CHAPTER 12

9 0 0
                                    

SHAIRA POV.

[KINABUKASAN]

Nagising ako dahil sa malakas na katok sa pintuan ko. Hindi kona sana papansinin yun pero lumalakas lalo.
Inis na bumangon ako sa higaan at binuksan ang pinto. Mukha naman ni bea ang bumungad sa akin.

"Bakit ba nambubulabog ka huh beatrice?!" Inis kong tanong pero imbis na sagutin ako umirap lang sya at itinaas ang plastic na hawak nya.
"Ano yan?" Tanong ko ulit.

"Alak! Hindi ba halata tss" sabi nya at derederetsong pumasok sa kwarto ko.

"Bakit may dala kang ganyan?! Alam mo namang hindi pwede mag dala ng alak dito sa kwarto ko! Tsaka pinapasok ka ng guard" sunod sunod na sabi ko.

"Dami mong satsat girl! Hindi ba pwedeng mag thankyou ka nalang dahil dadamayan kita" sarcastic na sabi nya.

"Dadamayan? Saan naman huh?" Tanong ko ulit.

"Diba broken ka? Nakakainis kanga eh. Ako yung bestfriend mo pero hindi ko alam na ginago ka ng dion nayon!!" Pasigaw na sabi nya natigilan naman ako.

'Hindi ko nga pala sinabi sa kanya!! Pero sya yung dinahilan ko kila mommy'

Napabugtong hininga nalang ako bago naupo at nilabas yung dala nyang alak.

"Mag inom na tayo" sabi ko at binuksan yung isang bote at ininom yun.

"Hoy Gago!! Bakit mo tinungga adik kaba?!" Sabi ni bea at inagaw yung alak.

"Sabi iinom...... ininom ko lang naman ah!" Dahilan ko napa ngiwi naman sya.

"Oo nga iinom tayo. Pero hindi ko sinabing tunggain mo baliw ka" sabi nya naman at nilapag ang bote.
"Kukuha ako ng baso sa baba mag intay ka dito... wag mong tutunggain yan!! Yari ka talaga sakin!" Banta nyapa at lumabas na. Napailing nalang ako at tumayo na. Pumunta ako sa cr at nag hilamos ng mukha. Pag tapos ko lumabas na ako. Wala panaman si bea kaya inayos kona muna yung higaan ko.

Habang nag lilinis ako may napansin akong nakalagay sa study table ko. Lumapit naman ako doon at kinuha ang tulips?

'Saan to galing?'

May sulat din sa table kaya kinuha ko din at binasa yun.

'You look so beautiful while sleeping mikaella'

Nabitawan ko naman bigla yung sobre pati yung bulaklak ng mabasa ko yung naka sulat doon. Binalot ako ng kaba at tumingin sa paligid hanggang sa tumama ang tingin ko sa veranda ko. Mabilis akong lumapit doon at nanlumo ng makitang nakabukas ito.

'Sinara koto kagabi!!'

Sa sobrang kaba ko mabilis kong sinarado yung veranda at lumapit doon sa sulat at bulaklak. Pinulot ko yun at pinunit ang papel at yung bulaklak sinira sira ko.

Napa upo nalang ako sa kama habang iniisip kong sino ang pumasok sa kwarto ko.

"Oh anong nangyari?" Napa tingin ako sa pinto ng may nag salita doon. Mabilis akong lumapit kay bea at yumakap sa kanya. May tumulo naring luha sa mata ko.

"Bea natatakot ako" umiiyak kong sabi sa kanya.

"Shh tahan na" pag aalo nya sakin.

Naka upo na ako ngayun dito sa kama pinainom rin ako ng tubig ni bea.

"Sabihin mo sakin shaira... anong nangyari?" Tanong nya tumulo naman uli yung luha ko.

"Bea!! bea ang dumi dumi kona!" Umiiyak kong sabi pero naguguluhan nya lang akong tinignan.

"Anong madumi? Ano ba talagang nangyari huh?! Sabihin mo sakin lahat!!" Mautoridad nyang sabi sakin napa iling naman ako.

"Ang dumi dumi ko bea!!" Para akong batang nag susumbong sa kanya.

"Hindi ko maintindihan shaira!! Hindi kita maintindihan!" Parang naiinis na nyang sabi.

"Ni-rape ako bea!!" Sigaw ko natigilan naman sya sa sinabi ko
"Ni-rape ako, ni-rape!! Apaka dumi ko nakakadiri ako bea ang dum–" hindi natuloy ang sasabihin ko ng yakapin nya ako dahilan para maiyak ako lalo.

"Hindi ka madumi! Hindi shaira hindi" pag aalo nya sakin habang ako umiiyak parin.

'Nakakadiri ako sobra!!'

SERIES01: YOU'RE MY FAVOURITE NIGHTMAREWhere stories live. Discover now