CHAPTER 18

6 0 0
                                    

SHAIRA POV.

Nagising akoako dahil sa liwanag ng ilaw na tumama sa mukha ko. Dahan dahan ko namang minulat ang mata ko at bumungad sa akin ang puting kisame ng kwartong ito. Dahan dahan din ang umupo at inilibot ang paningin ko sa paligid.

Doon ko naman napag tantong nasa ospital ako. Inisip ko naman ang nangyari at ng maalala ko yun ay napa bugtong hininga nalang ako.

Napa tingin naman ako sa pinto ng bumukas yun. Pumasok si mom at ng makita nyang gising ako ay agad syang lumapit sakin at niyakap ako.

"Oh gosh shaira!! You're finally awake!" Sabi ni mom. Niyakap ko din sya pabalik. Humiwalay din naman agad si mom sa yakap at nag salita ulit.
"Okay naba ang pakiramdam mo? Are you hungry? May masakit ba sayo?! Sabihin mo lang anak" sabi ni mom napangiti naman ako dahil doon.

"Okay ako mommy wag kanang mag alala sakin" sagot ko at mukhang napa kalma naman ng sagot kung yun si mommy.

"Pinag alala mo talaga Kami!! Akala ko kung ano ng nangyari sayo anak" sabi pa ni mom at halatang nagaalala parin hanggang ngayun.
"Pero teka... shaira umamin kanga kay mommy. May masama bang nangyari sayo? Nasasaktan ka parin ba dahil sa nangyari? Please Sabihin mo naman kay mommy oh" sabi nyapa.

"Mom... I'm ok!! Wala namang nangyaring masama at tsaka tang-tanggap ko narin ang nangyari sa amin ni—ni dion" sabi ko naman. Nakita ko namang dumaan ang lungkot sa mata ni mom at nagulat ako ng biglang tumulo ang luha nya.

"Anak naman wag mo namang sulohin lahat ng problema mo! Im here naman eh pati ang dad mo. Hindi ka naman namin iiwan eh kaya please shaira anak... kung nasasaktan ka ilabas mo kung nahihirapan kana sabihin mo hindi mo kailangang istressin ang sarili mo" sabi ni mom at doon naman ako natauhan at bigla nalang sunod sunod na tumulo ang luha ko.

"Mommy!! Mommy ang sakit sakit po! Ang sakit po" umiiyak kong sabi kay mom kaya naman niyakap nya ako ng mahigpit at inalo alo ako. Totoo nasasaktan parin ako dahil sa ginawa ni dion na panloloko sakin. Dahil bukod sa wala akong makitang dahilan para gaguhin nyako dumagdag pa ang katotohanan na pinatulan nya ang kakambal ko! Pero may parte rin sa akin na iba ang ibig kong ipahiwatig kay mom. Natatakot din ako, natatakot ako sa isiping nasa paligid ko lang ang taong bumaboy sa akin at baka bigla nalang syang sumulpot at ulitan nya sakin ang ginawa nya.

"Shh anak tahan na" mahinang sabi ni mom.

Napa bitaw kami sa yakap ni mom ng biglang bumukas ang pinto at pumasok doon si dad at sa likod nito ay may lalaking sa tingin ko ay bata lang ng kaunti kay dad. Lumapit sila sa amin at umupo sa tabi ko si dad habang ang kasama nyang lalaki ay tumayo sa harap namin. Nginitian nya ako at hindi ko alam pero natatakot ako sa kanya.

"Gising ka narin iha! Mabuti naman dahil tatlong araw karing tulog" sabi nya na nagpa tigil sakin.

'Tatlong araw? Bakit ang haba naman ata?!'

"Iha" napa igtad ako ng biglang hinawakan ng lalaking to ang braso ko! Mabilis kong hinawi ang pagkakahawak nya sa akin at agad na kumapit kay mommy.

"Anak why?" Tanong ni mom sa akin at hinawakan ang pisngi ko. Si dad naman ay naka kunot lang ang nuo habang naka tingin sa akin.

"A-ayaw ko sa kanya" natatakot kong sabi at tumulo nanaman ang luha sa mata ko.

SERIES01: YOU'RE MY FAVOURITE NIGHTMAREWhere stories live. Discover now