CHAPTER 27

9 2 0
                                    

SHAIRA POV.

Nagising ako dahil sa pag baliktad ng sikmura ko. Mabilis akong napa tayo at tumakbo papuntang cr at doon sumuka. At dahil wala pakong nakain ngayung umaga yung kinain ko kagabi ang isinuka ko.

Ng matapos akong sumuka mabilis kong binuksan ang gripo at nag hilamos ng mukha ko tsaka nag punas gamit ang towel sa gilid. Tumingin ako sa salamin at tinignan ang itsura ko. Ang tamlay ng itsura ko at para akong may sakit. Napa hinga nalang ako ng malalim tsaka umalis nalang sa cr. Nahirapan pa ako dahil nahihilo ako.

Ng maka labas ako ng cr pumunta agad ako sa Kama at naupo doon.

'Napagod lang siguro ako sa byahe ko kahapon'

Napa tingin ako sa pinto ng may kumatok doon. Tumayo naman ako at dahan-dahang lumapit doon at binuksan yun. Bumungad naman sakin ang isang babaeng maid.

"Good morning madam...... Your grand-mére(grand mother) is waiting in the dinning" sabi nya sakin.

"Je suivrai(I'll follow)" sabi ko naman. Ngumiti naman sya bago tumango at umalis na.

Pumasok naman ulit ako sa loob at nag suklay ng buhok ko at bumaba na.

Ng makababa ako dumeretso na ako sa dinning area at naabutan ko doon si grandma na kausap ang isang lalaking tauhan dito.

Nakaramdam naman ako ng kaba kaya naman nag stay lang ako sa gilid hanggang sa naramdaman ni grandma ang presensya ko. Tumingin sila sa akin at ngumiti si grandma.

"Oh, ma petite file(my grand daughter) your awake!! Come here let's eat" sabi nya sakin pero ako nanatili parin sa pwesto ko dahil natatakot akong lumapit pero hindi ko alam kung bakit!
"Hey!! Is there a problem?" Tanong ni grandma. Tumingin naman muna ako sa lalaki bago napa yuko at umiling. Mukhang napansin naman yun ni grandma at tumingin sya sa lalaki at may sinabing hindi ko maintindihan.
"Tu peux partir maintenant... Elle n'est pas à l'aise (you can leave now... She's not comfortable)" sabi ni grandma. Tango lang ang isinagot ng lalaki umalis na. Kami nalang ni grandma ang naiwan dito.
Ngumiti sya sakin at nag gesture na lumapit ako at umupo kaya ginawa ko yun.

Naupo ako sa tabi nya at nag Simula na kaming kumain. Nasa kalagitnaan kami ng pagkain ng dumating ang isa sa maid. May dala syang pag Kain at nilapag nya yun sa harap ko. Mabilis ko namang naamoy ang mabahong Amoy nito at nakaramdam nanaman ako ng pagka suka.

Mabilis akong tumayo  at pumunta sa kusina at sumuka sa lababo.

Naramdaman ko naman na sumunod si grandma sakin.

"Gosh what happened?!" Natatarantang sabi ni grandma at hinimas-himas ang likod ko.

Pag katapos kong sumuka binuksan ko ang gripo at nag hilamos ulit. Pag tapos humarap nako Kay grandma.

"Are you ok? What happened? Do you want to call a doctor?" Mabilis akong napa iling ng sabihin yun ni grandma.

"I'm ok grandma... Just— just tired... Don't worry" sabi ko naman at mukhang naniwala naman doon si grandma.

"Ok... Just rest" sabi nalang niya na ikina tango ko. Lumakad nako paalis doon pero palabas Palang ako ng dinning nahilo ako bigla kaya napa tigil ako sa pag lalakad. Until unti ring  dumilim ang paligid at tuluyan akong natumba.

SERIES01: YOU'RE MY FAVOURITE NIGHTMAREWhere stories live. Discover now