0.11

190 3 0
                                    

My Possessive Professor

Nasa loob na kami ng science club at pinaupo na kami sa mesa. Sa isang mesa may limang upuan kaya tabi tabi nalang kami.

"Walang aalis sa kina-uupuan niyo
until 4 PM walang makakalabas o makakapasok sa room na to" Aniya sabay kuha sa padlock

Teka totoo ba to?

Ilo-lock kami dito sa room

Awit naman oh

Lumabas na si prof Abvelino sabay lock sa amin sa science club

"Hays, awit tayo pa ang nasa detention while yung lalaki kanina hinayaan lang" Sabi ni Rhianne

"Hustisya naman oh" Ani naman ni Lorraine

May pagkahalintulad din pala si Lorraine at Rhianne kaya pala bagay sila kasi parehong may topak

"Palipasin muna natin ang oras" Marahang sabi ni Xyna

Habang tinitignan ko ang kapaligiran ang umaatake nanaman ang social anxiety ko

"Ah sh*t" Napahawak ako sa ulo ko

"Okay ka lang, Syd? " Ani ni Rhianne sa akin

Nakikita ko ang pag aalala ni Rhianne

"Hindi, hindi, hindi, hindi, hindi, please umalis ka sa ulo ko" Tumayo ako sa kina-uupuan ko at nagtungo sa bintana

Hindi, what's stopping me?

Bakit?

Namumuo ang mga luha sa aking mga mata

"Sydney? " Marahang sabi ni Xyna

Hindi ko siya nilingon at hinawakan ko lamang ang dibdib ko. Hinahabol ko ang aking paghinga

"Sydney, okay lang yan andito ako
okay? " Mahinahong sabi ni Xyna sa akin

Napatulala nanaman ako sa kawalan napaisip. Pinipilit sagutan ang mga bakit nang bigla kong naramdaman na may yumakap sa akin

"Xyna" My voice broke

"Okay lang, Sydney ilabas mo lang ang sakit na nararamdaman mo andito lang ako" Huminga siya ng malalim

Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako papunta sa couch ng room. Marahan niyang hinihilot ang kamay ko habang ako'y umiiyak. Humiga ako sa balikat niya at marahan niyang tinapik ang ulo ko

"It's okay Sydney nandito lang ako
okay? "

She gently playing my hair

How I wish ganito nalang palagi. Sana tumigil ang mundo saglit. Pinikit ko ang mga mata ko at umidlip

For me we're the only person in this room

She gently place her head into mine habang hinihilot yung kamay ko

Xyna, you're calming me down

****

Ginising ako ni Xyna

"Sydney? It's 4:14 PM na po" She gently wake me up

My Possessive Professor [GxG]Where stories live. Discover now