CHAPTER 7

93 4 0
                                    


Ito na iyon, nakasakay na ako sa sasakyan ni Kahn, ako pa lang ang unang babae na isinakay niya dito. Alam ko iyon dahil big issue iyon sa office dahil simula nang magkaroon ito nang sasakyan nababaliw ang mga babae at naguunahan na makasakay dito. Pero alam ko na walang nagwagi sa kanila!

Ako lang, ha ha ha ha ha!!! Napapaevil laugh ako sa loob ng aking isipan habang nakahawak sa seatbelt. Sorry sa inyong lahat pero ako ang nagwagi, ako ang una niyang pinasakay sa sasakyan niya.

"How was your day?" napalingon ako sa kanya ng magsalita siya, "Ako ba ang kausap mo?" seryoso kong tanong, sumulyap siya sa akin at tumawa. "Tayong dalawa lang naman ang nandito," sagot niya, bumalik ako sa aking katinuan dahil sa sinabi niya. Ang bobo mo Noe.

"Ok naman," seryoso kong sambit, at umiwas ng tingin, tumingin ako sa bintana at kinagat ang aking labi, hindi na kami nagsalita pa after non dahil parang nagkahiyaan na kami.

Dumating na lang kami sa isang magandang coffee shop na 1 kilo meter ang layo sa office. "Nandito na tayo," nakangiti nitong sambit at agad bumababa ng sasakyan. Ene be hende me nemen eke keilengen pegbuksen ng pente. Grabe yung kilig ko dito sa loob habang tinatanggal yung seatbelt.

Paglingon ko sa bintana, nahulog ang panga ko nang makita siyang may kausap na babae sa labas. "Ay." sambit ko nang makilala ko yung babaeng kausap niya. Isa sa mga babae sa office doon sa finance unit.

Mukhang kinakamusta niya si Kahn, at lumingon sa sasakyan ni Kahn, kaya agad kong pinahiga ang upuan ko upang magtago. Baka makita ako nito! Tinakpan ko din ang mukha ko gamit ang bag ko.

Bumukas ang pinto after ng ilang minuto kaya mas tinago ko ang aking sarili, "Ms. Masalanta?" boses iyon ni Kahn, shit, nakakahiya, dahan-dahan kong ibinababa ang bag na nakaharang sa aking mukha at tiningnan siya.

"Ok ka lang?' tanong nito, umayos ako ng upo sa gulat. "Inaantok ka na ba?" natatawa niyang tanong sa akin, "Hindi, sinusubukan ko lang yung upuan, ang ganda pala ng ganito." Sambit ko at bumalik sa seryosong mukha. Tumango-tango ito na may ngiti sa labi, bago tumayo ng maayos at hinintay ako bumaba.

Sumilip muna ako sa paligid, tinitingnan kung nandyan pa yung girl, "Wala na si Dianne, wag ka nang mag-alala." Tiningnan ko si Kahn nag sabihin niya iyon, bumababa ako ng sasakyan at inayos ang aking mukha.

"Shall we," sambit nito at pinauna akong maglakad papasok sa coffee shop, nahagip din ng mga mata ko sila Toledo na nakatago sa isang sasakyan habang pinapanood kaming dalawa ni Kahn.

Umiling ako at pumasok na kami sa loob, umupo kami sa pangdalawahang table lang at magkaharap kami ngayon, hinawi nito ang bumabagsak na buhok at tumawag ng waitress.

Nanlalambot ang puso ko sa saya, sobrang gwapo niya, halos isang linggo ko itong hindi nakita. "Yes, sir?" tanong ng waitress sa kanya at halatang nagpapacute din ito sa kanya. "Ano pong order nila?" tanong muli nito at hinawi ang buhok at inipit sa kanyang tenga.

Maganda naman ito kaya naconsious ako bigla, umayos ako ng po at pasimpleng inayos ang aking buhok. Hindi pa naman din ako nakamake up ngayon. Nakakainis naman oh!

"One iced Hazel Mocha Macchiato, and one slice of new york cheese cake, and.." lumingon si Kahn sa akin, "How about you, what coffee do you like Ms. Masalanta?" tanong nito, napansin ko ang pagpigil ng tawa ng waitress after marinig nito ang apilyedo ko.

Tiningnan ko siya ng seryoso, at mukha naman siyang natakot kaya umiwas agad ng tingin at nawala ang ngiti sa labi. Tawa-tawa ka dyan! "Match Latte..iced." diretso kong sambit.

She knows the BetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon