Chapter 58: Kuya Hart
TATLONG araw pa lamang ang nakalipas na hindi ko nakikita ang mga anak ko ay parang pinapatay na ako nang sobrang lungkot. Miss na miss na miss ko na sila talaga sila.
Kung dati na kaya ko pa silang tiisin, na kaya ko pang tiisin ang pangungulila ko ay hindi na ngayon. Iba na kasi ang sitwasyon. Ngayon kasi ay may idea na ako sa mga hitsura nila.
Nakikita, nahahawakan, nahahalikan at nayayakap ko na silang tatlo. Hindi lang iyon. Kaya ko na silang kausapin at makipagkuwentuhan buong araw. Nag-e-enjoy ako na magbasa ng mga paborito nilang libro at gusto ko pa silang makasama nang mas matagal pa. Pero hindi na nga talaga puwede.
Wala akong ibang ginawa buong maghapon kundi ang sumimangot at humilata na lamang sa kama o sa sofa bed. Kahit ang manood ng TV ay wala akong gana, parang hindi pa ako nasisiyahan. Walang magandang panoorin, psh.
Ang isang bagay lang na nagpapasaya sa akin ay ang makita ko ang lunch pack na nauubos ang mga laman. Yes, nagpatuloy pa rin ako sa paghahanda ng lunch and snack for my daughters. Kahit hindi na ako magpakita pa sa kanila. Madalas pa rin daw ako hinahanap ng mga baby na iyon kung bakit daw ay hindi na ako pumupunta.
Kahit gusto ko ay hindi na rin puwede. Natatakot lang ako sa mga babala ni Archimedes. Baka madamay na naman sila at ayokong mangyari iyon. Napabuntong-hininga na lamang ako. Ang laki ng problema ko sa totoo lang.
Akala ko ay magtatagal pa ako sa pagka-bored ko sa condo nang mag-isa. Pero bigla na lang pumasok sa isip ko ang lumabas kahit hindi ako pamilyar sa Manila.
Napabangon pa ako nang may naalala rin ako. Nagmamadali kong tinungo ang kitchen namin ni Zavein at binuksan ang ref. Napangisi ako dahil wala ng fresh milk. Noong nagsasama pa kami ni Archimedes ay puro fresh milk na lang talaga ang iniinom ko. May mga pagkakataon din naman na nagkakape ako. Pero madalas gatas lang.
Inilabas ko ang cellphone ko at kinuhanan ko iyon ng litrato saka ko ipinadala kay Archimedes.
Nagtipa ako sa keyboard ng message ko sa kanya. Magandang alibi na ito kaysa naman ang malaman niyang wala ako rito sa condo namin ni Zavein.
“Hon, bibili lang ako ng milk sa grocery store. Don’t worry, hindi ako maliligaw kasi may GPS naman ang phone ko.” Kinagat ko pa ang daliri ko sa kaba kasi baka hindi niya ako payagan. Ayaw pa naman no’n na nagpupunta ako sa ibang lugar kapag hindi ako pamilyar o ni minsan ay hindi pa ako pumupunta roon.
Bumilang lang ako nang ilang minuto ay may reply na agad siya. Napangisi ako.
“Okay, just take care at umuwi ka agad kahit after lunch na. Enjoy, sweetheart.” Mabilis talaga siyang mag-reply kapag ako ang nakikita niyang nag-t-text. Kahit nasa meeting pa siya ay ginagawa niya iyon.
“Thanks, hon! I love you!”
“I love you more, sweetheart.” I took a deep breath sa last reply niya. Hanggang kailan nga ba kami ganito? O hanggang kailan ako magpapanggap na may totoo nga akong nararamdaman sa taong dumukot sa akin?
I picked my white ruff blouse na manipis ang fabric niya kaya kitang-kita ang suot kong itim na strap sando sa loob at ang pababa naman ay brown bermuda shorts, hindi naman ito lumagpas pa sa tuhod ko ang haba nito and white double strap heels na ang taas naman nito ay may 4 inches.
Ibinalik ko na dati ang kulay ng buhok ko. Pinakulot ko lang din ang dulo nito kahit maikli lang siya. Brown handbag din ang pinili ko saka ako lumabas mula sa condo namin. Una kong naisip na puntahan ay ang mall bago ako bibili ng gatas. Alibi ko lang naman kasi iyon.
Malayang-malaya ako kapag ganito na mag-isa lang ako. Walang Archimedes na palaging nagbabantay sa bawat galaw ko. Walang bodyguards na nakabuntot kung saan man ako pumupunta. Hindi ako maaabalidbaran.
BINABASA MO ANG
The Blind Lost Her Traces (Brilliantes Series #5) (COMPLETED)
RomansaDonna Jean V. Lodivero, a lovely woman deprived of the ability to see beautiful scenery in the world. A young lady who has her unlucky fate. However, she remained positive about everything and knew she would be given a chance to see again. In her da...
