Chapter 9

3.7K 51 5
                                    


NAPAUNGOL si Allie sa pagtunog ng alarm clock sa night table. Hindi pa niya gustong gumising. Nakapikit ang mga matang sinisikap abutin ang relo para i-off. At dahil nga nakapikit pa ay lumihis ang kamay niya at sa halip ay natabig ito at nahulog sa sahig. Pero nahulog na at lahat ang alarm clock ay patuloy pa rin ito sa pagri-ring. Sinisikap niyang magmulat para abutin ito nang may humawak sa kamay niya at ito mismo ang dumampot sa relo at pinatay.

"Thank you..." bulong niya na muling dumapa at ipinikit ang mga mata upang bumalik uli sa pagtulog.

Marahang tumawa si Greg na naupo sa tabi ng kama. Doon parang nagising ang diwa niya pero hindi pa rin tumitinag.

"Good morning, " bati ni Greg sa amused na tono.

"Hmm... ginising lang ako ng alarm clock na iyan kaya hindi ko pa malalaman kung maganda nga ang umagang ito," sagot niya na nakapikit pa rin.

"You need to be kissed awake para malaman mo kung maganda nga ang umaga," natatawang wika nito.

Wala sa loob na ngumiti si Allie sa sinabing iyon na para bang nananaginip siya. "You've kissed me so hard kani-kanina lang," bulong niya.

Lalong nangiti si Greg. "Kagabi iyon hindi kanina. It will be softly this time." Hinawakan nito ang batok ni Allie at hinagkan sa mga labi. Softly and gently.

Hindi niya maikakaila ang pleasure sa halik na iyon at hahayaan na lang sana nang biglang tuluyang magising ang buong diwa niya. Nagmulat siya ng mga mata. Kasabay din noon ang pag-iwan ni Greg sa mga labi niya.

"Now, is it a good morning?"

"Greg!" Napabangon siyang bigla. Itinukod ang mga siko sa kama. Humulagpos ang kumot mula sa katawan niya at nalantad ang manipis na pantulog na halos wala namang tinakpan. Muli niyang hinila ito paitaas hanggang sa dibdib niya.

"You seemed to make a habit of kissing me," pagalit niyang sinabi.

"How could you look so good in the morning? Kahit na namumugto ang mga mata mo ngayon sa kaiiyak mo siguro kagabi."

"Kaiiyak... ka..?" Biglang umikot ang isip niya. Umaga na. At paano siyang nandito sa silid? Hindi niya natatandaang pumanhik siya. "S-sinong... paanong...?" Hindi na siya magkandatuto.

"Tulog ka na nang pasukin kita sa study pagkaalis nina Mr. Cordero. May mga bakas pa ng luha ang mga mata at pisngi mo. Binuhat kita papanhik dito and put you to bed like a baby," amused na wika nito.

"Ang... ang... damit ko..."Niyuko ang sarili. Nanlaki ang mga mata at namula ang buong mukha.

"Hindi mo aasahang pababayaan kitang matulog sa tight fitting dress na iyon, ha, Allie?" wika nito sa nanunuksong mga mata. "You really gave me a hard time, honey. Naligo ako nang wala sa oras para maalis ang init sa katawan ko," seryosong sinabi nito pagkatapos.

"I hate you, Greg Falcon!" sigaw niya na biglang inabot ang unan para ihampas dito pero mabilis na nakatayo si Greg. Nakangiting lumakad patungo sa pinto. "Mag-ayos ka at ipapasyal kita sa paligid ng farm. Kung gusto mo," sinabi nito sa kanya bago lumabas ng silid.

Kahit naiinis ay magaan ang pakiramdam niya. Yes, it is a good morning. Pumasok siya sa banyo at naligo. Pagkatapos ay nagsuot ng blue jeans at puting polo shirt.

Sa ibaba, sa labas ay naghihintay na sa kanya si Greg at ang dalawang kabayo. Ang isa ay si Mercury. Hindi pa rin siya makatingin dito nang deretso. Wala pang lalaking nakakita sa kanyang hubad. Ang isang ito ay hinubaran siya mismo!

"Handa ka na?" tanong ni Greg. Tumango siya pero iniwas ang mga mata. Nilapitan siya nito at hinawakan sa baba. "Nahihiya ka pa rin ba? You're my wife," ang marahan at mahinang sabi.

All-Time Favorite: Apoy Sa Malamig Na PusoWhere stories live. Discover now