CHAPTER 8

122 4 0
                                    


74 days, "Good Morning," bati ni Noi nag magkasalubong kami sa entrance ng kumpanya, tumango ako sa kanya at diretsong naglakas sa elevator. Nakasunod siya sa akin, "Anong oras na po kayo nakauwi kagabi ma'am?" nakangiti nitong tanong.

Hindi ko pweding sabihin na 10:40, "9 pm," diretso kong sagot at hinintay bumukas ang elevator. Yes! Walang tao, pumasok ako at sumunod si Noi. "Ah, overtime po kayo, wag po kayong mag-alala tatapusin ko din po today lahat ng work ko para hindi po kayo matambaka---," naputol ang sasabihin niya ng may humabol sa pagsara ng elevator.

Tumibok ang puso ko ng makita si Kahn, "Ay, good morning po sir," bati ni Noi sa kanya, pero nakatingin siya sa akin, huy enebe. Nag-ayos talaga ako ngayon dahil alam kong nandito na ulit si Kahn.

"Good Morning," sagot nito pero nakatingin siya sa akin, ako ba binabati niya? Nilingon ko si Noi at sumenyas na batiin ko din daw si Kahn, bakay bumalik ang tingin ko sa kanya sabay bati. "Good morning." Ngumisi siya at pumasok na, tumayo siya sa tabi ni Noi.

Bali napapagitnaan namin si Noi, hindi ko kakausapin si Kahn sa office dahil baka ayaw niyang malaman ng mga tao dito na nagdadate kami. Kaya diretso lang ang tingin ko sa number ito sa elevator. Pero kinikilig ako, binati niya ako! Binati ako ng nobyo ko!

"How was your sleep?" sambit ni Kahn, tiningnan siya ni Noi na tila nalilito dahil bigla itong kinakausap nito. "Ok lang naman po nanaginip lang ako na naging zombie si Ms. Masalanta dahil isang linggo na siyang walang buh---," tinakpan ko ang bibig niya bago niya pa matapos ang sasabihin niya at sinagot si Kahn.

"Ok lang naman," sagot at sulyap sa kanya, tumango-tango siya. "Sorry kung napuyat kita kagabi," nabilaukan ako sa sinabi nito, at napasinghap naman sa gulat si Noi.

Enebe, pereng iba ang dating nang pagkakasabi niya baka anong isipin ni Noi. "Ah, hindi naman ok lang sanay ako sa puyatan," sambit ko at bumukas ang pinto ng elevator agad kong hinila ang gulat na si Noi.

"Bye," sambit ko tumango siya na may ngiti sa labi at hinila ko na si Noi sa unit namin. Pagkabitaw ko sa kanya tulala pa 'rin siya kaya tinapik ko ang mukha niya. "Noi, anong nangyari sayo?" tanong ko sabay upo sa upuan ko.

Nangbumalik siya sa katinuan, lumapit siya sa akin at hinampas ang table ko. "Ma'am, don't tell me, may relasyon kayo ni Mr. Hira---" sinubuan ko siya ng cramble na papel bago niya pa matapos ang sasabihin niya, buti nalang wala pang tao dito sa unit namin.

"Hindi, guni-guni mo lang iyon, manahimik ka na at tapusin mo na lahat ng docs na nilagay ko sa table mo, kailangan ko yan today, overtime tayo mamaya." Sambit ko at tinulak siya sa table niya.

Wala sa sarili itong nagsimulang mga trabaho, kaya ngumit ako at humarap sa screeng ng PC ko. Binati niya ako, ano ba masyado mong ginagampanan ang pagiging boyfriend mo. Kinikilig ako.

Nagstart na akong mag work, at pagsapit ng lunch, kinuha ko ang biscuit ko at ang papers na ipophoto copy ko. Pupunta ako sa photocopy area, papasok pa palang ako sa loob ng masulyapan ko sila Toledo na nagtatago, kasunod 'non ay, "Ms. Masalanta," napalingon ako sa likuran ko.

Si Kahn, may hawak itong paperbag ng pagkain at inabot sa akin, "Lunch, hindi kita masasabayan dahil may lalakarin lang kami officemate ko ngayong lunch, pero binilhan kita ng lunch," lunch? Para sa akin, nakita ko na lang na lumabas sa dibdib ko ang puso ko na sobrang saya at lumipad papunta sa langit.

"Thank you," seryoso kong sambit, at tinaggap ito. Hindi ko ito kakainin, ipapapframe ko ito! "Sana kainin mo, at isa pa pala, kung makabalik ako ng maaga mamaya, hatid na sana kita pauwi," shet!!!

She knows the BetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon