CHAPTER 14: "I Missed You" - Part 2

2 0 0
                                    

(Krystine): Eh ayun naman pala, bakit ka pa umiiyak jan?
(Vera): Dahil may nararamdaman ako na hindi ko dapat maramdaman...
(Krystine): Huh? Ano? Teka nga...hindi ko kasi magets beh...anong ibig mo bang sabihin?



















✦FLASHBACK✦

Pagkatapos kong imessage si atee ko Aldine...finally, sumagot rin siya...sabi niya, "...hahaha okay naman ako...still alive and kicking😏😂🤣" hindi na niya pinansin pa yung mga ibang nasabi ko sa kanya, okay lang naman yun sakin, kasi atleast sumagot narin siya...kesa naman yung wala...kaya ang naging sagot ko nalang ay natutuwa ako kasi okay parin yung atee ko...sapat na yun para sakin ngayon...hanggang sa naalala ko nanaman si Glen...

Dahil nanaman dun, hindi ko napigilang umiyak....dahil sa sakit na nararamdaman ko nun...alam kong wala akong ibang mapagsasabihan kasi problema ko ito ngayon...pinasok ko siya, kailangan ako rin ang umayos nito...hindi ko kinausap si Glen ng halos dalawang linggo...pero kahit na ganun, kinakamusta ko parin siya sa mga katrabaho namin secretly...until nakapagdecide ako na kausapin na ulit siya...

September 22, 2024...dumaan ulit ako sa workplace namin, and hinanap ko siya...nung makita na niya ako, I saw something in his eyes...nakita ko na may longing...and at the same time guilt...gusto niya akong yakapin, pero hindi ko siya pinagbigyan...hanggang sa sinabi ko nalang sa kanya na magpaswap day off siya ng Tuesday...tinanong niya ako kung bakit...ang sinabi ko nalang ay magkita kami nun...kailangan naming magusap...kaya pumayag naman siya...after ko siyang kausapin, umiwas na ulit ako...I need to prepare myself sa pwedeng maging kalabasan ng paguusap namin sa Tuesday...


<Fast Forward - September 24, 2024>


Minessage ko si Glen na magkita kami sa Xxxx Park...ang buong akala ko, nandun na siya kasi sabi niya sakin, okay...pero pagdating ko, wala pa siya...pinalagpas ko nalang kasi hindi naman importante yun...ang mahalaga sakin ngayon, maayos namin yung gusot na nangyayari samin...

Umupo kami sa isang café na malapit sa park...dun na kami nagumpisang magusap...

(Vera): Una sa lahat, andito tayo ngayon para ayusin kung ano man yung issue na meron tayo...gusto ko na maging honest ka lang sakin...sabihin mo sakin yung totoo...mahal mo ba talaga ako Glen?
(Glen): Oo mahal na mahal kita bhiee...
(Vera): Pero bakit? (teary eyed) Bakit ka naguguluhan sa nararamdaman mo kung talagang mahal mo ako? Bakit mo ako tinatanggi sa mga kaibigan natin, kahit alam naman nila kung anong meron sating dalawa? Bakit Glen? (start to cry)
(Glen): Kasi natatakot ako...hindi naman kita tinatanggi bhiee, ayoko lang na gawin nilang issue yung magjowa tayo para ilayo ka nila sakin...ayokong mawala ka sakin bhiee...mahal na mahal kita...
(Vera): Bakit ka natatakot? Choice naman natin kung anong pinasok nating relasyon, bakit pa sila mangingialam? Kung tungkol ito sa sitwasyon nila Kuya Christian at Karen, una sa lahat...sa Xxx branch na talaga nilagay ng company si Karen kasi may kapatid siya dito sa main branch...hindi dahil magjowa sila...nandun na sa branch na yun si Karen bago pa maging sila ni Kuya Christian...tsaka bakit ka matatakot na ilayo ako sayo? Marami namang paraan kung gusto talaga nating magkita at magkasama ehh...kaya bakit? Bakit Glen?
(Glen): Kasi natatakot akong iwan mo ako...
(Vera): (scoff)
(Glen): Kasi paano kung...paano kung kunin ka ng parents mo sa abroad? Paano kung hindi ka na bumalik? Paano kung ilipat ako ng company sa ibang branch? Mamimiss kita bhiee...ayokong malayo sayo...mahal na mahal kita...
(Vera): Wala ka bang tiwala sakin? Wala ka bang tiwala na tutupad ako sa promise ko sayo na kung mangyari man yun ay babalik parin ako? Sabihin mo sakin Glen, mahal mo ba talaga ako? Kasi kung oo, hindi mo gagamiting rason yung mga magulang ko para maguluhan ka sa nararamdaman mo...sinabi ko naman sayo diba? Babalik ako...babalikan kita...babalikan ko kayo nila atee...
(Glen): Sorry bhiee kung ganun yung naging dating sayo, pero may tiwala naman ako sayo...natakot lang talaga ako kapag nangyari na yung mga yun...ayokong mawala ka sakin...mahal na mahal kita bhiee...at lagi kitang namimiss bhiee, kung alam mo lang...
(Vera): Talaga? Sigurado ka na namimiss mo ako? Simula nung maaksidente ako, may naramdaman na akong kakaiba...pero hindi ko pinansin...hanggang sa may lumapit sakin na katrabaho natin na lagi ka raw nagiging clingy sa kanya...ano yun? Sasabihin mong namimiss mo ako tapos may nilalapitan ka? And worst Glen, kaibigan ko pa...sabihin mo sakin yung totoo...ganun ba yung namimiss mo ako?
(Glen): Sorry bhiee...alam ko, nagkamali ako...pero tao lang din ako, nagkakamali...sabi mo nga, simula nung maaksidente ka, hinahanap rin kita lagi...hinahanap ko yung presence at attention mo...
(Vera): Pero bakit mo hinanap sa iba? Andito lang ako Glen ohh...oo, hindi ako nakakalabas nun kasi nga nagpapagaling ako...naaksidente ako nun, Glen...tapos malalaman ko na hinahanap mo yung presence at attention ko? Bakit sa kaibigan ko pa? Glen naman ohh...pinagkatiwalaan kita...mahal kita...alam mo yan...pero bakit? Bakit mo ginawa sakin yun?
(Glen): Sorry bhiee...alam ko mali ko yun...pero sana mapatawad mo pa ako...magsimula tayo ulit bhiee...promise ko, hindi ko na uulitin yun...wag mo lang akong sukuan...wag mo lang akong iwan...sorry bhiee...patawad...(teary eyed)
(Vera): Alam kong may mali rin ako kasi wala ako sa tabi mo...pero sana naman, wag mong gamiting rason yung mga magulang ko para maguluhan ka sa nararamdaman mo, kasi ako, simula nung binigay ko na sayo yung sagot ko, sigurado na ako...at kung namimiss mo ako, pwede mo naman akong imessage ehh...hindi man ako makasagot agad kasi nagpapagaling pa ako, at marami rin akong ginagawa at iniisip sa bahay...at ito ang tatandaan mo..."Pinakaayoko sa lahat ay yung nagsisinungaling...kaya kong magpatawad, pero hindi ako madaling makalimot...at kapag nasira yung tiwala ko? Pwede pang maibalik yun, pero hindi na kagaya ng dati at hindi ganun kadali"...minsan lang akong magbigay ng second chances...at binibigay ko lang yun kung deserve niya o hindi...sana lang wag mong sasayangin yun Glen...ginagawa ko ito kasi mahal kita...wala akong tinatago sayo Glen, kaya wala kang dapat pagalinlangan...kung anong sinabi ko, gagawin ko...
(Glen): Naiintindihan ko...salamat...babawi ako sayo...
(Vera): Sige na, okay na yun...basta wag mong sasayangin itong chance na binigay ko sayo...wag ka nang umiyak jan...okay na yun...
(Glen): Iba ka talaga sa mga nakilala kong babae...(sniff) hindi ko sasayangin itong chance na binigay mo sakin bhiee...mahal na mahal kita...

&quot;Ai Shiteimasu Atee&quot;Where stories live. Discover now