CHAPTER 1: "Where it all Begun"

11 0 1
                                    

✦Vera's POV✦

~~June 26, 2023~

-beep...beep...beep-

Kahit saan ako lumingon, ito ang naririnig ko sa paligid ko...

May klase ako ngayon sa baking, pero mamayang hapon pa ang schedule ko...habang naglalakad ako, may nabalitaan akong job hiring ng isang sikat na kompanya sa siyudad namin...dahil sa sobrang "curiosity", pinuntahan ko yun at nagpasa ng resumé ko...

-9am-

" Good morning po, magpapasa po sana ako ng application letter at resumé po. Kanino ko po ba pwedeng ibigay ma'am?" ~tanong ko sa security guard na nakaduty ngayon sa kompanyang iyon...

"Akyat ka nalang sa second floor miss. Yung office nila ay nasa tabi lang ng ATM machine at Pharmacy. Sabihin mo lang na mag-aapply ka. Salamat." ~sagot nito sakin...

Sinunod ko ang bilin sa akin ng security guard...kahit na lagi akong dumaraan sa building na iyon, ngayon ko lang nalaman na ang opisina nila ay yung maliit na pinto sa gilid na ang buong akala ko ay isang bodega lamang...Pag-akyat ko sa second floor, kumatok muna ako sa pinto, tsaka nagsalita...

"Good morning po, magaapply po sana ako sa inyo. Meron pa rin po ba kayong vacancy in case po?" ~tanong ko sa isang babae na nakaupo sa isang maliit na lamesa at punong puno ng hindi ko mawari kung anong mga dokumento ito...

"Ahh, good morning rin. Meron kaming on going na interview ngayon, kung hindi ka nagmamadali, pwede kang umakyat sa 4th floor ng building na ito tsaka mo ipasa ang resumé mo. May iba ka bang lakad ngayon at naka uniform ka pa yata?" ~sagot nito sa akin...

"Ahh ganun po ba? Hindi naman po ako nagmamadali ma'am. Mamaya pa naman pong 1pm ang klase ko, kaya pwede pa po siguro. Saan po ba ang daan ma'am? Pasensya na po, hindi ko po kasi kabisado ang ibang palapag dito😅" ~turan ko...

"Ahh, paglabas mo dito, alam mo yung Mcdo diyan sa kabilang dulo? Sa gilid nun, may hagdan paakyat...dun ka umakyat ng 4 na beses para marating mo ang 4th floor. Pagkatapos nun, may nagiinterview sa hall, pumasok ka lang at sabihin mong gusto mong magapply." ~sagot niya sa akin na may kasamang ngiti...

"Ahh, sige po. Thank you very much po ma'am" ~huli kong sagot bago umalis sa opisina...

Katulad ng paglalarawan ng nakausap ko, sinunod ko ang lahat ng bilin niya sa akin at narating ko agad ang hall kung saan nagaganap ang interview...lumipas ang 3 oras, natapos ko narin ang interview. Mayroong una at pangalawa kong interview...

"Kung okay lang sayo, pwede ka ba naming ilagay dito sa main branch? At kung kinakailangan ay ipunta ka rin sa mga iba pa naming branches sa siyudad?" ~tanong ng naginterview sa akin...

Ang tanging isinagot ko na lamang ay "opo"... pagkatapos ng aking interview ay sinabi ng nag inteview sakin na hintayin ko na lamang ang kanilang tawag para sa orientation ko...~~

(Krystine): So anong nangyari? Natanggap ka ba? (tanong niya habang ngumunguya ng chips)
(Vera): Nung una, akala ko hindi na ako matatanggap dun kasi halos magiisang buwan na silang hindi pa tumatawag sakin...(sad tone)
(Krystine): 😂🤣😂🤣Bhiee ikalma mo! Ehh anong ginawa mo nun?
(Vera): Magpapasa na sana ulit ako ng resumé sa ibang companies that time nang bigla silang nagtext sa akin...

"Ai Shiteimasu Atee"Where stories live. Discover now