"2102024." Mahina kong sambit habang pinipindot ang pin ng lock dito sa unit ko. Pagbukas ko ng pinto, agad kong binitawan ang bag ko at tumakbo papunta sa kwarto.
Nagcanonball ako patalon sa kama ko, "Ahh!!!" malakas kong tili sa kilig, at nagpaikot-ikot sa kama. "Argh!!!" kagat sa aking unan at nagtatalon. "Kahn!!!" nagsisigaw ako sa tuwa pero agad akong napadiretso ng upo.
"Toledo! Talagang g*go ka, balak mo akong gantihan dahil sa sarili mong katangahan! Pero yung Bet, tatlong buwan akong magiging nobya ni Kahn at iiwan niya ako sa ikatatlong buwan." Napakag*gong pustahan!
"Pero! Ito na ang chance ko! Wala akong pakialam kung bet lang ito, ang importante magiging nobya ako ni Kahn, at gagawin ko ang lahat para sulitin ang tatlong buwan na ito! Woah!!! Very good ka 'don Toledo! Woah!!!" pinaghahagis ko sa era ang lahat ng unan ko sa tuwa.
"Susulitin ko ang tatlong buwan na ito! At pagkatapos pwedi na akong mag resign sa trabaho ko!!! Ito na ang reason na hinihintay ko!!! Woah!!! Kahn, I love you!!!"
Walang tigil akong nagpagulong-gulong sa kama ko, at natigil lamang ng biglang tumunog ang phone ko. Automatic akong bumalik sa aking seryosong itsura, inabot ko ito at sinagot ang tawag.
"Hello?"
"Noeh, ang aking prinsesa," Si Papa, "Hello, pa, Kamusta po?" tanong ko at sumandal sa headboard ng kama ko. "Ito miss na miss ka na namin ng mama mo, kailan mo ba kasi balak sumunod dito sa Canada anak? Gustong-gusto ka na namin makasama ng Mama mo." Malambing ang boses nitong sambit.
Napangiti ako dahil sa sinabi nito, miss na miss ko na din sila. "Pa naman, alam niyo naman pong may trabaho ako dito sa pinas, pero wag kayong mag-alala susunod na ako dyan soon." Secret muna siguro ang pag alis ko sa trabaho, pagpunta ko na lang sa Canada sasabihin.
"Nandito na ang kuya Noah mo, iniwan niya na ang 15 years niyang trabaho sa pinas para sumunod dito anak, at maganda naman ang work niya dito ngayon," sabi ni Mama at halatang namimilit na.
Ngumisi ako at sumagot, "Edi may five years pa ako ma bago mag 15 years," biro ko. "Anak naman," tumawa ako sa sagot ni Mama, "Opo, I will consider your suggestions po, and wait niyo na lang ko ang desisyon ko." Within 3 months ma, susunod na ako d'yan, wag ka nang mag-alala.
"Pangako iyan anak ah, by the way, kumain ka na ba? Anong pagkain mo ngayong gabi? Nakakapagalmusal ka ba pagpumapasok ka sa work? Kailan ka ba mag-aasawa?" nabulunan ako sa sarili kong laway dahil sa walang connect na huling tanong ni mama.
"Ack, ma ano yun? Asawa agad?!"
"Anak naman, 27 kana malapit ka nang mag 28, hindi na kami umaasa sa kuya Noah mo, kaya ikaw na lang ang tangi naming pag-asa ng Papa mo. Bibigyan mo naman kami ng apo hindi ba?" umiling ako na may ngiti sa labi.
"Ah, opo ma kakain na po ako may abodo ako sa ref, iyon na lang po ang kakainin ko tapos bukas po sa office na lang po ako kakain ng breakfast, wag po kayong mag-aalala kumakain ako ng marami! Ba bye, I love you very very much! Muah!" mabilis kong sambit at pinutol ang tawag.
Nagslide ako mula sa pagsandal sa headboard pababa sa tamang posisyon ng paghiga. "Canada, ikaw na ba ang future ko after 3 months?" mahina kong sambit habang nakatingin sa kisame.
Habang nakatitig ako sa kisame biglang lumitaw sa paningin ko ang sobrang gwapong mukha ni Kahn, ang imahe na magnobyo't nobya kami, naglalakad na mag kahawak ang mga kama---"Ahh!!!"
Iniisip ko pa lang siya, sobra na akong kinikilig.
***
"Resignation Letter?" parang lumulutang na sambit ni Boss Bingo, kasunod 'non ay ang malakas na pagsinghap na aking narinig mula sa aking likuran. Nahuli ko ang lahat ng marketing team na nakadungaw sa pinto ng opisina ni Boss Bingo.
Nagtago sila nung lumingon ako, pero huli naman na sila. "Aray!" dahil hindi sila kasya sa tinataguan nila nahulog si Noi, yung rookie namin. Tinitigan ko lamang sila, "Ah, hehe," sambit nito at dahan-dahan bumalik sa pinagtataguan nila.
Bumalik ang tingin ko kay Boss Bingo na tila parang namumutla dahil sa hawak na papel. "Hindi naman ito totoo diba?"
"Totoong resignation letter iyan." Seryoso kong sambit.
Tumayo ito at hinampas ang table, "Hindi ito totoo! Hindi ako papayag---," pinutol ko ang pagsasalita niya at sinabi. "Seryoro ho ako!" pagtaas ko ng aking boses,, napabalik siya sa kanyang upuan dahil sa takot.
"Ang sabi ko nga, hindi ako papayag na joke lang ito, lamang totoo ito Ms. Masalanta, hehe." Halatang nagsisinungaling ito, at natatakot sa aking pag-alis.
"Pero bakit? Bakit biglaan? Ang tagal mo na dito Ms. Masalanta, gamay mo na ang lahat ng ito, bakit mo biglang naisipan iwan kami? Paano na ang mga trabaho ko---ay este ang mga trabaho mo, walang may kayang gumawa ng ginagawa mo Ms. Masalanta." Sambit nito.
Inayos ko ang collar ng polo ko bago nagsalita, "Merong rules ang kumpanya na may three months passing of works and reports sa posibleng papalit sa isang empliyado matapos nitong mag file ng resignation letter, kaya may tatlong buwan pa ako bago tuluyang umalis."
"Pero..." magsasalita pa ito pero pinangunahan ko na ito. "Si Noi, itatrain ko siya at sisiguraduhin kong kaya niyang gawin ang lahat ng ginagawa ko bago ako tuluyang umalis. Noi," tawag ko sa trainee.
Tinulak ito ng mga kaofficemate namin, "Po?" sagot nito at naglakad papalapit sa tabi ko. "Siya ang papalit sa akin, sa loob ng tatlong buwan lahat ay ituturo ko sa kanya, kaya wala nan ang dapat ipag-alala Boss, salamat po." Hindi ko na hinintay ang opiniyon nito. Tumalikod na at naglakad pabalik sa table ko.
"Noi," tawag ko sa rookie, at inabot sa kanya ang lahat ng folders na nasa table ko. "Basahin mo lahat ng ito, iyan ang work loads ko sa isang buwan, kailangan mo iyan malaman habang tinurutuan kita. Kaya mo bang gawin ang sinasabi ko?" tanong ko sa kanya.
Pursigido itong tumango at tinanggap lahat ng folders na inaabot ko. "Gagawin ko po ang lahat para maging kagaya mo Ms. Masalanta, idol po kita." Hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya pero tumango na lamang ako at hinayaan muna siyang iscan ang mga nilalaman ng folders na iyon.
Yes! First step done, ang kailangan ko na lang gawin ngayon ay hintayin si Kahn na alukin akong bilang Nobya niya. Kinagat ko ang aking labi at napatikrik pa ang aking mga mata sa kilig.
Natapos ang kalahating araw ko sa pagtuturo at pagpapaliwanag kay Noi lahat ng mga trabaho ko at trabaho ni Boss Bingo na ginagawa ko 'rin. Hindi ko naman ito nakikitaan ng katamaran at mas mukha pa nga itong pursigidong matuto kaya siya ang pinili kong papalit sa aking dahil alam kong kaya niya.
"Ok, maglunch ka muna." Utos ko kay Noi at tumayo, "Ikaw po, hindi ka po ba kakain ng lunch Ma'am?" tanong nito sa akin, hinawakan ko ang biscuit sa bulsa ng mahaba kong palda at kinuha ang files na kailangan kongi photocopy para ibigay sa finance team.
"Kumain ka na, may kailangan pa akong gawin." Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya at naglakad na palabas ng unit namin. Naglalakad ako papunta sa photocopy area ng makita kong makakasalubong ko si Kahn.
Tumibok ng sobrang bilis ang puso ko, at nanlamig sa kilig ang mga kamay ko. Pero nanatili ang seryoso kong mukha, ito na iyon, aalukin niya na akong maging nobya niya.
Ito na iyon!!! Kalma Noe, kalma!
Papalapit kami ng papalapit sa isa't-isa, umiiwas ako ng tingin pero hindi ko hinahayaang mawala siya sa paningin ko. Ang kagwapuhan nito ay hindi dapat iniiwasan.
Oo, Kahn handa akong maging Nobya mo! Ito na malapit na!
Dahil malapit na nag lakas loob na akong tingnan siya, ito na magkakasalubong na kami. Ngumiti ito sa akin, ito na Noe!!!
"Good afternoon, Ms. Masalanta." Bati nito sa akin at nilagpasan ako. "Good afternoon," wala sa sariling pagbati ko pabalik.
Ano yun?! Nasaan na yung Bet?
BINABASA MO ANG
She knows the Bet
ChickLitNoeh Dian Masalanta, the ice queen/ heartless queen ng kumpanyang pinagtatrabahuhan niya. Kilala siya na walang puso at walang emosyon pero mahusay sa trabaho, siya ang asset ng Marketing Team at pati ang boss niya ay takot sa kanya. Isang araw dah...