(Vera): So ayun na nga Bhiee, si atee Joyjoy ay yung sumunod na naging mas malapit sakin kagaya ni atee ko Aldine...
(Krystine): Mabait rin ba Bhiee?
(Vera): Oo naman Bhiee...ito na nga...Si atee Rhea Joy - slash atee Joyjoy - ang nagturo naman sakin sa pagkakaha sa may bakeshop. Magkaiba kasi yung POS System na ginagamit sa Grocery at sa Bakeshop pero parehong pinapatakbo nung company. Sa Grocery, gumagamit sila ng mga codes habang sa bakeshop naman ay touch screen...oh diba sosyal! Kaya lang mapupurol ang daliri mo dun dahil hard touch yung screen ng PC😂🤣
Nung first month ko dun, on leave pa si atee Joyjoy kaya hindi ko siya nakilala agad. Yung isa naming cashier na si Princess ang una kong nakasalamuha. After maituro sakin yung pagdidisplay, pagbagger sa grocery, pagsusulat ng dedication sa cake, at pagserve ng ulam at kanin sa Foodstop ay lumapit muli ang manager namin na si ma'am Lyn...
(Ma'am Lyn): Faith, dito ka muna kay Princess simula ngayon hanggang sa susunod na araw. Princess, ituro mo kay Faith kung paano gamitin yan (POS System sa bakeshop) simula mamaya. Siya na ang papalit na closing cashier natin dito sa bakeshop.
(Vera): P-po? Ano ulit yun ma'am?
(Ma'am Lyn): Ikaw na ang susunod na cashier dito sa bakeshop kasi kukunin na nila sa second floor si Princess kaya ikaw ang ipapalit ko dito...Wala na akong naisagot pa dahil nabigla ako sa sinabi ng manager ko. Oo baguhan lang ako dito kasi hindi ko pa naranasang magkaha noon pa man...
(Krystine): 😂🤣😂🤣Ginawa ka pala nilang all around ehh😂🤣😂🤣ang taray nmaan ng best friend ko...from sales clerk to support staff to cashier...ano next Bhiee? Manager na ba?😂🤣😂🤣
(Vera): Bagtit! (sabay batok sa kanya) Sa tingin mo may magagawa ako?! Manager yun Bhiee, di ko pwedeng suwayin yun kung hindi report malala tayo dun...bwisit ka talaga kahit kailan (sabay ikot ng mata sa kanya)
(Krystine): Ikalma mo Bhiee😂🤣😂🤣sabi ko nga kasi😅😁o sige, tuloy mo na...Pagkatapos sabihin yun sakin ng manager ko, ang bilin sakin ni Princess ay imemorize ko daw lahat ng presyo ng mga tinitinda naming tinapay.😫😫😫jusko po, sa dinami rami ba naman ng tinapay namin, kailangang kabisaduhin ko yun?! Napalunok nalang ako at nagumpisa na sa dapat kong gawin...
After a week...saktong pagbalik ni atee Joyjoy at pagalis ni Princess...
(Ma'am Lyn): Rhea, turuan mo si Faith kung paano magkaha jan ha. Para bukas, kukuha na siya ng code niya sa taas (cashier code)
(Rhea Joy): Sige po ma'am. (Lumingon siya sakin) Hi! Ako si atee Rhea mo, anong pangalan mo? Ilang taon ka na?
(Vera): Hi po! (nahihiya) Ako po si Vera Faith Santiago, pero Faith po tawag nila sakin dito...21 palang po ako atee...
(Rhea Joy): Ahh so bata ka pa pala. Graduate ka na?
(Vera): Opo, high school po...
(Rhea Joy): Hindi ka nagcollege? Sayang naman, bata ka pa naman...magaral ka, huwag mo akong gagayahin na hindi na nagaral...sayang yung mga taon Faith...
(Vera): Saka nalang po kung nakaipon na po ako, andami ko rin pong iniisip kasi atee, mahirap pagsabayin po...
(Rhea Joy): Ikaw bahala, kelan ka pa pumasok dito?
(Vera): Nung July 17 po yung first day ko atee...
(Rhea Joy): Ahh saktong nagleave ako nun kaya hindi kita naabutan...dito nga, madali lang naman dito kasi...ang problema nga lang kapag dito ka nagkaha, dapat alert ka lagi, and always on focus...kasi isang mali mo lang short ka na agad kasi cash only basis tayo dito...hindi tayo tumatanggap dito ng cards (credit and debit cards), gift certificates, Gcash at checks...kapag mapilit ang mga customer, ipapapunch natin sa grocery...dito naman sa POS, lahat ng XXXX breads ay nakalagay sa sarili niyang group or cluster...pati yung mga cakes natin kaya madali mo lang siya mahahanap...ang importante lang naman dito ay kung kabisado mo na ang presyo, okay lang...much better kung alam mo kung saan siya nakapwesto dito sa computer...kapag wala tayong customer, imemorize mo na kung saan nakapwesto yung bawat klase...
(Vera): Sige po atee...
YOU ARE READING
"Ai Shiteimasu Atee"
Short StoryThis story is a non-fictional story wherein Vera (our main character) shares her own story to her best friend Krystine (high school best friend) on how she met one of the kindest, caring, loving and prettiest atee in her whole life... As the story g...