CHAPTER 10

119 7 0
                                    


Two weeks later, 35 days before the bet ends. "Ok lang ba yung suot ko? Tan, ano sa tingin mo?!" panay ang pag-ikot ko sa harap ng salamin habang tinatanong ang kaibigan kong walang ibang ginawa kung hindi magbasa ng magazine sa couch ng condo ko.

"Hello, may kausap ba ako?!" tanong ko, at tumayo ng tuwid habang nakatingin sa kanya. Nang mapansin niyang nanahimik na ako tiningnan niya na ako mula ulo hanggang paa. "You look decent to me," disente? Hindi iyon ang gusto kong marinig gusto ko malaman kung maganda ba ako sa suot ko dahil kailangan maganda ako sa paningin ni Kahn mamaya.

"Maganda ba ako? Maganda ba ako sa suot ko Tan?" pag-uulit kong tanong nang makitang bumalik siya sa pagbabasa ng magazine. Umirap ito bago sinara ang binabasang magazine at hinarap ako.

"Maganda ka, you always look beautiful, it's just that why do you have to make it obvious na nagpapaganda ka for that Kahn, he's not even worth it." ito na naman, umiiral na naman ang pagiging protective niya. Alam ko naman na nag-aalala siyang masaktan ang feelings ko, pero planado ko ang bet na ito and alam ko ang gagawin ko.

"Tan," seryoso kong sambit sa pangalan niya, binigyan ko din siya ng tingin na may assurance, upang hindi na siya mag-alala. "Fine, you look pretty with that pink skirt, light pink really does fit you." she genuinely said. Yes, ayun ang hinihintay ko!

"Yehey," excited kong sagot at umikot ulit ako sa harap ng salamin, tumayo na si Tan at sabay kaming lumabas ng condo ko. Nakasuot ako ng white polo shirt at pangtable tennis skirt na pink na may white ribbon sa gilid at white socks and light pink rubber shoes.

Si Santana naman ay nakasuot ng black shorts at red dri fit shirt and black socks paired with red rubber shoes, nakasuot din siya ng sunglass.

"Yehey, excited na akong makita si Kahn, I miss his face, dalawang linggo ko na siyang hindi nakikita!!! La la la la!" napapakanta pa ako sa sobrang excitement. Habang si Tan naman ay panay ang pag-irap at pagsinghal, pagbukas niya ng pinto ng sasakyan niya nagsalita siya.

"I hate this," humagikgik ako at sumagot, "I like this!!! Yehey! Let's go!!!" miss na miss ko na si Kahn!!!

"Wait for me, my loves!!!"

"Oh, shut up, you're creeping me up! Eww!!!" tumawa ako ng malakas dahil sa reaction ni Tan.

"My Kahn, my love!!!" pang-aasar ko sa kanya. "Eww!!!" Tan.

***

Bumababa ako ng sasakyan ni Tan, right after niya itong ipark sa badminton gym na sinabi ni Kahn, gusto niya akong sunduin pero sinabi ko na isasama ko yung kaibigan ko, pumayag siya na hintayin na lang kami dito sa gym.

Inayos ko ang suot kong palda, habang hinihintay si Tan na bumababa ng sasakyan, "Tan, tara na," gusto ko nang makita si Kahn, excited na talaga akong makita siya ulit.

"Seriously," sarcastic na sambit nito sa akin, pero ngumiti ako sa kanya at hinila siya papasok sa badminton gym. "Ayun na siya!" pabulong kong sambit pagpasok namin sa loob ng gym, si Kahn agad ang nakita ko. Nakasuot ito ng white nike shirt at black shorts paired with white rubber shoes. Ang gwapo ang ang bango niya tingnan.

Naglalaro na siya pagdating namin, pero nang makita niya ako agad siyang tumigil at lumapit sa akin, habang patakbo siyang lumalapit sa akin, parang nagslow mo siya at pati ang pagtulo ng mukhang mabango niyang pawis nag slow mo din sa paningin ko.

"Ang gwap—," hindi ko na napigilan ang bibig ko, buti na lang at kinurot agad ako ni Tan, kaya naitiklop ko agad ang bibig ko, tumayo siya sa harapan ko at inayos ang medyo basa nitong buhok. Yung puso ko sobrang lakas ng tibok nito.

Ang yummy! "You're here, hi," sabi ni Kahn at tiningnan si Tan, "Kahn, kaibigan ko si Santana, you can call her Tan nala—," hindi ako pinatapos magsalita ni Tan, at diretsong sinabi, "Santana for you, only my friends call me Tan." seryoso nitong sambit.

Tiningnan ko si Kahn, ngumiti ito at tila naintindihan ang sinabi ni Tan, at nirerespeto niya ito. "Nice to meet you, Ms. Santana, I'm Kahn Hirano," pagpapakilala nito. "Kahn Hirano?" tanong ni Tan, "I mean, Ransom Kahn Hirano, that's my whole name," pag-uulit ni Kahn.

Ano ba Tan, bakit masyado ka naman hard kay Kahn ko. Halatang nahihiya si Kahn kay Tan, tinitingnan lang ni Tan ng masama si Kahn, kaya hinila ko na si Tan sa bench, "Tara, laro na tayo." sambit ko.

"That's right," pag-sangayon ni Kahn, kaya binitawan na namin sa bench yung bag namin, at habang inaayos ni Tan ang gamit at buhok niya, kinuha ko ang chance na ito para makausap si Kahn. dalawang linggo ko 'rin siyang nakita.

"Hi," pagbati ko, agad siyang tumingin sa akin at ngumiti, "Kumusta ka?" nakangiti nitong tanong halatang nahihiya siyang makipag-eye contact sa akin ng matagal. Ano ba, ako lang ito Kahn, ako lang ito si Noe na mahal na mahal ka, eme!

"Ok naman ako, ikaw kumusta ka?" tanong ko pabalik sa kanya. "Ok lang din, the training was tough yet, I enjoy it so much," alam ko, halata sa mga mata mo Kahn. ngumiti ako ng palihim, then may lumapit sa amin na isang gwapong lalaki.

Umakbay ito kay Kahn, at pinunasan ang pawis bago ako binati. "Hi!" masiglang bati nito, sabay kaway sa akin. Tumango ako sa kanya at nanatiling tahimik at seryoso. "Kaibigan ko nga pala, Noe, this is Hugo, Chico this is Noe, siya yung—," hindi pinatapos ni Hugo si Kahn at siya na ang tumapos ng sentence nito.

"Siya yung girlfriend mo, Hi, Hugo, nice to finally meet you, I heard a lot about you," ano? Kinukwento ako ni Kahn sa bestfriend niya? Pimintig ang puso ko ng sobrang lakas, ano ba, kinikilig ba ako? Masaya ba ako? Ano ito sobrang sarap sa feeling.

"And who's this cutie out here," nalipat ang atensyon ni Hugo kay Tan ng tumayo ito sa tabi ko, tiningnan siya ng masama ni Tan, kaya mas lalo pang ngumisi si Hugo. "Hey, cutiee, are you single?" hindi ko inaasahan ang pagiging diretso ni Hugo bumanat, nako, ayaw ni Tan sa ganitong klaseng lalaki.

Nilingon namin si Tan, umirap ito at kinuha ang kanyang raketa bago naglakad papunta sa court at sinadyang tamaan sa mukha si Hugo gamit ang kanyang raketa. "Woah, that's hot," excited na sambit ni Hugo at agad sumunod sa court.

"Tara?" tiningnan ko si Kahn ng magsalita ito, kinuha ko ang white pink kong raketa, sabay kaming naglakad papunta sa court at nagsimulang mag-laro. Una magkakampi kami ni Tan labas kila Kahn and it was fun, puro tawanan dahil laging natatamaan sa mukha si Hugo ng shuttlecock dahil kay Tan.

Parang sinasadya ni Tan lahat ng iyon kaya tawa kami ng tawa, Tan is always good at any sports. Walang hindi kaya si Tan, that's why she's a total hottie.

After first round na panalo kami, nagpalit naman ng kakampi and now magkakampi kami ni Kahn. "Serve it," sambit nito at inabot sa akin ang shuttlecock. Pagkatira ko hindi ito naabutan ni Tan at Hugo, "Yes!" sambit ko, ngumiti si Kahn sa akin at pinagtap namin ang raketa namin as a sign na nakapuntos kami.

It was genuine and I'm really happy right now, wala akong ibang ginawa kung hindi enjoyin ang laro at makasama si Kahn. Bakas din sa mukha nito na nageenjoy siya at sapat na iyon sa akin.

After the second game, nag water break kami, hinihingal akong umupo sa bench at tumabi sa akin si Tan at uminom ng water, sa kabilang side ko naman ay doon umupo si Kahn, inabutan niya ako ng water na may lemon, "Here, sayo ito." sabi niya, bago ko pa ito abutin inagaw ito ni Tan sa kanya at ang ibinigay sa akin yung bottled water niya.

Nakanganga namin siyang pinanood. Tan naman akin 'yan eh!!! Gusto ko siyang sakalin ngayon ano ba!!! Bigay sa akin ni Kahn iyan eh!!!

"Hindi mo pa nasasagot ang tanong ko Miss, may boyfriend ka na ba?" pag-uulit na tanong ni Hugo kay Tan.

"Don't talk to me!" tumayo ito at ibinigay sa akin yung water na bigay ni Kahn, bago naglakad palabas, "Wait, hard to get, I like it!" excited na sambit ni Hugo at hinabol si Tan sa labas.

Naiwan kami ni Kahn dito sa gym, "Should we have dinner together after this?" tanong ni Kahn. Nilingon ko siya at nakangiting tumango. "Wala ka bang ibang gagawin after this?" tanong ko.

"Wala naman, and pambawi ko na 'din ito dahil dalawang linggo akong wala. Dalawang linggong hindi ko kasama ang girlfriend ko." tumigil sa pagtibok ang puso ko dahil sa sinabi niya.

Girlfriend niya?! Ahhhh!!!

She knows the BetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon