CHAPTER 36

26 0 0
                                    

ANGEL LOUISA NESS POV

Nakita  ko sa kanyang  nahimasmasan siya sa kanyang ginawa  kaya  ako napatingin sa kanyang gawi.

Pinagsisipa niya ang gilid ng kanyang kama tumingin saakin na tila na nagsisisi sa kanyang ginawa. Agad siyang umalis at iniwan ako sa kwarto.

Narinig ko pa ang padabog na isinirado ang pinto. Napaiyak nalang ako at naramdaman ang kamay kong unti unting naglalaho, pero bumalik namam iyon.

"Hindi pwede to! Ayaw kong iwan siya,"sambit ko nalang  nakatingin sa kamay ko na naglalaho.

Bumabalik naman, may pagkakataon lang  maglalaho ito.

Tuluyan na ba talaga akong maglalaho sa mundong ito?

Napahiga ako sa kama, hindi naman ako galit sa kanya e. Umiyak lang ako dahil sinigawan niya ako. Ayus lang naman yon saakin yung ginawa niya, dahil magkasintahan kami.

Hindi ko namalayan  nakatulog na pala ako sa kakaisip sa nangyari ngayon.

Ayos naman kami kanina huh. Ano bang nangyari sa kanya?

KINAUMAHAGAN

Naalimpungatan ako  wala parin sa tabi ko si boss, hindi ba siya natulog dito?

Dito na pala ako nagpalipas ng gabi kaya nag unat unat ako saaking kamay malungkot  nakatingin sa kwarto, hindi manlang siya natulog katabi ko.

Kakainis siya!

Narinig ko ng may kumatok at dali dali iyong binuksan. Akala ko siya ang unang bubungad saakin, pero bigo ako. Hindi siya!

"Good morning ija,"bati ni manang saakin ikinangiti kolang ng tipid.

"Pasensya na dito ako nakatulog sa kwarto ni boss, hindi tuloy ako nakauwi." kamot batok ko kay manang  ikinangiti niya lang.

"Ok lang yun ija, dahil magiging amo karin namin pagdating ng panahon."usal nito saakin.

Kung buhay paako nu?

"Si Kiel po manang? Nasaan siya?" Tanong ko.

"Umalis na siya ija. Sabi niya pupunta na daw siya sa office at wag ka monang gisingin." usal nito saakin, hindi manlang ako hinintay magising. Akala ko hihingi siya ng sorry sa pagsigaw niya saakin kahapon.

"Iniwan niya ako?" Simangot na saad ko.

"Pinapasabi rin saakin ni senorito ija. Wag ka monang pumasok sa trabaho at ihahatid ka nalang ng driver sa bahay mo." usal ni Manang.

"Sinabi niya iyon Manang?" Tanong ko, hindi naman siya ganon bagkos ay kabaliktaran sa inaasahan ko.

"Utos yun saakin ija. Kumain ka mona bago ka umalis." sambit nito saakin ikinatango ko nalang.

Hindi manlang niya ako hinintay tapos pinapauwi niya ako. Ano ba nangyari pag alis niya kahapon?

Nakasunod ako ngayon kay Manang papunta sa dining area kaya pasimangot akong naglakad.

Nagsout na pala ako ng long sleeve baka kasi magalit na naman yon saakin.

"May problema ba kayo ni Senorito ija?" Tanong ni Manang.

"Huh? Ayy wala po Manang..hindi ko nga alam kong ano ang ginawa ko sa kanya," Ani ko sa kanya.

"Nakita ko kasi siya kagabi naglalasing. Baka may problema kayo?" usal nito saakin ikinabuntong hininga ko.

Ano ba ginawa ko?

"Ohh siya ija, wag mo nang problemahin yun ija... kumain ka mona para magkalaman yung tiyan mo " pagpaupo saakin ni Manang  jkinangiti ko naman umupo.

Series1# MY LAST MISSION (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon