Chapter 2: "How I met Her"

8 0 0
                                    

FLASHBACK - July 17, 2023☆

~Vera's POV~

Today is my first day sa trabaho at kinakabahan pa ako dahil ito ang first job ko after graduating from senior high school noong school year 2022. Nahihiya pa ako that time kasi wala pa akong kakilala. Kaya nung matapos nila kaming itour around sa building and first floor kung saan nila ako pinuwesto, agad kaming idinistribute ng MIC (Manager-in-charge) sa iba't ibang lugar.

Nilagay ako ng manager ko sa bakeshop ng company. At first nahihiya pa ako, kasi ako yung pinakabata sa amin dun.

(Jessica): So dito ka nilagay ading? Ako si ate Jessica mo, pero pwede mo akong tawaging ate Jess. Siya naman si ate Sally mo (sabay turo sa nagsusulat sa cake) at siya naman si kuya mo Delfin (tinuro yung lalaki na gumagawa ng pandesal)
(Vera): Hello po...(nahihiya kong sagot)
(Jessica): Wala ka naman masyadong gagawin dito. Ang routine lang everyday is mag assist ng customer at magdisplay ng products natin. Anong pangalan mo pala at ilang taon ka na?
(Vera): Vera Faith Santiago po. 21 palang po ako ate...
(Jessica): Ohh! Bata ka pa pala, maganda yan. Ikaw ang susunod sa mga yapak namin dito🤣😂🤣😂

Napatawa ako sa sinabi ni ate Jess😂🤣😂🤣susunod talaga sa yapak?😂🤣😂🤣

Nagenjoy ako sa first day ko that time. Andami na agad nilang naituro sakin. At natutuwa rin sila kasi ambilis ko daw matuto. Tinuruan nila ako kung saan nakalagay yung ganitong tinapay at sinabihan din ako na kapag walang masyadong tao, tumulong din daw kami sa pag bagger sa grocery. Unang araw ay nakakapagod syempre, pero masasanay rin ako paglipas ng ilang araw.

2nd Day - July 18, 2023✦

Today is my second day, 9am ang pasok ko sa trabaho. Dumiretso ulit ako sa bakeshop at may bago ulit akong mga nakilala.

(Jessica): Good morning Faith! Maaga ka yata ngayon ahh? Anong oras ba ang pasok mo?
*Faith ang tawag nila sa akin kasi mas bagay daw sakin yun dahil mukha daw akong mabait😂🤣*
(Vera): Good morning ate Jess! 9am po ang pasok ko pero ayaw ko pong nalelate kasi...nakakahiya naman po ilang araw ko palang po dito tapos late po ako agad? Palipasin ko po muna ng isang buwan bago ako malate😂🤣😂🤣joke lang po ate😁
(Jessica): Ayy loko kang bata ka! Nga pala, nakikita mo yang nakasuot ng green na damit? Siya ang manager natin dito. Kapag magpapaalam ka, sa kanya ka magsasabi. Siya si ma'am Lyn. Huwag kang mahihiyang magsabi sa kanya.
(Vera): Ayy sige po...salamat po...

Lumapit sa amin si ma'am Lyn at kinausap ako...

(Jessica & Vera): Good morning po ma'am!
(Ma'am Lyn): Good morning! Ikaw ba yung bago naming staff dito? tanong nito sa akin.
(Vera): Opo, ako po si Vera Faith Santiago...
(Ma'am Lyn): Ah sige, Faith nalang tawag ko sayo ha? So dahil binigay ka sakin dito, ikaw ang magiging closer ko dito sa bakeshop. Hanggang anong oras ba ang last trip ng sakayan ninyo? Saan ka ba umuuwi iha?
(Vera): 8pm pa naman po ang last trip namin ma'am. Umuuwi po ako sa Celestial Village.
(Ma'am Lyn): Malayo ba yun iha? Baka mamaya hanapin ka ng magulang mo?
(Vera): Medyo malayo po kasi aakyat pa po ako ng bundok bago ko po marating yung boarding namin. Tsaka hindi ko po kasama mga magulang ko po. Lola at Lolo ko lang po kasama ko.
(Ma'am Lyn): Ay pasensya ka na iha...so ayun nga, kapag closer ka uuwi ka ng 7pm. Okay lang ba sayo yun?
(Vera): Okay lang naman po ma'am...
(Ma'am Lyn): Okay sige. Mamaya kasama mo si ate Mae mo tapos tuturuan ka niya kung paano magsara dito. Then bukas, papasok ka na ng 10am. Ang magiging lunch break mo is 2pm tapos uuwi ka ng 7pm. Di bale may kasama ka naman dito, at sa nakikita ko mabilis ka namang matuto kaya walang magiging problema. Sa ngayon, magassist ka muna dito, tapos kapag napipilahan na yung kahera natin, kapag hindi naman busy pwede mo siyang tulungan na magbag. Galingan mo dito ha! Mauna na muna ako at kakausapin ko pa yung mga kasabayan mong pumasok kahapon.
(Vera): Sige po ma'am, salamat po...
(Jessica): Binigyan ka na pala ng schedule ni ma'am. Madali lang naman magsara dito. Itatago mo lang sa ref yung mga cake. Yung hindi naubos na pandesal ibabalik mo lang sa oven. Tapos maghuhugas ka lang ng mga tray, magwawalis tsaka magpapatay ng ilaw. Oh! Sakto, andito na si Mae. Siya ang kasama mong magsasara mamaya ha?
(Vera): Sige po, salamat po ate...

"Ai Shiteimasu Atee"Where stories live. Discover now