CHAPTER TWO

7.5K 160 0
                                    

CHAPTER 2

"ANO?"

Sabay na napalingon ang tatlo ng marinig ang boses ng binata na kararating lang.

J-James?! mahinang usal sa isip ng dalaga na nakaramdam ng pangangatog ng buong kalamnan.

"Iho, why you didn't tell us nag-asawa ka na pala? At paano mo nagawang pabayaan sila?" may himig ng pagtatampo at panunumbat na tanong ng kanyakaniyang ina.

Tila naman itinulos sa pagkakaupo si Meliz, hindi niya magawang tumingin sa direksyon ng binata, dahil alam niyang sa kanyakaniya ito nakatitig.

"And where did you get that crap idea?" tanong niya na hindi tumitingin sa ina sa halip ay nakatitig lang sa kanyakaniya.

Napaangat ng tingin si Meliz dahil sa tanong ng binata kaya naman nagtama ang kanilang paningin.

"Tell me son, six years ago, nasaan ka?" tanong ng ama nito kaya naman naputol ang tagisan nila ng tinginan dahil nilingon nito ang ama saka sumagot.

"You know kasama ko ang tropa sa Iloilo for some training, kaya imposible na nagpakasal ako!" Katwiran ng binata bago binato ng masamang tingin si Meliz.

"Have you, by any chance meet a man named Mario Belonio?" muli nitong tanong na ipinagtaka ng dalaga kung paano nito nalaman ang pangalan ng kanyakaniyang ama, hanggang sa napansin niya na hawak parin pala nito ang mga document niya nandoon din kasi ang birth certificate niya marahil ay doon nito nakuha ang pangalan nito.

Sandaling nag-isip naman ang binata at pilit inaalala. "He's one of best instructor and I admire him of his philosophy. But, how does he fit into the scene?"

"Siya lang naman ang ama ng ASAWA mo at ang nakiusap sa ‘yo para pakasalan ang anak niya dahil ang buong akala nito ay magiging RESPONSABLE kang asawa. Don't tell me may iba pang James Reiden Phillip, na kapangalan mo at pareho mo ng pirma," saad nito saka hinagis sa harap niya ang ilang document  na agad niyang dinampot at binasa.

"Damn, it's forgery!" sabi niya na masama ang tinging ipinukol kay Meliz.

"Really? How about this?" sabi ulit ng ama niya na inabot ang ilang picture ng kasal nila. "So, pati ba ang picture ay forgery din?" maawtoridad na tanong ng kanyakaniyang ama kaya naman para siyang nabuhusan ng nagyeyelong tubig dahil pakiramdam niya nanlalamig ang buo niyang pagkatao at isang masamang tingin ang pinukol niya sa gawi ng nagpakilalang asawa niya. Iyon na lang yata ang magagawa niya sa ngayon ang tingnan ito ng masama.

Damn, how did this happen? Swear to God, he never marry that girl. At mas lalong hindi pa niya ito nakita sa tanang buhay niya.

"S-sir, k-kung ayaw niya aminin ang totoo, o-okay lang po iyon, gaya nga po ng sabi ko wala naman po ako planong manggulo, kung alam ko lang na ganito ang mangyayari. Aalis na lang po ako," saad niya na agad tumayo para lang muling mapaupo dahil pinigil siya sa braso ni Jden.

"No, you're not going anywhere! Marami tayong dapat pag-usapan," malamig na turan nito. Kung nakakamatay lang ang tingin malamang kanina pa siya pinaglamayan dahil sa klase ng paningin nito na parang matatalim naa palaso.

"Such bravado, bagay ka mag-artista." mahinang dugtong nito na sadyang sa kaya lang pinadinig kaya naman napatagis lang ng bagang si Mel.

Pero hindi naman nagpatalo si Meliz dahil nakipagtitigan din siya dito na bakas ang magkahalong galit at pride.

Where did I met her? bakit di ko maalala? Damn, sa isip niya habang pinag-aaralan ang mukha ng dalaga. Sigurado naman siya na kung sakaling nakita o nakilala niya ito ay hindi niya ito makakalimutan dahil sa kakaibang ganda nito. Hugis-puso na mukha, mahabang pilikmata, katamtamang tangos ng ilong at ang labi niyang manipis na tila kay sarap halikan.

HUSBAND FOR REAL (BOOK 3 RS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon