death sa kwarto niya kaya sigurado ako na hindi na siya lalabas pa ng silid niya. Mabuti nga yun para makatakas talaga ako. Saktong-sakto para sa plano ko na pagtakas mamaya. 

Humiga na muna ako sa kama para saktong 11PM ay gagawin ko na ang pagtakas ko. Kailangan ko lang makasiguro na tulog na ngayon si uncle Death.

Tahimik lang ako nag ce-cellphone at nililibang ang sarili ko. Baka kasi makatulog ako at hindi ako magising ng 11.  Hindi pa naman ako inaantok pero mas okay parin na nakahanda ako. 

Kabado pa talaga ako sa gagawin ko mamaya ngunit pinapalakas ko lang ang loob ko and think positive lang talaga. Kunti lang din kinain ko mamaya para hindi ako mabigat at mabilis na makaakyat. 

Ang iniisip ko lang ay baka mahuli ako ni uncle Death. Pero hindi talaga ako papayag na mahuli niya ako dahil sigurado ako na magiging mahigpit siya sa 'kin. Katakot pa naman si kuya Death magalit.

Nakahiga lang ako at tamang tingin-tingin lang sa orasan na nakasabit sa pader. Saktong 10PM na kaya malapit na ang oras ng pagtakas ko. 

Bumangon ako at inabot ang suklay na nasa bedside table. Sinuklay ko ang buhok ko para itali. Nakabihis naman na ako kanina pa. Cotton short ang isinuot ko para malaya akong makakilos at hindi mabigat sa pakiramdam.

First time ko 'tong gagawin kaya kabado talaga ako. Lagi ko lang iniisip kapag napaghihinaan ako ng loob na kaya ko. Iniisip ko nalang ang masungit na mukha ni uncle Death at ang kasungitan niya para may inspirasyon akong tumakas.

Nakaupo lang ako sa kama at nakatitig lang sa orasan hanggang sa pumatak ‘yon ng 11PM. Mas lalo akong kinabahan at nagdasal na hindi ako mahuli ni kamatayan. 

Dumating ang 11PM kaya kinuha ko na ang backpack ko na inayos ko kaninang umaga. Nagdasal pa talaga ako saka ako huminga ng malalim. 

Kinakabahan talaga ako pero for the go na talaga ‘to. Todo na 'to. Mukha tuloy akong tanga na pa flying kiss-fying kiss pa sa langit na parang basketball player sabay turo.

Dahan-dahan akong naglakad papunta sa pinto at idinikit ang tenga ko sa pinto para pakinggan kung nasa labas ba si uncle Death. 

Nang wala akong marinig na ingay ay agad kong hinawakan ang siradura ng pinto at dahan- dahan na binuksan yun. Sumilip muna ako at napangiti ako dahil nakasara ang pinto ng kwarto ni uncle. Ibig sabihin lang no'n ay tulog na siya. 

Dahan-dahan akong lumabas ng kwarto at halos hindi na huminga habang sinasara ang pinto. Yung lakad ko ay parang sa akyat bahay na walang tunog. 

Tinungo ko ang hagdan at nakitang nakapatay na lahat ng ilaw. Sa may island counter lang ang bukas na nagsisilbing ilaw para hindi masyadong madilim. 

Ang galing ko talaga. Makakalabas na talaga ako sa bahay ni uncle Death. 

Dahan-dahan akong bumaba ng hagdan at baka matapilok pa ako. Yung mga paa ko ay ingat na ingat at baka makagawa ako ng ingay. Matalas pa naman pandinig ni uncle. Yung mata nga niya matanglawin eh kaya malamang matalas din pandinig no’n.

Matagumpay akong nakababa ng hagdan at tinungo ko ang main door ng bahay. Nang makalapit na ako ay dahan-dahan kong binuksan ang lock ng pinto. Tatlo ang lock at nahirapan ako sa pangatlo dahil alam kong may tutunog na kunti. Pero sobrang dinahan-dahan ko talaga at panay ang tingin ko sa itaas ng hagdan at baka sumulpot si uncle Death. 

Wild Addiction Series 2: Death Velasco (DREAME ONLY!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon