Chapter 1

7.5K 77 6
                                    


"NAPAPAGOD na ako, Richard," aniya. "Kung hihintayin kong huminto ang tugtog ay mamayang madaling araw iyon," bagot niyang sinabi na kumawala sa kapareha at lumakad paalis sa bulwagan.

Sumunod si Richard.

"Gusto mong ikuha kita ng maiinom?" wika nito.

"Oh, yes, thank you. Brandy," sagot niya na hindi lumilingon at tuloy-tuloy sa patio.

Saglit siyang napahinto nang sa paglabas niya ay maulinigan ang boses ni Charlene na may kausap. Kaibigang matalik niya ito at maliban dito ay wala na siyang masasabi pang malapit sa kanya.

"Ipakikilala kita kay Allie, Greg. Halika na," wika ng katbigan.

Bahagya siyang umatras upang muli sanang bumalik sa bulwagan. Wala siyang balak na dagdagan ang male acquiantances niya. She's sick and tired of them. Tama na si Richard para escort niya sa mga okasyong ganito. Subalit nahinto siya sa paghakbang nang marimg ang tinig ng kausap ng kaibigan.

"Don't bother, Charly. Hindi ko type ang kaibigan mo," wika nito sa rough na tinig.

"Greg!" ang gulat na sagot ng kaibigan niya. "Ikaw pa lang ang kauna-unahan at kaisa-isang lalaking nakaringgan kong hindi gustong makilala si Allie."

Interesado siya sa isasagot ng lalaki at napukaw ang interest niya. Bahagya pa siyang lumapit sa may halaman upang marinig ang sasabihin nito.

"Oh, she's beautiful and rich. Pero matigas ang leeg na tila ba mababali pag yumuko sa pedestal na kinalalagyan. Cold and contained ang kaibigan mo, Charly. The prim and proper, her Royal Highness."

Narinig niyang tumawa ang kaibigan. Somehow ay gusto niyang mainis sa lalaking ito pero okay na rin. At least makakaiwas siya sa dagdag na admirers. Bagot na bagot na siya sa mga ito.

Lumihis siya ng daan at nagtuloy sa patio. Gusto niyang makasagap ng hangin. Ang party na ito ay isa sa mga party ng mommy niya. Pangalawa sa buwang ito at kahit hindi niya gustong dumalo ay wala siyang magagawa. Pipilitin at pipilitin siya nito. At alam niya kung bakit. Gusto ng mommy niya na makatagpo siya ng lalaking magugustuhan niyang mapangasawa. Among her mommy's friends. Ang mga anak din ng mga kaibigan nitong taga alta-sosyedad. Kung hindi man ay mga binatang negosyante o kahit pa biyudo basta mag-asawa lang siya.

Twenty-one lang siya kava hindi niya maintindihan kung bakit nagmamadali itong makapag-asawa siya.

"Hindi ka ba magpapakilala sa akin ng boyfriend mo, Allie?" ani Leila de Cordova kaninang umagang pasukin siya nito sa silid. Pretty and slim sa edad na forty-one. "Bakit ba gusto ninyong magka-boyfriend na ako, Mommy?" aniya na nagsasalubong ang magandang kilay. Sinuklay ang makapal at alon-along buhok.

Nahagip ng mga mata niya ang lambong sa mukha ng ina subalit sandali lang iyon. "Dahil nakikita ko ang bitter na attitude mo sa mga lalaki, hija. Napakabata mo pa para makadama ng ganoon. Ni hindi mo pa man lang naranasang umibig pero man-hater ka.

"Hindi ako man-hater, Mommy. Nagkataon lang na hindi ko gusto ang mga lalaking ipinakikilala ninyo sa akin. O di kaya ay ang mga lalaking kakilala ko."

"What's wrong with these guys, darling? Galing sa mabuting pamilya at may mga sinasabi rin naman. At ang mga lalaking ito ay halos hindi malaman kung paano ka papurihan."

"They don't attract me. I find them a bore. Wala nang alam sabihin kundi ang mga success nila sa kanilang field. That they're quite a catch," paismid niyang sinabi na sinabayan ng higa sa brass bed.

"Which is true," sang-ayon ni Leila. "At ayaw mo iyon?"

Inikot ng dalaga ang mga mata at tumingin sa kisame. "I hate to say this, Mommy, pero tingnan ninyo ang sarili ninyo. You never ran out of men in your life. Pero maligaya ba kayo? Pagkatapos ng annulment ninvo ng Daddy, ano na ang nangyari? In fact, I already have lost count sa dami ng lalaking nagdaan sa buhay ninyo."

All-Time Favorite: Apoy Sa Malamig Na PusoWhere stories live. Discover now