0.8

203 9 0
                                    

My Possessive Professor

Nasa kwarto kaming dalawa ngayon ni Rhianne nag o-open up lang ako sa kaniya sa tunay na nararamdaman
ko. Gusto ko rin kasi ng kasama
ngayon di ko alam kung anong nangyayari sa sarili ko

"So Sydney anong bang nangyayari sa'yo? May sakit ka ba? " Tanong niya sa akin

Nag dadalawang isip ako na sagutin ang mga tanong niya dahil di ko rin kasi alam kung ano ang nangyayari sa
akin wala akong alam kung anong nangyayari sa katawan ko

"Physically okay pa naman ako, pero mentally I don't know" Sagot ko sa kaniya

Lumapit si Rhianne sa akin at tinitingnan ang buong mukha ko. Kumunot nalang ang noo ko

"Rhianne, ano bang ginagawa mo? " Tanong ko sa kaniya

"Hmm"

Sa nakikita ko parang totoo talagang nag iisip siya

"Physically okay ka naman, Sydney pero parang may mali talaga sa'yo eh" Seryosong sabi niya sa akin

Nakakapagtaka dahil mukhang seryosong seryoso talaga siya. Totoo ba may mali sa akin?

"Rhianne, may mali ba talaga sa akin"

"Hmm, physically stable ka naman. Pero mentally I don't know"

"Bakit? "

Nagtatakang tanong ko umaatake ang panic ko ngayon parang okay ako sa labas pero sa loob hindi. Yung tipong gusto mong matulog at ayaw nang magising

"Well, Sydney wag ka mag panic normal naman na ata yan kasi sa nakikita ko sayo parang okay ka naman na sa public places pati nga sa amin ni Xyna okay ka pero don't worry. Kikitain natin ang psychiatrist mo ngayong sabado. Kikitain natin si Doc. Gabe" Pinipikpik ni Rhianne ang balikat ko

"Mama" Bulong ko

Naalala ko naman kung paano silang dalawa pinatay ng walang awang killer kung paano ko nakita na sinasaksak sila at binaril. Cruel! They're all cruel!

Hindi, hindi, hindi

"Sydney? Sydney? Nakikinig ka ba? Blackout kana naman" Nag aalalang sabi ni Rhianne

Naramdaman ko nalang na yumakap si Rhianne sa akin pero hindi parin ako makagalaw sa pwesto ko at di ko alam kung bakit

Kahit papano ay napagaan naman na ang loob ko dahil kay Rhianne pero nararamdaman kong basa ang aking mukha. Teka umiiyak ba ako

"Wag kang mag aalala Sydney andito lang ako" Hinihimas himas ni Rhianne ang likod ko

Pero hindi parin talaga mawala ang pangamba ko. What if ako na yung isusunod?

Okay lang sa gayon naman makasama ko na sila. Wala nang sakit

Ang aga ko para mamatay pero ang sakit para mabuhay

"Rhianne"

Kumawala si Rhianne sa akin at hinawakan ang pisngi ko

"Okay kana, shhh wag kanang umiyak okay? Andito lang ako" Marahang sambit niya

Napayakap ako bigla sa kaniya gusto kong maramdaman ang kapatid kong na nandito dinadamayan ako

My Possessive Professor [GxG]Where stories live. Discover now