0.9

193 3 8
                                    

My Possessive Professor

Napatingin ako sa paligid ng room kung saan kasama ko ang psychiatrist ko at si Rhianne

"So Sydney, how are you? Nagiging okay ka naba or gano'n parin? " Tanong ni Doc Gabe sa akin

Hindi ko alam kung anong isasagot ko kaya nanatili akong nakatulala

"Hm? Is there something wrong? My dear Sydney? " Sabi ni Doc

Hindi, hindi ko alam

"Doc, okay naman siya pero paminsan talaga may nangyayari na....ewan parang lutang siya pag kinakausap kagaya nalang ngayon. Pero nakikipagkaibigan naman na po siya sa iba, may mga times lang talaga na hindi ko maintindihan ang mga galaw niya. Ano po bang nangyayari sa kaniya? " Sagot ni Rhianne kay doc habang kumakamot sa ulo niya

Kahit ako naguguluhan rin kung anong nangyayari sa akin

"Hm.. I see, si Sydney ba nagiging hyper paminsan? " Tanong ni Doc. Gabe

"May mga times po na hyper siya pero may mga times din na natutulala nalang siya bigla at hayyyy" Explain ni Rhianne kay doc

"And? "

"Nahihimatay nalang siya bigla" Bugtong hiningang sambit ni Rhianne

Tiningnan ko siya at nakita ko sa mga mata niya may namumuong mga luha

Napatingin ako bigla sa orasan

"Based on my observations she has a depression parang hindi pa talaga siya fully heald and for me pwede siyang mahulog sa ADHD Attention-deficit/hyperactivity disorder "

"Doc, is it curable? "

"Don't worry based on my observations lang naman yan ngayon and depression is curable. Basta ipakita mo lang sa kaniya na kumportable siya, sa ngayon we need to take our time for Sydney to heal" Doc Gabe explained

Depression? ADHD? So may problema nga sa akin? So ako nga ang problema? So kasalanan ko nga?

"Pero yung nahihimatay siya doc? Ano bang dahilan nun? "

"Actually hmm, palagi ba siyang nahihimatay? " Tanong ni Doc. Gabe kay Rhianne

But it's weird kasi pakiramdam ko lang natulog lang ako pero nahimatay na pala ako. Di nga ako aware kung anong nangyari tas nahihimatay ako bigla

"Frequently, everytime na mapapagod siya ay bigla siyang nahihimatay"

"She needs to take a medical next month, but for now bibigyan ko muna siya ng medicine para sa depression niya" Sabi ni doc. Gabe

"I understand" Rhianne agreed

Tumingin si doc. Gabe sa akin

"Sydney, dear drink your medicine okay? Kasi mag me-medical ka next month" Doc. Gabe smiled at me and gave me a lolipop

"Doc, may lolipop ka pa po ba? Baka nakakalimutan mong ako ang sumasagot sa mga tanong mo" Rhianne smiled at Doc. Gabe

Jusq babaeng to talaga

"Ah eto Rhianne oh, nahiya naman ako sayo" Natatawang sambit ni Doc. Gabe

Jusq naman talaga to

"Rhianne, keep an eye on Sydney okay? " Doc Gabe smiled at us "And Sydney get well, dear okay? You're doing a good job naman na kasi may mga friends kana" Dagdag pa niya

"Opo, doc Gabe. I'll keep an eye on Sydney" Rhianne smiled back to her

"Tara Sydney magpahangin muna tayo"
Marahang sabi ni Rhianne

I nodded and inakbayan niya na ako

"Kapal ng mukha mo kanina ah"

"Bakit ba ano nanaman bang ginawa
ko? "

"Humingi ka pa ng lollipop kay doc ah"

"Malamang ako yung sumasagot tapos wala akong lollipop ay hindi naman pwede yun. "

I laughed at her

"Bakit may nakakatawa ba? " Mariing tanong niya

"Bakit sinabi ko ba na may nakakatawa?"

We laughed very hard

Nagpatuloy na kami sa paglalakad

Hayst

I feel safe, oh my one and only bestfriend

****

Pumunta kami sa Casino ni uncle Bert para magsabi sa kaniya sa lahat ng nangyari. Inaabangan niya rin kasi kung ano ang resulta sa mental health ko kung okay pa ba or hindi na

"So kumusta naman yung mga inaanak ko? " Tanong ni uncle sa amin

Nagdadalawang isip pa ako na sagutin yun pero naunahan na ako ni Rhianne

"Ako okay lang naman po, ewan ko sa isa dyan" She rolled her eyes at me

Napatingin nalang din ako sa kaniya at kumunot noo

"Sydney, nak okay ka lang ba? Anong gusto mong ulam lulutuan ka namin" Hinihimas himas ni uncle Bert ang likod ko

"Okay lang po" I slightly smiled

"Tito Bert, anong gusto niyang ulam? Baka naman sinong gusto niyang ulam?" Rhianne smirked

"Rhianne! " Saway ko sa kaniya

Kinabahan ako bigla sa sinabi ni Rhianne

"Ayy, meron na ba Sydney? "

Bwesit na Rhianne to mamaya ka sakin

"Wala pa po"

"Yung totoo Sydney! Yung totoo"

Nang-aasar nanaman siya sa akin

"Wala nga"

Tumayo ako sa kinauupuan ko at hinabol siya. Nang nahuli ko siya ay kiniliti ko siya

"Inaasar mo pa ako ha, eto ka ngayon"

"Aray, awat na"

Natatawa nalang si uncle Bert sa angking kabaliwan naming dalawa ni Rhianne

"Okay madali naman akong kausap eh"

Tinigilan ko na siya

At bumalik na sa kinauupuan ko

"Tito Bert alam mo ba si Sydney"

Ayan nanaman siya. Di pa talaga titigil eh

"Rhianne naman"

My Possessive Professor [GxG]Where stories live. Discover now