Chapter 6

3K 50 6
                                    


TILAOK ng manok at huni ng pang-umagang ibon ang narinig ni Allie. Sandali munang nakiramdam. Inisip kung nasaan siya bago bumangon. Inabot ang relo sa tabi. Mag- aalas-siyete pa lang pero gising na siya. At hindi man niya gustong aminin ay masarap ang tulog niya sa buong magdamag. Dala kaya ngpagod sa biyahe o dala ng klima? May aircon ang silid niya pero hindi niya iyon binuksan kagabi dahil napakalamig. Sa halip ay hinayaan niyang bukas ang malalaking bintana.

Tawa ng babae ang narinig niya sa ibaba. Mabilis siyang bumangon at tinungo ang bintana at dumungaw subalit agad ding umatras. Nasa ibaba si Greg at si Karla. At sa wari ay paalis na. Mabilis siyang bumalik sa kama at naupo. Kasabay noon ay ang tunog ng pick-up ni Greg.

Ano ang kaugnayan ng asawa niya sa babaeng iyon? Habang naliligo siya'y iyon pa rin ang laman ng isip niya. Pagkabihis ay bumaba siya sa dining room. Naroon si Nana Andrea at isa pang katulong.

"Magandang umaga, hija. Gusto mo na bang mag- almusal?"

Umiling siya. "Hindi ho ako nag-aalmusal sa umaga. Juice na lang ho, please." Please? At kailan pa siya gumamit ng please sa katulong. Napapikit si Allie. Kusang lumabas sa bibig niya iyon.

Naupo siya sa mesa. Sinalinan ni Nana Andrea ng juice ang baso niya.

"Bakit ho maagang sinundo ni Karla ang asawa ko, Nana Andrea?" kaswal niyang tanong.

"Hindi ko naitanong, Allie. Baka may maagang trabaho sa kamalig."

"Ano ho ang kaugnayan ng Karla'ng ito kay Greg?" tuloy-tuloy niyang tanong. Na- freeze sa ere ang pitsel na hawak ng matanda sa tanong niyang iyon. Nagkibit siya ng balikat. "Kung hindi ninyo gustong sagutin ay okay lang ho."

Isang buntong-hininga ang pinakawalan ng matanda at ibinaba ang pitsel sa mesa. "Maraming nag-akalang silang dalawa ang magkakatuluyan. Mga dalagita at binatilyo pa lang silang dalawa ay nagkasundo na ang mga magulang na ipakakasal sila."

She thought so. Dinampot ang baso ng juice at uminom. "Iyon ho ba ang dahilan kaya ang pakiramdam ko ay hindi ninyo ako gusto para kay Greg?" muli ang prangkang tanong.

"Sino akong magsasabi kung sino ang dapat na gustuhin ni Greg?" Deretso siyang tinitigan nito. "Nabigla lamang ako sa pagdating ninyo kahapong mag-asawa na. Ni hindi nagpapahiwatig ang alaga ko. Saglit kong nalimutang ganoon nga pala si Greg. Ang hindi inaasahan ng sinuman ay siyang ginagawa."

"Pero mas ikapapanatag ninyo kung si Karla ang napangasawa ng alaga ninyo?" "Hindi ko alam sagutin iyan, Allie. Lamang ay nasanay na akong laging nakikita si Karla dito. At hindi totoong hindi kita gustong mapangasawa ni Greg. Wala akong alam sa iyo maliban sa sinabi ni Greg kagabi na mayaman ka. Kaya wala akong karapatang humusga sa pagkatao mo. Kung ikaw ang gusto ni Greg ay gusto na rin kita. At natitiyak kong mahal ka niya dahil kung hindi ay hindi ka pakakasalan noon, anupamang dahilan. Mahalaga kay Greg ang kalayaan niya."

"Sang-ayon ako sa sinabi ninyong mahalaga sa alaga ninyo ang kalayaan niya," matabang niyang sinabi Mahalagang-mahalaga. Isang milyon at kalahati.

"Isa lang ang ipinag-aalala ko, hija. Mayaman ka at nabibilang sa alta-sosyedad. Ikaw daw ata ang may-ari ng dalawang bangko sa bayan," patuloy ni Nana Andrea.

"Sagabal ho ba ang pera ko sa pagsasama namin ni Greg, Nana Andrea?"

Umiling ito. "Hindi, Allie. Sa ibang lalaki marahil pero hindi sa asawa mo. Sa abot ng kanyang kakayahan ay sa sariling pawis niya ikaw bubuhayin. Ang inaalala ko ay baka darating ang panahong mainip ka rito at hahanapin mo ang buhay mong kinagisnan."

Lihim na nangiti si Allie. Hindi kung ganoon magiging mahirap para kay Greg na magpaliwanag kung sakaling matapos na ang anim na buwan. Ngayon pa lang ay nag- aalala na ang matanda sa maaaring mangyari. Tiyak na sasabihin ni Greg pagdating ng takdang panahon na hindi nga siya nakatagal sa buhay-probinsiya at isang malaking pagkakamaling nagpakasal sila.

All-Time Favorite: Apoy Sa Malamig Na PusoWhere stories live. Discover now