CHAPTER 46

3.3K 48 0
                                    

Chapter 46: Obsession

“Archimedes B. Valderama is the name, sweetheart...”

ARCHIMEDES B. Valderama? Sino siya? Hindi ko siya kilala pero siya ay alam niya kung sino ako. Kilalang-kilala niya ako. Ni minsan din ay hindi ko narinig ang pangalan niya at hindi nga talaga ako pamilyar.

“Ano’ng kailangan mo sa akin?” mariin na tanong ko pero mahinahon ang boses ko.

“Just you, sweetheart...” Hindi roon nagtapos ang paghihirap kong makawala sa bahay na ito.

Ikinulong ako ng lalaki sa kuwarto niya at wala naman siyang ibang ginagawa kundi ang panoorin ako. Ramdam ko ang mga titig niya dahilan na kinikilabutan ako.

Wala akong nakuhang matinong kasagutan mula sa kanya. Kung ano ang kailangan niya sa akin at bakit niya ako dinukot. Oo, literal na iyon ang dapat itawag sa ginawa niya. Kidnapping...

“S-Sabihin mo sa akin... May... ginawa ba akong kasalanan sa ’yo kaya mo ako pinapahirapan nang ganito?” humihikbing tanong ko. Walang katapusang katanungan na hindi niya sinasagot nang maayos.

Nakaupo ako sa kama at yakap-yakap ko ang mga tuhod ko. Hindi naman ako nakatali pero nang sinubukan ko ang bumaba at lumabas dito ay ibinabalik niya lamang ako sa malaking kama niya.

“Yes, sweetheart.” Sa tuwing tinatawag niya akong ganoon ay hindi ko maiwasan ang mailang at tumatayo ang balahibo ko sa katawan. Hindi ko gustong tawagin niya akong ganoon. Wala siyang karapatan na tawagin akong ganoon kasi hindi ko naman siya boyfriend. Kahit ang sparks ay hindi ko maramdaman but I admit it na natatakot ako sa presensiya niya kaya kumakabog ang dibdib ko.

“Pero wala akong kilalang Archemedes!” sigaw ko.

“You took my heart with you, sweetheart,” aniya na halos pabulong pa.

“Nababaliw ka na...” saad ko na sinabayan ko pa nang pag-iling. May posibilidad na baliw na nga siya at nang-aangkin siya ng isang bagay na hindi naman kanya.

At kinuha ko raw ang puso niya? I’m not stupid para hindi ko maintindihan ang ibig niyang sabihin doon.

“Call me whatever you want pero hindi kita ibabalik sa engineer na iyon and I don’t think so kung kailangan ka pa ba niya,” saad niya na punong-puno ng sarkastiko.

“A-Ano ang ibig mong sabihin?” kinakabahan kong tanong.

“Naalala mo ba na tinurukan ka ng gamot nang ilayo kita roon?” he asked. Ano naman ang kinalaman doon?

“Sabihin mo kung ano ang ginawa mo sa akin! Nang araw na kasama ko ang mag-aama ko!”

“That’s one of my doctor’s invented medicine, a sleeping pills that can make you fall asleep in a few months, it depends kung ano’ng klaseng gamot ang itinurok ko sa katawan mo,” paliwanag niya para lang balutin nang kaba ang aking dibdib.

Kung ganoong klaseng gamot ang itinurok niya sa akin, kung ganoon... Ilang buwan na akong natutulog? Oh, my God... Huwag naman sanang umabot ng isang buwan!

“A-Ano?”

“Sweetheart, you had been asleep for over three months.” Umawang ang labi ko sa gulat at hindi makapaniwala sa aking nalaman.

“Sinungaling ka! S-Sinungaling ka at hindi iyan totoo! Hindi totoo ang sinabi mo! Sinungaling ka!” Nagsisigaw na naman ako sa apat na sulok ng silid na iyon at ang boses ko lang ang siyang maririnig.

Ayokong maniwala na tulog lang ako sa loob ng tatlong buwan. Ayokong paniwalaan iyon dahil tiyak akong nag-aalala na sila, nag-aalala na si Miko. Hindi ako maaaring mawala nang ganoon katagal. May mga anak pa akong inalagaan ko.

The Blind Lost Her Traces (Brilliantes Series #5) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon