Chapter 36: Caller & Fire
“MATULOG ka na, Miko. I know pagod ka sa work mo. Sige na, matulog ka na,” ani ko at hinaplos ko ang ulo niya. Naramdaman ko pa ang pagtitig niya sa akin. “Huwag na po akong titigan, Engineer. Matulog ka na po,” nakangusong sambit ko.
“Sobrang ganda mo. Humahaba na ang bangs mo, baby,” wika niya at hinawi pa niya ang bangs ko.
“Hayan ka na naman sa pambobola mo. Matulog ka na at ang sabi kanina ni Kuya Markus ay isang linggo ka raw muna magpapahinga at hindi ka magtatrabaho. Ako ang magbabantay sa ’yo,” utas ko.
“Eh, kailangan kong pumunta sa site bukas, baby. Marami akong trabaho na kailangan kong matapos,” pagdadahilan niya.
“Hindi ka ba... manghihingi sa akin ng pera, Miko? Sige na, baby... Sabihin mo na sa akin.”
“Ayoko.”
“Magtatampo ako kapag tatanggihan mo ako.”
“Fine.” Lumapad ang ngiti ko at inilapit ko ang mukha ko para halikan siya sa pisngi.
Dahil sa pagod niya ay nauna siyang nakatulog. Hinahaplos ko ang dibdib niya na pantay na ang paghinga niya. Senyales na mahimbing na rin ang kanyang tulog.
Nakapikit na ako pero hindi pa rin ako dinadalaw nang antok. Hanggang sa makarinig ako ng ringtone—mali, may tumatawag sa cellphone ko. Nasa bedside table namin iyon. Maingat akong bumangon at hawak ko pa ang umbok kong tiyan. May kabigatan na kasi sila. Dahan-dahan lang akong bumaba at nahawakan ko ang dulo ng mesa. Kinuha ko ang cellphone ko at sinagot ang tawag.
“Hello? Sino po sila?” tanong ko kasi hindi ko naman mababasa kung sino ang tumatawag.
“Kumusta si Engineer Miko S. Brilliantes? I heard the news about him. So?” tanong nito na agad kong sinagot. Kasi nga ay nagtatanong din siya.
“Mabuti naman po ang fiancé ko. Bakit, sino po ba ito?” Nang una ay naging magalang pa ako kasi ang tungkol kay Miko ang tinanong niya at unti-unti kong napagtanto na kilala niya ang fiancé ko. Samantala, ang cellphone ko mismo ang tinawagan niya. Na isa pa ay hindi ko siya kilala. Ni hindi pamilyar sa akin ang boses niya. Basta lalaki siya. “Sino ka? Saan mo nakuha ang numero ko at paano mo nakilala ang fiancé ko?” matigas ang boses na tanong ko sa kabilang linya.
“Donna Jean V. Lodivero, may I right? Daizo Hart is your older brother and his wife is Zedian Lorcade Lodivero.” Sa lamig ng boses niya ay tumayo ang lahat ng balahibo ko sa katawan.
Hindi lang si Miko ang kilala niya. Ako, si Kuya Hart at ang sister-in-law ko na si Ate Zedian. Sino ang taong ito at bakit parang ang dami niyang alam tungkol sa amin?
“Sino ka at bakit mo kilala ang pamilya ko?” seryosong tanong ko sa kanya. Sa totoo lang ay nagsimula na akong makaramdam ng kakaiba. Hindi ko talaga kilala ang lalaking ito.
Hindi rin ganito ang boses ng matalik na kaibigan ni Miko at lalong-lalo na ang mga pinsan niya. Kaya sino siya? Sino ang taong kausap ko ngayon? Ano ang motibo niya at bakit tinatanong niya kung kumusta na si Miko? Paano ba niya nalaman ang lahat ng iyon?
Maraming katanungan ang naiipon sa isip ko at hindi ko alam kung paano hanapin ang mga kasagutan na iyon.
“Naniniwala ka ba kung sasabihin ko sa ’yo na ako ang dahilan kung bakit gumuho ang gusali na ginagawa ngayon ng fiancé mo? At bakit naloko siya na matibay ang mga materyales kahit mababa lang ang preso nito? Isa pa na kung bakit sinugod din siya sa hospital?” Napahawak ako nang mahigpit sa bestida ko dahil sa narinig na sinabi niya.
Paano niya nalaman ang lahat ng iyon? Ay parang inulit ko lang ang sinabi ko kanina. Subalit nakapagtataka naman iyon. Paano nakaabot sa kanya ang balitang dinala sa hospital ang lalaking mahal ko?
BINABASA MO ANG
The Blind Lost Her Traces (Brilliantes Series #5) (COMPLETED)
RomanceDonna Jean V. Lodivero, a lovely woman deprived of the ability to see beautiful scenery in the world. A young lady who has her unlucky fate. However, she remained positive about everything and knew she would be given a chance to see again. In her da...
