CHAPTER 60

7.7K 59 1
                                        

Chapter 60: Archimedes’ arrival

SA MGA sumunod na araw ay nasurpresa ako sa pagbalik ni Archimedes. Natutulog pa ako noong may maramdaman akong humahaplos sa pisngi ko. Hindi ko na sana ito papansin pa dahil inaantok pa ako pero ang kamay nito ay bumababa sa aking baywang. This is not a dream. This is real.

Magagaan na halik din ang nararamdaman ko at umaabot sa aking leeg. Tumindig ang balahibo ko sa katawan. Doon na ako napadilat at agad akong kinabahan dahil pamilyar ang presensiya nito.

“Archimedes,” I uttered his name.

“Long time no see, sweetheart,” malambing na sabi pa niya at siniil niya ako nang mariin na halik. Wala akong nagawa kundi ang ikawit ang kanang braso ko sa leeg niya at gumanti sa mga halik niya.

Hanggang sa tanggalin niya ang kumot ko at pumuwesto agad siya sa ibabaw ko. Nakatukod ang isang siko niya sa gilid ng ulo ko habang hinahaplos ng likod ng kamay niya ang aking pisngi. Humawak na rin ako sa tagiliran niya at sinasabayan ang bawat halik niya.

Bumaba pa ang mga labi niya sa leeg ko at sa balikat ko. Pinagapang niya ang palad niya sa ilalim ng sando ko pero bago pa man niya tuluyang sakupin ang dibdib ko nang pinigilan ko na siya.

“Hon... Maaga pa para gawin natin ito,” mahinang sambit ko at habol-habol ko ang paghinga ko. Marubdob at mapupusok kasi ang mga halik niya.

“But I miss you, sweetheart. I want you... I want you, badly.” Napadaing ako nang kagatin niya ang leeg ko. Nanginig ang katawan ko sa ginawa niya.

“No, hon... Mamaya na... Mamayang gabi. Alam kong pagod ka. May jet lag ka pa, ’di ba?” I cupped his face para lang mapigilan ko siya. “Don’t worry, maghahanda ako.” Hinalikan niya lang ang noo ko saka siya humiga sa tabi ko.

Nagkunwari akong naglalambing sa kanya dahil miss na miss ko rin siya at niyakap siya nang mahigpit. Pero nang nakatulog na siya ay saka ako bumangon.

Dinampot ko ang cellphone ko para tawagan si Randell. Nagtungo ako sa kitchen para hindi ako marinig ni Archimedes. Ayokong malaman niya ang matagal na naming itinatago.

“Oh, Kalla?” agad na sagot niya mula sa kabilang linya.

“Randell, nandito na si Archimedes. Kailangan ko na ang babae mo,” sabi ko at nakarinig pa ako nang tawa niya. “Randell, naman...” Tinatawanan niya lamang ako.

“Grabe ka naman sa babae ko, Kalla. Hindi ko iyon babae. Actually nasa bansa na rin kami. Nalaman ko sa sources ko ang flight niya kahapon. Agad din akong nagpa-book ng ticket. Don’t worry kasama ko si Dalia. Nabigyan ko na rin siya ng favorite perfume mo.” Nakahinga ako nang maluwag sa narinig kong ibinalita nito.

To be honest ay kaya ko namang maghanap ng babae para kay Archimedes. Natatakot lang ako na baka mahalata ako nito. Malaki ang tiwala ko sa kaibigan kong si Randell. Kung sa ganitong pagkakataon ay siya ang nilalapitan ko. Idea niya rin naman ito at sino naman ako para tanggihan iyon? Gayong para rin naman ito sa sarili ko.

“Hindi ko talaga makakaya ang lahat ng ito kung wala ka, Randell,” emosyonal na sabi ko.

“Alam ko. Huwag ka nang mag-alala pa. Ako na ang bahala. Hindi kami puwedeng magkita riyan ni Archimedes. Dapat sa susunod pang mga buwan,” he said.

“Thank you, Randell.”

“Tsk. Wala iyon. Don’t stress yourself, Kalla. Tandaan mo na doctor mo ako at hindi ka puwedeng ma-stress, okay?” Tumango ako kahit na hindi naman niya ako nakikita. Nagpaalam na rin kami sa isa’t isa.

Nagluto na lamang ako ng breakfast namin ng asawa ko para paggising niya ay makakain na agad kami. Iyon na nga ang nangyari pa. Kumain kami nang sabay-sabay at halos hindi niya ako tantanan nang tingin. Hanggang sa nagbiro na lang ako sa kanya na baka matutunaw ako. Sanay naman ako sa ganito.

The Blind Lost Her Traces (Brilliantes Series #5) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon