Chapter 19

835 15 3
                                    

"Will you be okay?"

Napalingon ako kay Jane at hindi ako nakasagot. Nakabalik na kami ng Pilipinas, nakatayo kami ngayon sa harap ng gate ng bahay namin. Ilang minuto nalang at makikita ko na ulit sila Mama at Papa. Hindi ba dapat masaya ako? Pero bakit pakiramdam ko ang lungkot ko?

Naramdaman kong umakbay sa'kin si Jane.

"You'll be okay, right?"

Tumango ako, "I'll try."

"Tawagan mo ako agad pag nasabi mo na sakanila ha?"

Tumango akong muli. Sumakay na si Jane sa kotse niya at pinaandar na ito. Sinundan ko lang ito ng tingin. Galing kasi kami sa apartment niya, kinuha ko 'yung mga bag kong iniwan ko do'n bago niya ako hinatid dito sa'min.

Napahinga ako ng malalim bago ako naglakas ng loob na pindutin ang doorbell ng bahay namin. Pagka-pindot ko ay naramdaman ko ang pagbigat ng dibdib ko. Hindi naman ako kinakabahan dahil masyadong napaaga ang uwi ko, kinakabahan ako dahil sasabihin ko na kay Mama ang desisyon ko. Kinakabahan ako sa kung anong posibleng maging reaksyon niya sa gusto kong mangyari.

Pag bukas ng pinto ay agad na bumungad sa'kin si Mama. Nagulat siyang makita ako at agad akong niyakap ng sobrang higpit, yakap na bayad sa halos tatlong linggong wala ako rito sa'min.

"Anak! Napaaga ata ang uwi mo?"

"Hindi ko na matiis, 'Ma. Namiss ko na kayo," pilit kong ngiti, "Ah, 'ma, si Papa pala nasa'n?"

"Ay, pumunta kila Tito Ryan mo. Sayang at hindi mo naabutan. Kaalis lang, nakasama ka sana para malaman nilang nakabalik ka na."

Hindi naman ako nagsalita pa. Tinignan ko na lamang si Mama dahil sa sinabi niya. Alam naman niya ang dahilan ng pag-alis ko papuntang Canada, alam naman niyang may iniiwasan akong tao. Hindi porket bumalik na ako rito ay iniwan ko na lahat sa Canada ang kinaiinis, kinagagalit at ikinatatampo ko. Aaminin ko, nabigyan ako ng pag-asa nang magtext si Jasper at batiin ako ng Merry Christmas. Parang gusto ko agad sumakay sa eroplano no'n at umuwi para makausap ko na siyang uli, pero nang bantaan ako ni Allison, nagbago ang isip ko.

Hindi ako pumayag sa kagustuhan niya dahil takot ako sakanya, hindi 'yon. Pumayag ako dahil gusto ko na ring matapos 'to. Ilang beses ko nang binalak na tumigil na pero laging nauudlot, ngayon desidido na ako. Sigurado na ako. Pumayag ako kasi suko na ako. At kung kinakailangang lumayo ako para tuluyan ko na siyang maibaon sa limot, gagawin ko.

"S-sige, anak, pumasok na tayo."

Tinulungan ako ni Mama na buhatin ang isang bag na dala ko tapos ay pumasok na kami sa loob. Pagpasok namin sa bahay, dumaretso ako agad sa kwarto. Pinipilit pa nga ako ni Mama na kumain muna pero idinahilan ko nalang na pagod ako sa byahe namin ni Jane mula Canada at gusto ko nalang muna magpahinga, mabuti nalang at naniwala siya. Hindi naman talaga ako pagod dahil nung isang araw pa naman ako nakauwi galing Canada at nakapagpahinga pa naman ako kila Jane nung nanggaling kami sa probinsya, bago niya ako hinatid dito.

Umakyat ako sa kwarto. Hindi para magpahinga, kundi para makapag-isip isip. Tama ba 'tong gagawin ko? Kasi pag nasabi ko na kay Mama at pumayag siya, wala nang atrasan 'yon. Ayokong pagsisihan ko sa huli ang magiging desisyon ko.

A Bestfriend's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon