Chapter 13

957 17 0
                                    

Nang makarating kami sa Canada, tinawagan agad ni Jane si Tito Jeff para masundo kami sa airport. Tuwang tuwa siyang makita kami at paulit ulit na sinasabing dalaga na raw kami at na ang gaganda namin. Mas masaya siyang makita si Jane dahil huli niya itong nakita nung isang taon pa, nung pumunta rin dito si Jane last Christmas. Madalas skype o facetime nalang sila nagkikita at nagkakausap.

Pagdating namin sa bahay nila, saglit lang kaming nagpahinga ni Jane dahil pinag-ayos ulit kami ni Tita Mary, magpi-picnic daw kami sa park, hindi kalayuan dito sa bahay nila. Nando'n din daw ang iba nilang kamag-anak. Na-excite kami ni Jane dahil ngayon nalang ulit namin makikita ang iba niyang pinsan na mga naging kaibigan ko na rin bago pa sila nag-migrate rito sa Canada. Kaya hindi ako nahihiyang sumama rito e, hindi ko kasi pakiramdam na naiiba ako sakanila. Ang bait ni Tita Sheena at Tito Jeff, they always make me feel like I'm part of their family.

Pinauna akong maligo ni Jane dahil gusto niya pa raw mahiga at ipahinga ang ulo niya, medyo nahihilo pa ata siya dahil sa byahe. Okay na ring mauna ako dahil medyo mabagal akong kumilos. Pagtapos kong maligo ay si Jane naman ang pumasok ng CR.

I wore a yellow dress and black cardigan over it, paired with yellow flats. December na kasi kaya kahit na maaraw, ramdam pa rin ang malamig na simoy ng panahon dito. Sabi rin ni Tita Sheena, mukhang malapit na raw mag-snow dahil buwan daw talaga ng December nagsisimulang mag-snow dito sa Vancouver.

Nang matapos kaming mag-ayos ni Jane, saka kami bumaba.

"You girls look beautiful." naka-ngiting sabi ni Tita Sheena nang makababa kami.

"You girls can help with the picnic baskets," suhestiyon naman ni Tito Jeff, "Help me bring the baskets inside the car. And Jane, don't forget to get those blankets."

"Yes, 'Pa."

Kinuha ni Jane ang mga blanket, siguro ay ipanglalatag sa damuhan. Binuhat namin ang dalawang picnic baskets at saka ito nilagay sa likod ng kotse. Hula ko ay marami ang pupunta sa picnic dahil tatlong baskets ang dala namin, panigurado pang may dala ring picnic baskets ang mga pinsan ni Jane.

Nang maiayos na ang lahat ng dadalin, sumakay na kami ni Jane. Si Tito Jeff ang nag-drive, sa tabi naman niya ay do'n naka-upo si Tita Sheena.

--

Nang makarating kami sa park, nauna na pala do'n ang ibang kamag-anak nila Jane. Natanaw ko na rin ang pinsan niyang si Adrian at ang kapatid nitong si Paul, mga ka-edad lang namin. Close 'yang magkapatid na 'yan dahil madalas namin silang makasama noong nasa Pilipinas pa sila. Pero nung naghiwalay ang magulang nila, nag-migrate sila rito sa Canada at nakapangasawa ulit ang Mama nila, si Tita Jenny, ng Amerikano, si Tito Bobby. Kaya may nakababata silang kapatid na babae na si Mia, 8 years old.

Nang makalapit kami sa pwesto nila, sinalubong agad ako ni Adrian at Paul. Nagkamustahan kaming apat nila Jane. Sunod na sumalubong sa'min ay si Tita Jenny na agad naman kaming niyakap.

"Ang gagandang dalaga nyo!" tuwang tuwang sabi ni Tita Jenny, "Baka naman may mga boyfriend na kayo sa Pilipinas ha."

"Oy oy, hindi pwede," agad na reakto ni Tito Jeff, "Mga babies pa namin 'yang dalawang 'yan."

"Ay sus. Hayaan mo nang mag-boyfriend, malalaki na sila. Oh ito, Shaina, single 'tong si Paul."

Hinila ni Tita Jenny ang anak na si Paul saka sinimulang itukso sa'kin, gumaya naman na ang iba. Nagkakatawanan nalang kami dahil sabi sabi rin noon na crush daw ako ni Paul nung mga bata pa kami, pero matagal na 'yon. Isa siya sa mga matatalik kong kaibigan, pareho sila ni Adrian.

Nilatag na namin ang blankets na dala namin sa damuhan, katabi ng blanket nila Tita Jenny. Nilabas na rin namin ang mga pagkaing laman ng picnic baskets at itinabi rin 'yon sa mga dala nila. Nakakatuwa dahil parang hindi kami nagpipicnic sa dami ng pagkain. Para lang kaming nag lunch out, minus the tables and chairs. May clubhouse sandwich, cordon bleu, spring rolls at fried chicken. Meron ding mga filipino foods na niluto ni Tita Jenny at Tito Jeff tulad ng adobo at pinakbet. Meron ding brownies at sylvanas for dessert. At apat na bote na Coke bilang panulak.

We all started to dig in. Kwentuhan dito, kwentuhan doon. May sariling kwentuhan ang mga matatanda at may sarili kaming kwentuhang mga bata. Kasama rin kasi si Mia kaya medyo nakakatuwang may cute na bulinggit. Si Tito Bobby naman ay may trabaho kaya hindi nakasama.

"It's windy today. I want to fly a kite." sabi ni Mia.

"But... but... you don't have ano... uhm..." kinamot ni Adrian ang ulo niya at lumingon sa kapatid, "Tangina! Ikaw nga makipag-usap dito, Paul. Utak dudugo sa'kin dito e, hindi ilong!"

Natatawang umiling si Paul at lumapit kay Mia, "We don't have your kite right now, Mia. We left it at home. We'll fly your kite next time. Okay?"

Tumango naman si Mia, "Okay."

"Hirap na hirap akong kausapin 'yang batang 'yan. Si Paul lang nagtyatyagang mag Ingles nang mag Ingles d'yan sa bahay."

Parehong kalog at pasaway ang magkapatid, pero mas malala si Adrian. Si Paul kasi medyo mahiyain pa at alam niya ang limitasyon ng kulit niya. Si Adrian madalas puro biro. Kaya masaya silang kasamang dalawa.

Napalingon naman ako kay Jane nang maramdaman kong nag vibrate ang phone niya. Tinignan niya 'yon at napatingin sa'kin. Para bang nag-aalinlangan siyang sagutin o sabihin sa'kin kung sino.

"I'll just go get some more drinks from the car." paalam ni Tito Jeff.

"Ako na, 'Pa," agad na boluntaryo ni Jane at saka tumayo, "May ano. May naiwan din pala ako sa kotse."

Sinundan ko lang ng tingin si Jane nang makalayo siya. Bakit parang may mali sa kinikilos niya?

--

Ilang minuto na ata ang nakalipas at hindi pa rin bumabalik si Jane. Maski si Tito Jeff ay nagtataka na sa sobrang tagal niya kaya nag-boluntaryo na akong ako na ang susunod sakanya sa kotse. Gusto ko rin kasing malaman kung bakit may iba sa kinikilos niya.

Nang makarating ako sa kotse, hindi ko siya nakita doon. Kinailangan ko pang ilibot ang mata ko sa paligid para mahanap ko si Jane at nakita ko sya sa 'di kalayuan. Nakatayo sa tabi ng puno, nakatalikod at mukhang may kausap sa phone. Nang umikot siya at nakita ako, nanlaki ang mata niya at saka ibinaba ang tawag.

"Shaina, kanina ka pa d'yan?"

"Hindi naman. Ang tagal mo kasi, pinasundo ka na ni Tito," sagot ko naman, "Sino 'yung kausap mo?"

Tinignan lang niya ako at hindi sinagoy ang tanong ko. Nilagpasan niya ako at dumaretso sa likod ng kotse para kunin ang mga bote ng Coke.

"Shaina, tara. Help me with these."

She started to walk away. Napakunot noo nalang ako habang sinusundan siya ng tingin. Siguro akong may hindi siya sinasabi sa'kin.

__

AN: Tutumal ho muna ang updates natin sa kadahilanang tapos na ang sembreak ko at balik eskwela na ako. Huhubels. Pero ita-try ko pa rin namang gawing mabilis ang update hangga't kaya ko. Ok? Ok. Thank you.

A Bestfriend's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon