Chapter 2

3.5K 54 8
                                    


MAKALIPAS ang dalawang taon.

"Hindi ko maintindihan kung bakit ginawa ng mommy ito, Charly?" si Allie na humiga sa lounging chair sa may tabi ng swimming pool ng mansion. Nakasuot ng puting bikini na contrast sa morenang balat. She has an exotic beauty.

"She must have some reasons, Allie," si Charly habang nagfo-float. May simpatiya ang tinig para sa kaibigan.

"My mother has always been a romantic fool. Ang akala sa buhay ay isang pocketbook romance. Why, this is some kind of thing that happened only in fictions. Probably isa sa mga bestseller ni Mchael Korda," matabang niyang sinabi.

Hindi sumagot si Charly. Inilibing si Leila two weeks ago. Leukemia. Mamanahing lahat ni Allie, bilang nag-iisang anak, ang banking empire nito. Pero may proviso ang testamento nito. Mauuwi lamang ang mana kay Allie kung sa loob ng sampung linggo matapos basahin ang testamento ay mag-aasawa ang anak sa isang lalaking responsable at nanggaling sa isang respetadong pamilya.

"Paano kung hindi ka mag-asawa, Allie?"

"Ang stocks ng Mommy sa Mega Banking ay open sa public for sale. At ang proceeds ay mauuwi sa apat na charitable institution, ang 50% at ang 50% ay papasok sa trust fund para sa magiging anak ko kung sakali at hindi nangyaring mag-asawa ako sa panahong itinakda. At mapapasakamay ng magiging anak ko sa edad na beinte singko," pagalit niyang sagot.

"Are you sure na nasa matinong kaisipan ang Tita Leila nang gawin ang testamentong iyan?" si Charly uli.

"Ginawa niya ito two years ago. At gusto kong isiping noon pa man ay alam na siguro ng Mommy na may sakit siya kaya gusto niyang mag-asawa na ako. Pero walang trace na may sakit siya noon, 'di ba?" aniyang pilit ibinabalik sa isip ang mga pangyayari sa nakalipas na dalawang taon.

"Hindi tayo nakatitiyak. But the mere fact na napaka-frantic niya na malagay ka na sa tahimik ay baka nga. Itinago lang niya marahil. Remember, she even went to the States twice noong nakaraang taon bago nitong nagdaang taon?" Umahon si Charly mula sa pool.

Dinampot ang tuwalya at ipinunas sa katawan.

Ganoon nga ba? Parang ngayon niya gustong malungkot para kay Leila. Alright, she grieved when she died pero ang isiping maaaring maysakit ito noon pa man at naglihim ay parang hinihiwa ang puso niya.

"Paano ngayon?" si Charly uli na naupo sa katapat na lounging chair.

"Hindi naman ako tuluyang mawawalan. Iniwan niya sa pangalan ko nang walang proviso itong mansion at ang townhouse sa Valle Verde. Ang income noon monthly ay sapat na para mabuhay ako nang maayos at marunong naman akong magtrabaho. Pero magagawa mo bang ipamigay na lang nang ganoon ang inheritance mo, ha, Charly?"

"Well, no. Kung ako ang tatanungin mo. Legally and morally ay sa iyo iyon. At kung charity ang pag-uusapan, hindi birong pera ang ibinibigay ng Tita Leila sa paborito niyang charity institution puwera pa ang mga binibigay niya sa anonymous na paraan."

"My grandparents started that business. Bago mamatay ang Lola ay narinig kong ibinilin nito sa Mommy na ipangakong pananatilihin sa pamilya ang negosyo."

Bahagya siyang napahikbi sa alaala ng lola. Ito ang kaisa-isang taong nagpakita ng pagmamahal sa kanya nang walang reserbasyon.

"Then marry Richard," suhestiyon ng kaibigan. Napangiwi siya. "Para mo na ring sinabi sa aking magpakasal ako sa kapatid ko. Sa tagal ng pinagsamahan namin ni Richard, Char, parang kapatid na lang ang turing ko sa kanya."

"Pero alam mo namang mahal ka noon, 'di ba? Siya lang ang solusyon sa problema mo kung ako ang tatanungin mo." Inabot nito ang juice sa baso at uminom.

"Wala akong gusto kay Richard, Charly. I cannot imagine myself being married to him. Naisip ko na iyan pagkabasa ni Attorney ng testamento. Iba ang pamantayan ko sa pag-aasawa, friend. I want it to be for keeps."

All-Time Favorite: Apoy Sa Malamig Na PusoWhere stories live. Discover now