EPILOGUE

8.8K 212 18
                                    

EPILOGUE

JDEN watched his five year old son Jared Miel together with his older sister Jae Rein who is now sixteen, picking up some flowers hand in hand. It was their routine every morning sa tuwing nasa RS isle sila at nagbabakasyon kagaya ngayon.

"Why, thank you, Jared," Saad ni Jae na bahagyang yumuko para tapatan ang kapatid saka nginitian bago guluhin ang buhok nito nang abutan siya ng ilang piraso ng daisy na kanilang nadaanan. "I'll help you pick some flowers for mommy, alam mo namang mahilig din siya sa bulaklak." dugtong nito na siya naman ikinatango ng bata at malugod na hinawakan siyang muli sa kamay at iginiya kung saan ay may samu't-saring uri ng bulaklak na nakapaligid.

He can't help but smile while looking at them. Jae obviously loved his baby brother just like Jared adore her. Natatandaan niya nang isilang si Jared ay agad nagprisinta si Jae na ito ang magbabantay at nangakong aalagaan ang kapatid na tinupad naman nito. Sa bawat araw na lumipas ay laging nakasunod si Jae sa yaya ni Jared na parang isang ina na takot mawala sa paningin ang sanggol na anak. May pagkakataon din na ito ang nagtitimpla ng dede ni Baby Jared.

He knows that he was blessed for having this angel as their children.

His eyes wandered around the garden and saw Mel kneeling beside the roses na ito rin ang nagtanim. Marahang nag-angat ng tingin si Mel na para bang alam na nasa malapit lang siya at nagmamasid, their eyes met and you can see the love and adoration na kahit sinong makakakita ay hindi maipagkakamali ang pagmamahalan sa pagitan nilang dalawa.

How he love this woman, more than life itself and every fiber of his being. Lahat kaya niyang gawin para lang sa mag-ina niya pero sadyang may mga bagay talaga na hilingin man natin ay hindi maaaring maging atin ng walang kapalit. He inhaled sharply na para bang sa pamamagitan noon ay mabubura lahat ng malulungkot na sandali ng kanilang nakaraan.

He allowed his thought to wander and absorb everything that they've gone through na para bang mabubura nito ang takot na paminsan-minsa'y nararamdaman niya sa tuwing hindi masisilayan ang asawa't mga anak na dagli ring napapawi kapag naririnig niya ang bungisngis ni Jared o di kaya'y ang pagsigaw ni Jae sa tuwing bibisita ang mga kaibigan niya. At sa tuwing makikita ang ngiti ng asawa na sadyang para lang sa kanya na nangangakong kahit anong mangyari ay hindi siya nito iiwan.

Everyone thought that their family is too perfect. But to tell you the truth, they're not. Sa unang tingin ay hindi mo masasabing dumaan sa napakaraming pagsubok ang kanilang pamilya.

Sa nakalipas na sampung taon masasabing subok na ang kanilang pamilya. Noong una ang akala niya ay hindi na mangyayari pa ang kaligayahang nadarama.

Sino nga ba ang makakapagsabi na ang isang James Reiden Phillip ay magmamahal ng tapat sa isang babaeng ni minsan ay hindi niya naisip. Subalit sobrang mapaglaro ang tadhana at sinadyang paglapitin sila. Pero hindi naging madali ang lahat dahil sinubok sila at pilit ding pinaglayo nito na kung hindi siya naging matatag ay matagal na siyang sumuko.

It all started sa maling akala. Nang piliting ipakasal si Meliz ng kanyang ama sa isang lalaking nagpanggap na James Reiden Phillip. Ni wala sa hinagap nila na bago pa man makasal ang dalaga sa maling tao ay mayroon nang isang pintig ang nag-uugnay sa kanila at siyang magiging daan para magtagpo ang kanilang landas. Pero hindi iyon naging madali para sa kanila lalo na kay Jden na sa umpisa palang ay wala ng tiwala kay Mel, dahil alam nitong walang katotohanan ang lahat ng sinabi nito.

Till one day, he found himself slowly falling inlove with her while keeping the knowledge that he's the real father of Jae nang ipa-DNA niya ito ng walang pahintulot ni Mel. Akala niya ganoon lang kadali ang lahat at maaaring sumangayon sa plano niyang paibigin ito habang inaalam kung sino ang lalaking nasa likod ng maskara at nagpanggap na siya. Mel really fall for him without knowing na hindi siya ang lalaking totoong pinakasalan nito.

Once again, fate go against him at muling sinubok ang pagmamahal niya para sa kanyang mag-ina nang dukutin si Mel at maaksidente sanhi para mawalan ito ng alaala sa kanilang nakaraan.

That's how he found out the real identity of his clone. Kinilala ito bilang Harold Garcia na may patong-patong na kaso ang nakasampa. Pero hindi na ito nahusgahan pa ng batas dahil nauna na itong hinusgahan ng Diyos nang bawian ito ng buhay sa mismong araw kung saan naganap ang aksidente na kasama si Mel.
For Priscilla naman na nalaman nilang kasabwat ni Harold ay nakulong din ngunit wala pang isang linggo nang magpakamatay naman ito.

Akala niya ay wala nang magiging problema dahil wala na ang dalawang tao na hadlang sa kanilang kaligayahan at pag-iibigan. But he was wrong. Really wrong. Dahil nang magising si Mel ay wala itong matandaan sa nakaraan kaya muling nanaig ang takot sa puso ni Jden. Takot na baka dumating ang araw na maalala ni Mel ang nakaraan ay kamuhian siya at iwan.

He promise to do everything, kaya naman kahiy na nag-aalangan ay ipinagtapat din niya ang totoo dito kahit na alam niyang pareho silang masasaktan sa maaaring kahinatnan ng kanilang pag-usap.

"Mel, I know it's not the right time to talk about our past. Pero ayaw kong dumating ang panahon na bumalik ang alaala mo at isiping niloko kita." Ani Jden habang hawak ang kamay nito. Ilang buwan na ang nakalipas nang mangyari at makaligtas ito sa isang aksidente na walang matandaan na kahit ano.

"J-Jden, sa-sabi ko naman sa'yo na hindi mahalaga kung ano ang nakaraan dahil nararamdaman ko kung gaano ako kahalaga sa'yo, kay Jae maging sa mommy at daddy mo gayun din sa mga kaibigan mo." Ani Mel na ipinatong ang isang palad sa ibabaw ng kanyang kamay na nakahawak sa isa nitong palad.

"Yes, you're right. Iloveyou so much Mel, kayo ni Jae mahal na mahal ko kayo at hindi ko kakayanin kung sakaling mawala kayong dalawa sa'kin." Halos paanas na saad nito na hindi maitatanggi ang mabigat na nadarama lalo na nang mapahugot ito ng malalim na hininga.

"Mel, please listen to me, okay? Ju-just let me." pakiusap nito na tinanguan naman ng huli kaya muli itong nagsalita pero bago iyon ay tumayo ito at tumungo sa gilid ng bintana saka tumingin sa labas niyon na para bang doon manggagaling ang lahat ng nais nitong sabihin.

"I'm not really your husband-- Wait please don't think of anything, yet," anito na biglang napalapit ulit sa kinauupuan ni Mel saka hinawakan ang kamay nito na nanginginig dahil sa narinig. "It's true you're not my wife in name pero para sa 'kin you're truly my wife at heart." dugtong nito saja siniil ng halik ang palad nito bago muling nagsalita.

Kinuwento niya ang lahat kung saan nag-umpisa ang gulong ito at kung paano napaikot ni Harold ang ama ni Mel sa pamamagitan ng paggaya sa mukha niya at paggamit ng pangalan niya.

Lahat-lahat ay isiniwalat niya wala siyang itinago maging ang katotohanang siya ang ama ni Jae at kung paano iyon nangyari hanggang sa kung paano nito natuklasan ang totoo na ikinagalit nito s'kanya kaya ito umalis sa unit para lang bumagsak sa mga palad ni Harold at mangyari ang aksdente at dahilan kung bakit ito walang maalala sa ngayon.

Nang matapos siya magkwento ay pareho silang natahimik. For Meliz, pilit niyang iniisip ang katotohanan sa mga sinabi niya. "Kung totoong hindi ko siya asawa, wala akong karapatang tumira dito." sa isipan nito na siyang nagdulot ng takot.
"Sweetheart, look at me." basag ni Jden sa katahimikan na sinadyang hawakan ito sa magkabiling pisngi at iharap sa kanya para magpantay ang kanilang tingin. " Ilove you, okay? Hindi ako papayag na mawala ka sa'kin. Ikaw, kayo ni Jae ang buhay ko. kapag magaling ka na at handa ka na... " bahagya itong tumigil at pinagdikit ang noo nila saka siya pumikit ng mariin. "I want you to marry me. This time it's real. I'll be your husband fo real."

Hindi naman siya nabigo sa paghihintay dahil halos sampung taon na silang kasal and this time it was real. Hindi man nanumbalik ang alaala ni Meliz ay hindi iyon naging hadlang para maging masaya sila pero sa kabila niyon ay hindi mawala sa isipan ni Jden ang pangamba na sa anumang oras na bumalik ang alaala ng asawa ay maaaring mawala ang lahat ng ito.

Isa lang ang sigurado niya, hindi siya susuko at titigil sa pagpaparamdam sa kanyang mag-iina kung gaano niya kamahal ang mga ito. Sisikapin niyang punan at palitan ng mas magandang alaala ang bawat araw na kasama ang kanyang pamilya.

****E N D****

Thank you for reading my lame story.

HUSBAND FOR REAL (BOOK 3 RS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon