CHAPTER 3

126 7 0
                                    


      "Good afternoon, Ms. Masalanta."

"Good afternoon." Diretso ang lakad ko, pero gulat na gulat ako sa nangyari. Sandali! Tumigil ako at nilingon ito. Diretso lang siyang naglalakad. Ano yun?!

Nasaan na yung bet? Hindi ba dapat inaalok mo na ako ngayon, Kahn?

Napabuntong hininga ako at bagsak balikat nagpatuloy sa paglalakad. Anong nangyari, Kahn? Hindi ka pweding umayaw? Mawawala yung chance mo maging head ng HR!

Pumasok ako sa xerox area, nanghihinang lumapit sa photocopy machine, para akong nadudurog. Hindi pweding hindi ito matuloy nagresign na ako para dito tatlong buwan na nalang ang hihintayin ko.

"Kahn!!!" parang sinasaniban kong sambit at pabagsak na sinandal ang aking ulo sa xerox machine. "Bakit?!!" sambit ko at wala sa sariling pinindot ang xerox machine para iphotocopy ang mga papers na dala ko.

"Agh!!! Bakit umatras ka? Ok na ang lahat oh? Handa na ako, huhu!" hindi ko alam ang gagawin ko kung hindi matutuloy ang lahat ng ito, chance ko na ito oh! Ito lang ang hiling ko bago umalis, ang maging nobya mo, Kahn.

Patuloy ang pagpindot ko sa xerox machine, parang lumulutang ang buong systema ko. "Ahm, Ms. Masalanta?" bumukas ang pinto ng photocopy area at sumilip doon yung rookie ko.

Dahan-dahan akong tumayo ng maayos at lutang itong sinagot, "Yes?" tanong ko. Lumapit ito sa akin at napasinghap. "Ma'am, ano po ito?!" bumalik ako sa aking sarili dahil sa sinabi niya.

Naggulat ako ng itaas niya ang mga lumabas na papel sa xerox machine, naphotocopy ko ang mukha ko! Nagulat ako pero hindi ko ito pinahalata at kinuha ang mga papel sa kamay niya.

"Tinitingnan ko lang kung malinaw talaga ang xerox machine, try mo din minsan para masigurado mo malinaw," pagpapalusot ko, "Ah, ganun pala 'yun," sabi nito at nanlaki ang mga mata ko ng isubsob nito ang mukha sa xerox machine at sinimulan itong pindutin.

Joke lang naman 'yun, bago niya pa ipagpatuloy ang kalokohan na sinabi ko. Hinila ko na ang kwelyo niya para dumiretso ng tayo bago siya tinanong. "Bakit ka nandito?" tanong ko sa kanya.

"Ah, nagdala po ako ng lunch mo! Dahil tinuturuan niyo po ako, gusto ko lang suklian ang pagod mo po, ito po bumili po ako ng adobo at fried rice sa cafeteria."

Itinaas nito ang dalang lunch at binigay sa akin, kinuha nito ang papers na dapat kong iphotocopy, "Sige na po ma'am, ako na po ang bahala dito, kumain ka muna ng lunch." Sambit nito, tiningnan ko ulit ang supot na ibinigay niya sa akin.

Tumango ako, at naglakad palabas ng photocopy area. Tumingin ako sa hallway at naisipan ko na lang pumunta sa rooftop at doon kumain. siguradong walang tao doon.

Pagakyat ko sa taas, ang malamig na simoy ng hangin ang sumalubong sa akin. Pumunta ako sa may silong para hindi maarawan, umupo sa sahig at binuksan yung lunch na bigay ni Noi.

Gaano ka tagal na ba simula nung huli akong kumain ng lunch dito sa office? Hindi ko na maalala sa sobrang tagal. Sinimulan kunang kumain, unang subo palang ay agad akong napapikit.

"Ang sarap." Bulong ko at nagpapadyak sa tuwa, nakalimutan ko na ang cafeteria pala ng company ay masarap magluto ng adobo. Paburito ko ito dating kainin dito sa office.

Habang kumakain biglang bumalik sa isip ko ang nangyari kanina, ang masaya kong mukha ay agad napalitan ng pagkunot noo. "Kahn! Anong nangyari? Bakit hindi mo ako inalok kanina?" tanong ko, habang iniimagine na kausap ko ito ng harap-harapan.

"Ayaw kong ituloy ang Bet, Noe." Paggaya ko sa boses nito at nagpanggap talagang mag kausap kami. "Bakit?!" tanong ko.

"Kasi hindi kita gusto, ack!" para akong binarily na napahiga sa pader dahil doon. Binarily ako sa puso, napatirik ang aking mga mata sa sakit at inilabas ko pa ang aking dila para patay talaga.

Hindi maari, hindi pweding iyon ang dahilan Kahn, paano na ang promotion mo?! Hindi ka pweding umayaw, huhuhu!!!

"Mahal kong Ka---," natigil ako sap ag eemote ng marinig ko ang pagbukas ng pinto dito sa rooftop. Agad akong nagtago at sumilip. "Anong ginagawa mo, Kahn?!" tanong ni Toledo kay Kahn at kasama nila ang mga alipores niya na sila Quiambao at Dela Cruz.

Tama, anong ginagawa mo, Kahn? Tumatango pa ako habang nakasilip sa kanila. "Hindi ko alam, hindi ko kayang gawin ang bet na ito, hindi ba pweding iba na lang?" nahihirapang sambit ni Kahn, ang pagkakunot ng mukha ko agad na palitan ng ngiti dahil sa boses at kagwapuhan ni Kahn.

Hehe, mabilis kong sinampal ang aking sarili at bumalik sa seryoso kong mukha. Hindi pweding mag day dream. "Walang ibang pweding gumawa nito Kahn, ikaw lang dahil siguradong hindi ka matatanggihan ng lahat ng babae pag inalok mo sila na maging nobya mo at isa na doon si Masalanta!"

Tama! Tama siya!

"Pero iba si No—si Ms. Masalanta, hindi niya ako magugustuhan at isa pa mag kababata kami." Sambit ni Kahn, agad bumalik sa inlove era ang mukha ko dahil doon, tatawagin niya sana akong Noe.

At naalala niya pa na magkakilala kami nung bata pa kami. Yung puso ko. "Hehe," agad kong tinakpan ang bibig ko dahil napalakas ang tawa ko narinig ata nila.

"Ano yun?!" rinig kong sambit ni Toledo. "Boss, sabi nila may nagpakamatay daw dito sa rooftop kaya walang umaakyat ba yung multo yung tumawa!!!" sabi ni Quiambao dito.

"Ahhh!!!" nagsigawan silang tatlo at tumakbo palabas ng rooft top. Naiwan si Kahn, muli akong sumilip at tiningnan siya, lumalambot ang puso ko dahil sa sobrang kagwapuhan nito.

Ginulo nito ang kanyang buhok bago huminga ng malalim at inayos ang necktie na suot. Shet ang gwapo talaga!!!

"Fuck," nagmura ito bago sumunod at pumasok sa loob. Naiwan ako dito na tulala. First time ko itong narinig mag-mura. Dahil wala iyon sa image niya, lagi siyang perfect. Pero nagmumura pala siya?

"Ah!!!" napatili ako sa kilig. Nakakagwapo lalong marinig itong magmura. Lahat na ata ng ginagawa niya gusto ko.

"Yes! This time sigurado akong tatanungin niya na ako na maging nobya niya! Yes!!! Yes! Yes!!!" nagtatalon at sumusuntok ako sa ere sa tuwa.

After na mailabas ko na ang saya ko, inayos ko na ang collar ng polo ko bago bumalik sa seryoso kong mukha at pumasok sa loob.

Seryoso at walang emosyon akong bumababa ng hagdan nang makita ko si Kahn na naglalakad papunta sa office nila, at makakasalubong ko siya. napatigil ako at mabilis na umikot para ayusin ang aking bangs at balik agad.

Matapang akong naglakad at handa akong salubungin siya. tiningnan ko siya at tiningnan niya din ako.

Ito na!!! ito na talaga iyon! Malapit na! go Kahn, kaya mo iyan!

Ito na!

Tumango lang ito at ngumiti at muli akong nilagpasan. I did the same thing at nang malagpasan niya na ako nanghihina akong napasandal sa pader.

Kahn!!!

She knows the BetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon