Chapter 1

2.7K 45 10
                                    

Nagising ako dahil sa silaw ng araw na tumatagos sa kortina ng bintana ko. Pinilit kong idilat ang mga mata ko kahit inaantok pa 'ko pero hindi ko na pwede pang ituloy 'tong tulog ko dahil nang mapatingin ako sa orasan, tanghali na. Mabuti nalang at mamaya pang hapon ang pasok ko.

Pinilit kong buhatin ang sarili ko patayo sa kama. Nag-unat ako't napa-hikab pa. Kinuha ko ang towel ko at dumaretso na sa baba. Pagdating ko sa living room, walang tao pero bukas ang TV. Nakarinig ako ng ingay mula sa kusina, parang may nagluluto. At do'n ko nakita ang bestfriend kong si Jane na tinutulungang magluto si Mama.

Napa-rolyo ang mata ko. Bakit nandito nanaman ang babaitang 'to?

"Ano nanamang ginagawa mo rito?"

"Wow ha. Good morning din, 'te!" sarkastikong sabi ni Jane at natawa naman si Mama, "Boring sa bahay. Wala 'kong kasama, umalis si Joyce."

"Sino nanamang kasama? Bagong boyfriend nanaman niya?"

"Gaga ka. Kapatid niya kasama niya."

"So pinsan mo rin?"

"Gano'n na nga."

Si Jane, hindi 'yan mapirmi sa bahay nila. Aakalain mong dito siya nakatira sa'min dahil mas madalas pa siya rito. Palibhasa ang magulang niya, si Tita Sheena and Tito Jeff, nasa ibang bansa. Doon nagtatrabaho. Ang kasama lang ni Jane sa bahay nila ay ang pinsan niyang si Joyce, pero dahil isa pa 'yong hindi mapirmi sa bahay, madalas ding wala kaya ako ang madalas pestehin ni Jane.

Mabuti nalang talaga at sobrang part of the family na 'to si Jane. She's my bestfriend ever since first year highschool hanggang ngayong third year college na kami. Pare-pareho kami ng eskwelahan na pinapasukan nila Joyce ngayon, pero kami ni Jane parehong IT ang kursong kinukuha. Si Joyce naman ay Psychology.

"Si Papa nasa'n?"

"Alam mo namang may pasok din 'yon kahit Sabado." sagot ni Mama pero daretso ang tingin sa sibuyas na hinihiwa.

"Malapit na ba 'yang maluto?"

"Jusko, Shaina Mae! Napakarami mong tanong. Maligo ka na nga kung maliligo ka." naiinis na sabi ni Mama.

"Parang nagtatanong lang. Che."

Tumalikod na ako sakanila at nagtungo na sa CR para maligo. Tanghali na pero hindi pa rin nakakaluto, dapat ganitong oras kumakain na kami e. Panigurado 'to si Mama, late rin 'to ng gising.

Sana naman pagtapos kong maligo, tapos na rin 'yung niluluto.

--

Pagtapos kong magbihis, agad akong dumaretso sa baba. Naririnig ko na kasi ang tunog ng kobyertos na tumatama sa pinggan. Ibig sabihin naghahanda na si Mama, ibig sabihin tapos na siyang magluto at makakakain na 'ko.

"Ang bilis mo talaga pagdating sa pagkain."

Napatigil ako sa paglalakad papuntang dining area nang marinig ko ang pamilyar na boses na 'yon mula sa likod ko.

Pag lingon ko ay nakita ko si Jasper na nakatayo sa pintuan ng bahay namin. Naka-ngiti pa ang loko.

A Bestfriend's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon