CHAPTER 13

7 0 0
                                    

SHAIRA POV.

Ilang minuto akong inalo ni bea bago ako tuluyang mahimasmasan.
Nakaupo kami ngayun dito sa kama ko.

"Alam ba nila tita to?" Napa tingin ako kay bea ng itanong nya yun. Napa iling agad ako sa kanya. Bumugtong hininga naman sya bago nagsalita ulit.
"Kailangan nilang malaman toh" sabi nya kinabahan naman ako agad.

"Hin-hindi pwede!!" Agad kong tutol.

"Huh? Anong hindi pwede?! Kailangan nilang malaman toh shaira! Kailangan makulong ng demonyong lalaki nayon!! Kailangan nyang pagbayaran yung ka-kababuyang ginawa nya sa kaibigan ko!" Naiinis nyang sigaw sakin.

"Hindi pwede bea!!" Sigaw ko rin.

"Ano bang sinasabi mo?! Ayaw mobang makulong ang hayop nayun?!" Naiinis na nyang tanong.

"Gusto ko!! Gustong gusto ko bea!. Gusto kong mabulok sa kulungan ang hayop nayon! Gusto kong patayin sya!! Gustong-gusto ko bea!" Umiiyak ko nanamang sigaw sa kanya.

"Yun naman pala!! Eh bakit ayaw mong malaman nila tita toh?!" Tanong nya ulit.

"Dahil baka atakihin si mommy sa puso!! Bak-baka hindi nya kayanin bea!! Ayokong saktan si mommy da-dahil sa katangahan ko! Ayoko non" pahina ng pahina kong sabi. Para namang napa isip si bea sa sinabi kong yun.
"Kaya please bea, please!! Wag mong sasabihin kay mom o kay dad! Please sekreto lang natin to" pakiusap ko parang nag dadalawang isip naman sya pero tumango narin.

"Oo na. Hindi ko sasabihin sa kanila pero shaira ipapahanap ko parin yung hayop nayun naiintindihan mo?" Disididong sabi nya sakin napa tanong nalang ako.
"Ok. Ngayun sabihin mo anong natatandaan mo tungkol doon sa lalaki? Nakita mo ba yung mukha nya? Yung lugar!! Saan kanya sinala?" Sunod sunod na tanong nya.

"Hindi ko nakita mukha nya... may suot syang maskara. Pe-pero yung lugar natatandaan ko. Abandunandong lugar nayon malayo rin yun dito" sabi ko naman napa tango naman sya at bumugtong hininga ulit.

"Sa dami ng abandunandong lugar dito. Mahihirapan tayo mag hanap shaira!!" Parang frustrated nyang sabi.

"Ok lang naman ka-kahit hindi mo mahanap... ayoko naring makita yung lugar nayun" sabi ko naman.

"Shaira kailangan natin gawin toh!! Dapat na makulong ang hayop na lalaki nayun... Ganto nalang. Ako Ang mag hahanap sa lugar nayun I'll try to ask help from dad wag ka ng mag alala" sabi nya nakahinga naman ako ng maluwag.
"Pero... Ano ng gagawin mo nagyun?" Tanong nya.

"Aalis ako.... aalis ako dito sa pilipinas Gus-gusto kong kalimutan lahat. Lahat-lahat gusto kong alisin sa isip ko lahat nangyari at mag simula ulit" sagot ko na ikinatango nya naman.

"Magandang disisyon yan... susuportahan kita" sabi nya napa ngiti naman ako at niyakap sya.

"Thankyou beatrice, thank you so much" sabi ko.

"Wala yun noh. Ano pat bestfriend moko kung hindi kita susuportahan. Basta tandaan mo andito ako kakampi mo ako" sabi nya dahilan para mapangiti ako lalo.

Kahit minalas ako sa boyfriend at kapatid ko. Andito naman ang kaibigan ko at alam kong hindi nya ako iiwan at sapat na sakin yun.

SERIES01: YOU'RE MY FAVOURITE NIGHTMAREWhere stories live. Discover now