Chapter 21

863 18 1
                                    

Mga alas nueve ng gabi, nakarating kami ni Keith sa bahay namin. Pinauna na niyang umuwi si Jane at Joyce, siya naman ay nag-boluntaryong ihatid ako rito sa'min. Ayoko na sana pero nagpilit siya, sinisimulan na nga niyang maging corny dahil girlfriend na raw niya ako. Natatawa nalang ako sakanya dahil do'n.

Tumigil ang kotse sa tapat ng gate namin. Bumaba kami ni Keith at para bang nagkakahiyaan pa kami habang nakayuko kaming pareho. Hindi ko alam kung iimbitahan ko ba siyang pumasok muna o hayaan nalang na umuwi na. Pag pinapasok ko kasi siya sa loob, alam kong iinterogahin lang siya nila Mama at Papa, at mapipilitan akong sabihin sakanila na kami na. Sa ngayon kasi, gusto ko munang itago sa sarili ko. Saka ko nalang sasabihin sakanila. Pero napa-isip ako, tatlong araw nalang at magbabagong taon na. Tatlong araw nalang at kakailanganin ko nang umalis papuntang Canada. Ni hindi ko pa nga nasasabi kila Mama at Papa. Para kasing may pumipigil sa'kin e, may kutob akong nagsasabi na 'wag ko munang sabihin.

Nagulat ako nang yakapin ako ni Keith at hinalikan ako sa noo. Napangiti ako. I find forehead kisses sweet. Para bang pakiramdam ko nilalagyan niya 'ko ng marka, isang palantandaan na sakanya lang ako. Isang marka para masiguradong hangga't nand'yan siya, ligtas ako. Walang mananakit sa'kin na kahit sino.

"Aalis na ako, girlfriend," nakangiti niyang sabi, "You take your rest and have a good night's sleep. I'll text you once I get home."

"Mag-iingat ka."

"Oo naman. Pakakasalan pa kaya kita."

Naramdaman ko ang pag-init ng mukha ko. Kahit kailan talaga, hindi siya pumapalya sa pagpapakilig sa'kin. Kahit noon pa, kahit sa simpleng ngiti lang niya.

Kumaway siya sa'kin bago sumakay sa kotse niya. Sinundan ko pa ito ng tingin nang paandarin niya 'to, tapos ay pumasok na ako sa loob ng gate namin. Pagdating ko sa bahay namin ay nagulat akong malaman na tulog na sila Mama at Papa. Patay na kasi ang mga ilaw. Dahan dahan akong umakyat sa kwarto ko at hinagis ang katawan ko sa kama. Napapangiti ako pag naaalala ko ang nangyari. Ang ganda naman ng pagtatapos ng taon ko. Sumaya ako ng huling beses bago ito matapos, sana lang talaga at maganda rin ang bungad ng bagong taon sa'kin.

Bumalik ako sa reyalidad nang mag-ring ang phone ko. Agad akong napaayos ng upo para tignan kung sino ito, nagbabaka sakali akong si Keith na 'yon pero kakaalis lang niya. Imposibleng nakarating agad siya sa bahay nila.

Nagulat ako nang makita ang pangalan niya sa screen. Ilang araw na 'kong walang naririnig sakanya simula nung huli naming pag-uusap. Ano nanaman kayang kailangan niya?

"Pwede ba tayong magkita ngayon? May kailangan akong sabihin sa'yo."

--

Nasa coffee shop ako ngayon malapit sa likod ng eskwelahan. Yakap ko ang sarili ko habang naka-jacket dahil malamig talaga ang panahon ngayon, habang iniinom ko ang kapeng inorder ko kani-kanina lang. Napatingin ako sa orasan ng shop, sampung minuto nanaman siyang late sa napag-usapang oras. Pero sa puntong 'to, wala akong balak umalis. Aantayin ko siya dahil pakiramdam ko ay mas importante ang sasabihin niya ngayon.

Napatingin ako sa salamin ng shop na nagsisilbing pader nito, nakita ko ang isang kotseng puti na pumarada sa tapat ng shop. Nakita ko siyang bumaba at pumasok dito sa loob. Nang makita niya ako ay agad siyang dunaretso sa'kin at naupo sa harap ko.

A Bestfriend's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon