CHAPTER 25

5 0 0
                                    

SHAIRA POV.

"Iha... Iha gising na" Napa kunot ang nuo ko dahil sa boses nayon at dahil narin sa pag tapik niya sa pisngi ko. Dahan dahan ko namang minulat ang mata ko at hinayaang mag adjust sa liwanag. Ng tuluyan nakong makapag adjust tumingin ako sa gilid ko at napangiti ng makita ko si manang. Umupo ako sa Kama ko at tumingin sa kanya hinihintay ang sasabihin nya.
"Pinapagising kana ng mommy mo... Baka maiwan ka ng eroplano" sabi nya kaya Napa tingin ako sa orasan dito sa kwarto.

'6:24?! Shit!!'

Mabilis akong napa bangon at kinuha ang susuotin ko. Pumasok ako sa cr at nagmamadaling naligo at nag toothbrush. Pag labas ko mabilis rin akong nag suklay at kinuha ang sling bag ko. Tumingin din ako sa gilid ng kwarto pero wala na doon ang maleta.

'Binaba na siguro ni manang'

Kinuha ko narin ang phone ko sa side table ng kama pero natigilan ako ng may nakita akong sticky note doon. Napa hinga ako ng malalim bago ko yun kinuha at binasa.

'Don't forgot to eat mikaella'

Mabilis kong nilukot ang sticky note nayon at tinapon sa basurahan.

Lumabas na ako ng kwarto at bumaba na.  Naabutan ko doon si mom at dad na kinakausap ang babaeng driver. Nag taka pako saglit dahil doon pero nasanay narin ako unti. Napansin ko rin na Simula nung bumalik ako wala akong nakikitang lalaki dito bukod Kay dad. Ang weird.

"Mom, dad" sabi ko napa lingon naman sila sakin at lumapit sakin si mommy. Niyakap nyako saglit at humiwalay din agad.

"Take care of your self, and here eat this in the car alam kong wala kapang Kain" sabi ni mom at inabot sa akin ang isang lalagyan na may biscuits. Napa ngiti naman ako dahil doon.

"Thank you mommy" sabi ko naman.

Lumabas na kami ng bahay kasunod ang dalawang katulong na may dala ng maleta ko. Ng maka labas na kami ni lagay na nila ang maleta sa trunk ng kotse.

"Mag ingat kayo" napa lingon ako Kay dad ng sabihin nya yun. Ngumiti ako sa kanya at tumango pag katapos sumakay nako sa kotse at tuluyan na kaming umalis.

FAST FORWARD

naka rating na kami sa airport kaya bumaba na ako. Bumaba rin naman ang driver at nilabas sa trunk ang maleta ko at nilagay nya yun sa harap ko.

"Thank you" sabi ko ngumiti naman sya sakin at tumango.
"Pwede kanang umalis" sabi ko tango lang ulit ang isinagot nya sakin pero dikona pinansin yun. Hinatak kona ang maleta papasok sa loob at hindi na lumingon pa.

Ng tuluyan nakong maka pasok chineck nila ang maleta ko then ng ma clear na yun pinapasok nako. Dumiretso narin agad ako sa eroplano dahil flight kona rin.

"This way ma'am" sabi ng flight attendant at pinaupo nako sa naka reserbang sit para sakin.
"If you need anything just say it ma'am" sabi nyapa at tuluyan ng umalis.

Ilang minuto rin ang inintay ko bago tuluyang nag take off ang eroplano at tuluyan na kaming umalis ng bansa.

SERIES01: YOU'RE MY FAVOURITE NIGHTMAREWhere stories live. Discover now