Chapter 5

3.1K 49 2
                                    


HINDI maiwas ang hindi sulyapan ni Allie si Greg habang tahimik na nagmamaneho. Sa english term, he has a hawk-like profile. Matangos ang ilong na bahagyang- bahagyang natabingi sa gitna na tila bakas ng pakikipagsuntukan. Nakadagdag lamang ito sa karakter ng muldia nito. Maiitim at prominente ang mga kilay at pilikmata. Gusto niyang isiping lalong nag-iitim ang mga ito pag nagagalit. Ito ang asawa niya at mananatiling asawa sa loob ng anim na buwan.

Nakakainip ang biyahe at nakabibingi ang katahimikan. Siya ang unang nagsalita. "Saan ka tumutuloy sa Maynila pag lumuluwas ka? May bahay ka ba doon?"

Matagal bago sinagot ni Greg iyon. Nakita niya ang pag-iigting ng mga bagang nito. "Dating mayroon pero kasama sa na-foreclose. I'm sorry to say, ng bangko mo. Siguro ay hindi na lingid sa iyo ang nangyari sa Papa?"

Nilingon siya nito at bahagyang tumango siya. "May inuupahan akong apartment. Doon ako tumutuloy pag nasa Maynila ako. Doon sana kita dadalhin pagkagaling natin ng Hong Kong pero walang gaanong gamit doon dahil bihira naman kasi akong lumuwas nitong nakaraang mga buwan. Hindi ako doon kumakain at nagluluto."

"Why can't I stay in my place, Greg? Malimit ka namang lumuwas, di ba? At saka ano ang gagawin ko doon?"

"Dahil asawa kita at kung saan ako naroon ay dapat na naroon ka rin. At kung tungkol sa gagawin ay marami kung gugustuhin mo. Dalawa ang branch ng bangko mo sa Lucban. You can do a random check."

"Ano ang sasabihin mo sa mga kakilala at mga kaibigan mo pagkatapos ng anim na buwan at naghiwalay na tayo?"

"As the saying goes, I'll cross the bridge when I come to it. Pansamantala ay gampanan mo ang tungkulin mo bilang asawa ko sa harap ng mga kakilala at mga kaibigan ko." Nilingon siya nito at muli ay ngumiti na tila nakakaloko. "Ano ang malay mo, baka bago dumating ang anim na buwan ay magawa kong palambutin ang puso mo and you might fall in love with me," sinabi ni Greg iyon ng may himig-biro pero nag- init ang mukha ni Allie.

"Malayong mangyari iyon, Greg. Wala akong intensyong madama iyon o kahit na kanino pa mang lalaki," angil niya.

"What have you got against love, Allie?"

"Oh, nothing," sarkastiko niyang sagot. ".....maliban sa ginagamit ng ibang mga tao ang salitang iyan para dominahan ang kapwa tao."

"Loving is giving, Allie. Hindi pagdodomina iyon."

"Oh, don't preach, Greg. Hindi ako interesado sa subject na iyan."

Marahang tumango si Greg na sinabayan ng kibit ng mga balikat.

"Siguro nga. And I could probably melt the whole arctic region pero hindi ikaw. Sa araw-araw na nakakasama kita ay binibigyan motalaga ng justification ang tawag sa iyo ng iba."

"Wala akong pakialam sa sinasabi ng mga lalaking iyon. Sinasabi lang nila iyon because they can't lure me into their beds. Those men bore me to death!"

"Well, I hope na sa mga araw na darating ay hindi ako mapapabilang sa mga inakusahan mong'bore', my dear wife."

Sana nga, ang nasa isip niya. O ang susunod na mga araw would be like hell para sa kanya. Nungka sa buhay niyang natira siya sa country side. Para sa kanya ay
bakasyunan lang ito.

Makalipas ang mahabang biyahe ay natanawan na niya ang arkong kahoy na may nakalagay na Falcon Farm. Sa buong buhay niya ay noon lang siya nakakita ng walang katapusang hilera ng nagtatayugang niyog.

"Gaano kalawak ang niyugan mong ito?"

"A few hectares pero sapat na 'ng buhayin ang asawa ko at ang magiging anak namin," nakangiting sinabi nito.

Pairap na iniwas niya ang mga mata niya dito. Hindi nagtagal ay natanawan na niya ang bahay na yari sa adobe at kahoy. Napapaligiran ito ng bakod na kahoy na may pinturang puti. Hindi naka-landscape ang mga halaman tulad ng sa mansion pero magandang tingnan ang nag-riot na sari-saring mga bulaklak at mga halaman.

All-Time Favorite: Apoy Sa Malamig Na PusoWhere stories live. Discover now