Chapter 18: Sacred
HININTAY ko lang ang pagbalik ni Miko sa tree house. Inilabas ko naman ang cellphone ko at kumuha ako ng picture. Nasa front naman ang camera nito at marami naman ang kuha ko. Ipapakita ko na lamang sa nobyo ko ang magandang litrato ko at ipapabura kung may hindi man maganda.
I-c-click ko na sana ang button ng camera nang tinawag ako ni Miko. “Jean.”
Nang pumihit ako ay siniil niya ako ng mariin na halik. Mabilis naman akong tumugon at sinabayan ang mararahan na galaw ng mga labi niya. Hangga’t hindi kami kinakapos ng hangin ay talagang wala siyang tigil.
Bumaba ang halik niya sa balikat ko at dahil mababa lang ang neckline ng dress ko ay pati ang gitna ng dibdib ko ay hinalikan niya. Namamanhid na ang batok ko at mainit na rin ang magkabilang pisngi ko.
“Miko, huwag mo akong lagyan ng kissmark,” suway ko sa kanya at napaigtad ako na pati ang cleavage ko ay nahalikan niya. “Miko.” Nag-init lang ang katawan ko dahil sa sensasyon na pinaparamdam niya.
“Jean?” sambit niya sa pangalan ko pero sa mahinang boses. Parang nahihirapan na ano.
“What is it?” Bayolenteng napalunok ako dahil sa paghaplos niya sa binti ko.
“Ayokong... takutin ka sa gagawin ko. Pero ang hirap-hirap talagang magpigil. Ngayon alam ko na ang nararamdaman ng mga kuya ko. Kapag gusto mo pala ang isang babae na kahit wala siyang ginagawa ay nagagawa kang akitin at parang torture na rin ang ginawa sa ’yo.”
“Ano ba ang dapat kong katakutan sa gagawin mo, Miko?” tanong ko at hinaplos ko ang panga niya.
“Sa gagawin ko. Baka... isipin mo rin kaya kita niligawan, kaya naging girlfriend kita at nagustuhan kita dahil sa gusto ko lang din na angkinin ka?” Mas tumindi na nag-init ang pisngi ko. Kakaibang hatid para sa akin ang sinasabi niyang ‘angkinin ka’. Alam ko ang kahulugan no’n.
Ngunit higit ko siyang pinagkakatiwalaan kaysa sa kung sino-sinong tao lang. Maliban kina Ate Zedian at Kuya Hart ay isa na rin siya sa mga taong pinagkakatiwalaan ko.
“Miko, sa relasyon ng dalawang tao. Hindi nila kailangang gawin ang bagay na iyon. Hindi iyon ang magpapatibay sa relasyon nila. Ginagawa lamang iyon ng mag-asawa, na legal na silang kasal, sa mga mata ng tao at kay Lord. Alam mo ba kapag ibinigay mo ang sarili mo sa isang tao? At ginawa ninyo iyon ay mabilis na magsasawa sila. Iisipin nila ang tumikim sa iba na kung ano rin ang pakiramdam kapag ginagawa nila ang mga bagay na iyon? Pero may iba rin na kapag hindi mo ibinigay ang gusto niya ay maghahanap siya ng iba para ma-satisfy ang pangangailangan niya. Makasalanan ang magtalik na hindi pa kayo kasal, nakawawala ng puri at dangal lalo na sa mga babaeng katulad ko. Miko, kung mahal mo ang isang tao ay huwag mong hilingin iyon sa kanya. Ang pagmamahal ay nararamdaman lamang ng puso natin, hindi ang init ng katawan. Pagtataksil iyon sa Kanya at gagawin nila iyon dahil gagamitin lamang nila ang ibang tao,” mahabang paliwanag ko sa kanya at napabuntong-hininga na lamang din siya.
“Isa ka ngang guro. Ang husay mong magsalita ng ganyan,” tila proud na sabi pa niya.
“Pero...”
“Ano ’yon?”
“Mangyayari lang iyon sa atin kapag hindi na natin mapipigilan ang mga sarili natin,” seryosong sabi ko.
“Kung ganoon, handa kang gumawa ng kasalanan kasama ako?” tanong niya na tinanguan ko. “Sige, tingnan natin.”
“Miko, kung maaari ay magpigil ka naman.” Pabiro kong piningot ang tungki ng ilong niya.
“Hangga’t kaya ko pa, baby,” sabi niya at inayos ang neckline ng dress ko. “Tara. Meryenda tayo. Masarap ang meryenda nila.”
“Dapat dinamihan mo.”

BINABASA MO ANG
The Blind Lost Her Traces (Brilliantes Series #5) (COMPLETED)
RomanceDonna Jean V. Lodivero, a lovely woman deprived of the ability to see beautiful scenery in the world. A young lady who has her unlucky fate. However, she remained positive about everything and knew she would be given a chance to see again. In her da...