0.10

178 3 0
                                    

Patuloy parin talaga akong inaasar ni Rhianne

"Uncle Bert oh" Sumbong ko

Pero patuloy parin talaga si Rhianne sa pang aasar sa akin. Tumawa pa talaga ng malakas ang gaga

"Yung totoo Sydney, tayo lang naman yung andito eh"

"Ano yung totoo Sydney my sweet? "

Huminga ako ng malalim at dapat ko ngang sabihin sa kanila para din alam ko ang dapat kong gawin

"Tito Bert, kasi-"

"Nakipag-chukchakan siya sa propesor namin"

Inunahan na ako ni Rhianne bago ko sabihin

"Ay, Sydney? Totoo ba? " Tanong ni uncle

"Hindi ko po sinasadya sorry po" Tinakpan ko ang buong mukha ko dahil nahihiya ako

"Nak, buhay mo naman yan pero talaga ba? "

"Di ko po alam kung ano pong pumasok sa isip ko uncle. Sorry po talaga" I apologized

Lalo akong naguguilty sa pangyayaring yun

"Tsaka uncle alam mo ba yung propesorang yun ay pinaglihi sa sama ng loob" Kwento ni Rhianne

"Rhianne! " Saway ko sa kaniya

Well totoo namang pinaglihi sa sama ng loob ang propesorang yun. Kinuha ni uncle Bert ang kamay ko at nagsalita

"Sydney, okay lang naman sa akin ang ganun pero kasi, sigurado ka naba
dun? " Kumunot ang noo ni uncle

Di ako nakasagot sa tanong niyang iyon walang sagot sa mga bakit na iyon

"Tito Bert ano bang dapat kong gawin? Eh parang pinaglihi talaga sa sama ng loob yung babaeng yun" Kumunot ang noo ko

Ewan ko kung ano ba'ng nararamdaman ko

"Iwasan mo yun. Si Xyna nalang kasi, green flag pa si Xyna may hahanapin kapa ba? " Sagot naman ni Rhianne

Bigla kong pinektusan si Rhianne

"Aray"

"Manahimik ka di kita tinatanong"

Bumalik ang atensyon ko kay uncle Bert

"Nak, kung mahal mo talaga or gusto mo ang isang tao mapa babae man yan o lalaki ipaglalaban mo talaga. Wala namang mali sa pagmamahal atsaka malaki ka naman na. Sundin mo ang nararamdaman ng puso mo" Sabi ni uncle

Wait, di ko ma-intindihan

Mahal?

Mahal ko ba siya?

Di ako sigurado

"Pero tito hindi naman kasi kami-"

"Pero may nararamdaman kana? Kasi kung wala kang nararamdaman imposible naman na ginusto mo yung nangyari sa inyo nang walang dahilan diba" Sagot ni uncle

He's right

Hindi ko gugustohin ang nangyari kung wala akong naramdaman kay professor Abvelino

Huh?

Ewan ko ba

Naguguluhan na rin ako




****

"Rhianne"

Tawag ko kay Rhianne

"Sydney, iwasan muna natin si professor Abvelino. Di siya nakakabuti sa mental health mo nanggigigil ako sa kaniya eh" Seryosong sabi ni Rhianne

My Possessive Professor [GxG]Where stories live. Discover now