Chapter 21

543 13 2
                                    

"Hinihiling ng mga bata na bumisita ka sa nayon sa darating na Linggo, Andi. May plinano akong kaunting salo-salo sa araw na iyon para sa kaarawan nina Maya at Anya."

"At para rin sa kaarawan niya, Andi. Sabay ang birthday nila ng kambal," dagdag ni Mack sa naunang sinabi ni Paulo.

Napaisip ako habang nakatingin sa kanila at sunod ay sa mukha ng mga bata na umaasa sa magiging sagot ko. Wala namang problema kung dadalo ako at gusto ko rin naman talaga. Well actually... there could be a problem. Kung susundin ko ang napagkasunduan namin ni Czar, sa Linggo rin dapat ang araw ng pag-alis ko sa isla.

"Para na ring pagsalubong iyon sa pagbisita mo rito sa isla. Saka para sa kaarawan mo kahit huli na. Pasensiya ka na at hindi ka namin naipaghanda pagdating mo rito."

"No, it's okay. You didn't have to do it for me. I would love to come and celebrate with you but... I am supposed to leave on Sunday," I voiced my concerns.

Maagap ang pagtango ni Paulo. Si Mack naman ay napatango na lang din at nilingon ang mga bata na mukhang naintindihan din ang sinabi ko. I felt bad when their expecting smiles dropped.

"Ganoon ba?" mahinang wika ni Paulo at saglit na napaisip. He was quick to think of a solution to that though. "Pwedeng... sa Sabado na lang ang salo-salo. So, you can still come, and you don't have to compromise your leave if you really needed to."

Sumang-ayon doon si Mack habang ako naman ay napailing. Ayokong magpa-importante. A lot of people would adjust for me and give me favors back in the city. Ayokong pati rito sa isla ay ganoon pa rin.

I liked living a simple life here. There weren't too many privileges and no luxuries. I felt free here and over the past few days, it felt like I was living a different life and learned more about myself through the course of it albeit short. I didn't want it to change.

"Kaarawan iyon nina Maya at Anya. It is your birthday too. Don't adjust it for me," I stated firmly.

"Ate Andi, bibili po si Lolo Nestor ng cake namin. Bibigyan ka po namin kasi wala ka pong cake no'ng birthday mo, eh," sabat ng maliit na boses ni Maya.

Tumango-tango naman si Anya. "Sabay po tayong mag-blow ng candles! At mag-wish! Sabi ni Tito Paulo marami siyang wish na natupad dito sa isla kaya kayo rin po."

Namilog ang mata ni Maya sa ideyang iyon ng kakambal. The little boys gathered around them and they started discussing about their wishes and all those innocent beliefs. Nakalimutan na nila ang hinihiling sa akin.

Only two pair of eyes remained looking at me. Mack was more curious about my answer while Paulo seemed expecting although he was just keeping it down. Pero ano man ang magiging desisyon ko, alam kong maiintindihan nilang dalawa at tutulungan nila akong ipaliwanag sa mga bata.

"Pwede rin namang mag-set tayo ng salo-salo na para talaga sa 'yo, Andi. Iyong sakto bago ang araw ng pag-alis mo. Para kahit hindi ka makadalo sa kaarawan ng mga 'to ay may unforgettable memory ka pa rin bago ka umalis sa isla," suhestiyon ni Mack.

"Hindi na," sabi ko at marahang umiling.

They still managed to smile at that. Si Paulo ay tumango sa akin at binalingan ang mga bata, handa nang magpaliwanag. I also looked at the children who turned to us adults again. Siguro ay nakuha ng pagtanggi ko ang atensiyon nila.

"Dadalo ako sa salo-salo sa nayon kaya hindi na kailangang maghanda ng isa para sa akin," dagdag ko sa naunang sinabi. "I think I can extend my stay for a day or a few more days."

I wished I had a camera to capture their reaction. Pumalakpak si Mack at muntik pa yatang tumili. The kids jumped in delight. Ang kambal ay tumakbo pa papunta sa akin at yumakap sa mga binti ko.

Never MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon