Chapter ten

7.2K 133 4
                                    

CHAPTER 10

MELIZ woke up with a splitting headeache, marahan niyang pinagala ang paningin sa loob ng silid na kinaroroonan. The ceiling and wall is all white, even the window curtain is white with a pale blue linings.

Ilang beses niyang kinurap-kurap ang mga mata sa pag-aakalang namamalik-mata lamang siya. Subalit ganoon pa rin ang nakita niya kaya wala sa sariling napahawak siya sa ulo para lamang muling matigilan dahil may benda iyon.

"Thank God, you're awake. How's your head sweetheart, does it hurt?" Meliz turn her head to the other direction as she hear the soothing voice of the man beside her na mababanaag sa mukha ang sobrang pag-aalala at pagmamahal para sa kanyakaniya.

Muli siyang napakunot ng noo nang hindi niya ito matandaan o makilala man lang at ang ipinagtataka pa niya ay kung bakit tinatawag siyang sweetheart? Kapatid, kapamilya, karelasyon niya ba ito o kaya naman ay asawa? Dahil sa naisip ay napatingin siya sa sariling mga kamay at doon niya napagtanto na may asawa na pala siya ayon sa singsing na nakasuot sa kanyakaniyang daliri. Muli niyang nilingon ang lalaking nasa tabi na nakatitig sa kanyakaniya habang hawak ang isa niyang kamay na hinahaplos at hinahalik-halikan.

"I love you, sweetheart," anito habang hinaplos naman ang kanyakaniyang pisngi. Subalit wala ni anuman siyang sinabi na nakatitig lang siya dito at pilit niyang pinag-aaralan at inaalala kung sino nga ba ito. "Sweetheart, may masakit ba sa'yo? Wait, tatawagin ko lang ang doctor," narinig niyang saad ng lalaki na halata sa boses ang pag-aalala saka ito pansamantalang tumayo sa kanyakaniyang uluhan at may pinindot na kung ano doon. Marahil ay ang buzzer na konektado sa nurse station. Nakasunod lang ang tingin niya sa bawat kilos ng lalaki kaya hindi niya namalayan ang pagbukas ng pinto ng silid at iluwa noon ang isang bata at dalawang may edad na halatang mag-asawa kung titingnan base sa pagkakaakbay ng lalaki sa babae habang hawak nito sa kamay ang isang batang babae na sa tantya niya ay mahigit limang taon pa lang.

"M-Mommy? Mommy, gising ka na? I miss you, Mommy. I love you," masigla nitong saad na agad bumitaw sa matandang babae at mabilis na yumakap sa kanyakaniya na mas ipinagtaka niya. Hindi niya alam kung dapat ba niyang yakapin din ito o hindi. Mas pinili niya ang huli na siyang ipinagtaka ng mga naroon. Nagkatingin ang mag-asawa saka siya muling tiningnan bago napabuntonghiningang lumapit sa kanyakaniya.

Mommy? May anak na ba siya? Bakit hindi niya matandaan? Sino ba ang mga ito....s-sino nga ba ako? mga katanungan sa kanyakaniyang isipan na hindi niya mabigyang kasagutan.

"Meliz, iha kamusta ang pakiramdam mo?" narinig niyang tanong ng ginang sa kanyakaniya nang makalapit na ito at hawakan siya sa kamay na bahagya pa nitong pinisil bago siya hinalikan sa pisngi samantalang nginitian naman siya ng asawa nitong lalaki.

Mataman lang siyang nakatingin sa mga ito na hindi maipagkakamali ang pag-aalala sa mga mukha nila na siya niyang lubhang ipinagtataka. Akma niyang ibubuka ang mga labi para sana magasalita nang muling bumukas ang pinto at iluwa noon ang isang babaeng nakauniporme na sa tingin niya ay isang nurse at kasunod ang isang may edad na lalaki na nakasuot din ng puting uniporme at may hawak na clipboard habang nakasabit sa leeg nito ang isang stethoscope, hindi maipagkakamaling ito na ang duktor na tinawag ng lalaki kanina.

"Hello everybody. So, how's my patient? nakangiting tanong ng doktor sa kanyakaniya matapos nitong batiin ang mga naroon sa silid. Napakunot lang ng noo si Meliz dahil hindi niya alam kung ano ang dapat isagot. Hindi niya alam kung bakit siya naroon, hindi niya maalala kung paano siya naaksidente.

"Doc, what's happening to my wife? Bakit hindi siya nagsasalita at bakit parang hindi niya kami nakikilala?"

Wife?' Asawa ko ba talaga siya? napalingon si Meliz sa lalaking nagsasabing asawa siya kaya nagtama ang kanilang paningin na nagdulot sa kanyakaniya ng kakaibang pintig pero hindi pa rin niya maapuhap sa kanyakaniyang isipan kung sino ito.

HUSBAND FOR REAL (BOOK 3 RS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon